Ang Luntiang Kabalyero

Ang Luntiang Kabalyero Ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng
Escuela de Sophia of Caloocan, Inc.

๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ค๐š๐ข๐ง ๐๐š ๐“๐š๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐š '๐˜๐š๐ง?Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong narinig ang tanong na iyon. ...
15/08/2026

๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ค๐š๐ข๐ง ๐๐š ๐“๐š๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐š '๐˜๐š๐ง?

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kong narinig ang tanong na iyon. Para itong orasan sa aming tahananโ€”paulit-ulit ang tiktak, ngunit hindi kailanman nagsasawang ipaalala na ang bawat pangarap ay may kaakibat na realidad. Sa bawat pagbigkas nito, tila may maliit na kurot na gumigising sa akin: hanggang saan nga ba ang kayang ibigay ng isang pangarap?

Basahin:
https://angluntiangkabalyero.substack.com/p/mapapakain-ba-tayo-ng-passion-na?utm_source=share&utm_medium=android&r=8lgkeb

PUGAY, G. KEIEL!Maging matapang at matutong tumindig. Ilan lamang iyan sa mga paalala ni G. Almond Keiel O. Macawili, an...
12/08/2026

PUGAY, G. KEIEL!

Maging matapang at matutong tumindig. Ilan lamang iyan sa mga paalala ni G. Almond Keiel O. Macawili, ang dating ikalawang tagapayo ng Ang Luntiang Kabalyero, na siyang gumabay at pumanday sa mga kabalyerong hanggang ngayon ay patuloy na nagsisilbi sa publikasyon.

Puno ng halakhak at walang-sawang pasensya ang kaniyang dala upang matiyak ang kalidad at kawastuhan ng bawat titik at disenyong inilalathala para sa mga Sophian, habang sinisigurong maaabot ng publikasyon ang matayog nitong mithiin.

Bagaman hindi mababago ng panahon ang buhay na nawala, hindi naman nito maaagaw ang mga alaalang kailanman ay hindi maoorasan. Sa bawat pagpapayo, pagwawasto, at pagtitiyak na magagampanan ang tungkuling maging sandigan ng mapagpalaya at mapagkalingang pamamahayag, tangan ng kaniyang mga aral ang layuning maging tanglaw ng katarungan at tinig ng katotohanan.

Lubos na nakikidalamhati ang Ang Luntiang Kabalyero sa pagpanaw ni G. Keiel, sabay ang pagpupugay sa buhay ng isang gurong buong sigla at galak na inialay ang kaniyang sarili para sa kaniyang mga estudyante.

Mananatiling buhay ang alaala ni G. Keiel sa mga mag-aaral na patuloy na nagpapatuloy ng kaniyang misyon para sa lipunan.

Kaisa kami ng kaniyang naiwang pamilya, mga kaibigan, katrabaho, at mga estudyanteng patuloy na magbibigay-pugay sa kaniyang napakakulay na alaala at dedikasyon sa sektor ng edukasyon at pamamahayag pangkampus.

Maabo guid nga saeamat, G. Keiel!

๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐–๐ข๐ค๐š, ๐ˆ๐ค๐š๐ฐ ๐๐š '๐˜๐š๐ง?Sa sandaling iyon, napagtanto nilang pareho pala silang naliligawโ€”isa sa mga salitang umu...
08/08/2026

๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐ | ๐–๐ข๐ค๐š, ๐ˆ๐ค๐š๐ฐ ๐๐š '๐˜๐š๐ง?

Sa sandaling iyon, napagtanto nilang pareho pala silang naliligawโ€”isa sa mga salitang umuusbong, at isa naman sa mga salitang unti-unti nang nalilimot.

Basahin: https://angluntiangkabalyero.substack.com/p/wika-ikaw-ba-yan?r=8lgkeb&utm_campaign=post-expanded-share&utm_medium=web

Ngayong araw, muling binibigyang-pugay ang mga manggagawa sa bukidโ€”sila ang mga tunay na nagpapakain ng bayan. Mula sa p...
06/08/2026

Ngayong araw, muling binibigyang-pugay ang mga manggagawa sa bukidโ€”sila ang mga tunay na nagpapakain ng bayan. Mula sa pagbaluktot ng likod sa ilalim ng matinding sikat ng araw, hanggang sa pagpapanatiling may laman ang hapagkainan ng bawat pamilya. Ngunit hindi dapat nagtatapos ngayong araw ang ating pagkilala, lalo na kung ang mismong nagpapatakbo sa ating agrikultura ay nananatiling salat.

Dahil paano kung may sistema pa ring pinahihintulutang maging gutom ang mismong nagtatanim. Paano kung sa gitna ng pagdiriwang ay may umuusbong na isang isyu kaugnay sa Pax Silica kung saan tinatanggalan ng karapatan ang mga magsasaka sa sariling lupain para sa sinasabing pag-unlad ng teknolohiya. Mananatiling kabalintunaan ang araw na ito kung patuloy na isasakripisyo ang seguridad sa pagkain at sa lupaing tinatamnan.

Ang araw na ito ay ang araw kung saan dapat sila ay magpahinga, ngunit ang iba sa kanila ay napipilitang lumabas sa kalsadaโ€”hindi upang magdiwang, kundi upang ipaglaban ang kanilang karapatang manatili sa sariling sakahan. Kaya ang papuring natatamasa nila ngayon ay hindi sapat, sapagkat kung tunay silang pinahahalagahan, dapat may makatarungang patakaran at proteksyon sa sakahan.

