08/07/2025
LESSON SA BUHAY ❤️ BY JELYN DABLO
Alam mo anong nawala sa’kin? Tapos ikaw, na simpleng problema lang ang pinagdadaanan, depressed ka na agad? Be strong 💪 dahil kapag bumagsak ang immune system mo, magkakasakit ka.
Noong 2013, nagsimula na akong rumaket nang rumaket hanggang 2021 habang malakas pa ako. Noong 2015, nagsimula na rin akong mag-invest sa properties, lupa, at sasakyan. Ginagamit ako noon sa church bilang Song Leader sa Mindoro at Backup Singer sa Makati Church pero napabayaan ko iyon sa kakapokus sa negosyo. Gusto ko kasing mag-invest at tulungan ang pamilya ko, lalo na ang mga kapatid ko sa pag-aaral at mga pangangailangan sa bahay sa Mindoro.
Hindi na ako nakakapagsimba para hilingin ang proteksyon ko araw-araw at para makaiwas sa sakit. Kaya nawalan ako ng spiritual at physical protection, lalo na sa kalusugan ko.
Sobrang sipag ko. Halos minsan hindi na ako natutulog (2 days), kape nang kape. Ako yung taong mahilig sa instant food dahil sa mga transaction ko na halos kulang na kulang sa oras. Kung hindi lang ako dinadalaw ng antok noon, hindi na ako matutulog. Alam mo yung paggising mo, kape agad, tapos trabaho agad. Ako pa ang magde-deliver at magda-drive.
📌 Kaya hindi ako sanay na umaasa sa ibang tao. Pero ngayon, wala na akong choice kundi humingi ng tulong sa ibang taong may mabuti at matulunging puso ❤️.
So ito na nga. Noong 2018, nalaman kong may sakit ako, Endometrial Cancer. Akala ko noon mamamatay na ako. Na-depress ako nang halos dalawang buwan. Ayoko makipag-usap sa tao at tinago ko pa sa pamilya ko ang sakit ko ng isang taon. Kaya nag-enjoy na lang ako lalo sa negosyo at nagdesisyon na uminom ng herbal at food supplements habang malakas pa ako kasi marami akong bayarin at kailangan kong mag-ipon para sa gamutan kapag dumating ang oras na kailanganin ito.
May kakilala akong halos sumikat sa Mindanao sa isang investment scam. Natukso akong mag-invest dahil lahat ng kaibigan at kakilala ko ay nag-join at kumikita na. Sadly, huli na ako. Yung pinaghirapan kong savings, nawala agad agad. Then may nagpakilala pa sa’kin tungkol sa FOREX. Nasunog lang ang pera ko 😭😭
Halos naubos ang perang pinaghirapan ko sa negosyo.
Noong 2021, na-trigger na ang sakit ko dahil sa bakuna. Nagising ang sakit ko, lumala, at nadamay pa ang baga ko. Naoperahan pa ako pati tiyan ko para tanggalin ang tubig (massive ascites). Kaya lahat ng pwedeng ibenta, binenta ko na para matustusan ang operasyon at gamutan. Ang hirap magkasakit. Mauubos lahat ng pinaghirapan mo. Kung wala kang pera, wala kang laban.
1 Camella (house and lot) ➡️ nabenta
1 condo sa Shell Residences ➡️ nabenta
1 Almera (kotse) ➡️ nabenta
Lupa na malapit sa dagat ➡️ nabenta
1 condo sa Harrison Residences ➡️ nabenta
1 Ford Ranger ➡️ nabenta
Kaya ikaw na sa tingin mo hindi mo pa naman nalalagpasan ang mga nangyari o nangyayari sa akin ngayon at mga nawala sa akin. Please lang, huwag mong i-stress ang sarili mo. Baka yan pa ang maging dahilan para magkasakit ka. Lahat tayo may cancer cells. Please lang, ingatan mo ang sarili mo at huwag mong pabayaan.
Huwag mong hayaang mawala rin sa iyo ang lahat, physically, mentally, financially, at ang Christian life mo, gaya ng nangyari sa akin. Pero naniniwala pa rin ako na si Lord may gustong iparealize sa akin at ibabalik Niya ang lahat ng nawala. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
In Jesus' name.
REST IN PEACE 🙏🤍