๐‹๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฆ๐š๐ฌ๐š, ๐ฉ๐š๐ฌ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฌ๐š!Noong Hulyo 28, 2026, naganap ang MasterChef Cookfest ng ikalabindalawang baitang. Na...
04/08/2026

๐‹๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฆ๐š๐ฌ๐š, ๐ฉ๐š๐ฌ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฌ๐š!

Noong Hulyo 28, 2026, naganap ang MasterChef Cookfest ng ikalabindalawang baitang. Naganap ang nasabing patimpalak sa Donata Extension eksaktong 9:25 n.u. kung saan binigyan ang mga kalahok ng sapat na oras upang ihanda ang kanilang mga putahe hanggang sa pormal na tinapos ito ng 11:15 n.u.

Ang patimpalak na ito ay nagsilbing daan upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang iba't ibang paraan sa pagluluto nang may kalakip na sustansya. Iba't iba man ang inihandang putahe, lahat ng ito'y pinaglaanan ng oras at binigyan ng pagmamahal.

๐Š๐Ž๐‹๐”๐Œ | ๐Œ๐š๐ฒ ๐๐š๐ง๐š๐ ๐จ๐ญ, ๐Œ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐จ๐ญ ๐๐š?Sa tuwing sasapit ang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo, laging inaaba...
04/08/2026

๐Š๐Ž๐‹๐”๐Œ | ๐Œ๐š๐ฒ ๐๐š๐ง๐š๐ ๐จ๐ญ, ๐Œ๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐จ๐ญ ๐๐š?

Sa tuwing sasapit ang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo, laging inaabangan ang mga isyung malapit sa sikmura ng bawat Pilipinoโ€”kabilang na rito ang isyu sa flood control. Kung saan tinatayang umabot sa โ‚ฑ42.3 bilyon hanggang โ‚ฑ118.5 bilyong piso ang pinsala ng mga ghost project, ilan pa lamang iyan sa mga kabi-kabilang anomalya ng flood control project sa buong bansa. Ngunit nasaan na nga ba tayo sa pagpapanagot sa mga dawit sa anomalya ng flood control projects?

Basahin: https://open.substack.com/pub/angluntiangkabalyero/p/may-nanagot-may-mananagot-ba?r=8lgkeb&utm_campaign=post-expanded-share&utm_medium=web&utm_id=97757_v0_s00_e0_tv0

๐Š๐Ž๐‹๐”๐Œ | โ€œ๐๐ซ๐ฎ๐ญ๐š๐ฌ ๐จ ๐†๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒโ€ ๐จ โ€œ๐๐ซ๐ฎ๐ญ๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐†๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ?โ€Sabi nga nila, kung napakahalaga ng moderasyon, bakit mas ninanais ng karam...
04/08/2026

๐Š๐Ž๐‹๐”๐Œ | โ€œ๐๐ซ๐ฎ๐ญ๐š๐ฌ ๐จ ๐†๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒโ€ ๐จ โ€œ๐๐ซ๐ฎ๐ญ๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐†๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ?โ€

Sabi nga nila, kung napakahalaga ng moderasyon, bakit mas ninanais ng karamihan na mamili? Mula elementarya ay itinatatak na sa isip ng kabataan ang kahalagahan ng pagkain ng masustansyaโ€”ngunit sa halip ng epekto nito sa katawan, mayroon rin itong epekto sa kapaligiran.

Basahin: https://open.substack.com/pub/angluntiangkabalyero/p/prutas-o-gulay-o-prutas-at-gulay?r=8lgkeb&utm_campaign=post-expanded-share&utm_medium=web&utm_id=97757_v0_s00_e0_tv0

04/08/2026

๐๐‘๐Ž๐ƒ๐Š๐€๐’๐“๐ˆ๐๐† | ๐Š๐š๐›๐š๐ฅ๐ฒ๐ž๐ซ๐จ ๐Š๐จ๐ง๐ž๐ค: ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐Š๐ง๐จ๐ฐ

Sophians, alam niyo kaya ang mga sagot dito? Halika, alamin natin!

Sa pagtatapos ng buwan ng nutrisyon, samahan ninyo kaming pakinggan at panoorin na subukin ang husay at kaalaman ng mga Sophians tungkol sa nutrisyon at kalusugan.

Sabay-sabay nating payabungin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog at malakas na katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain ng prutas at gulay. Ating tandaan na ang Nutrition Month ay hindi lamang buwang tungkol sa ibaโ€™t ibang aktibidad; ito rin ay nagsisilbing paalala na pangalagaan ang ating kalusugan. Dahil ang isang sophian ay dapat malusog at malakas!

04/08/2026

๐๐‘๐Ž๐ƒ๐Š๐€๐’๐“๐ˆ๐๐† | ๐’๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐ฌ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ฅ๐š๐ฒ, ๐‡๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฒ!

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026, isinagawa ng mga mag-aaral ng Baitang 12 ang kanilang MasterChef Cookfest noong Hulyo 24 mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, habang idinaos naman ng Baitang 11 ang kanilang MasterChef Cookfest noong Hulyo 28 mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon sa Donata Extension. Sa patimpalak na ito, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa pagluluto, pagkamalikhain, at pagtutulungan sa paghahanda ng masustansiya at masasarap na putahe.

โ€ŽSa pagtatapos ng mga patimpalak, isinagawa ang presentasyon at pagsusuri ng mga inihandang putahe ng bawat pangkat. Sa kabuuan, matagumpay na naipamalas ng mga mag-aaral ng Baitang 11 at Baitang 12 ang kanilang talento at kaalaman sa paghahanda ng masustansiyang pagkain, na naging isa sa mga tampok na gawain sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026.

Address

Block 31 Lots 1 And 2, Rainbow Village 5 Phase 2, Narra, Caloocan
Metro Manila
1421

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Luntiang Kabalyero posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share