28/07/2024
’AS IN SABI KO, ‘GAGAWIN KO LAHAT PARA MAPA-AIRCON KAYO’'
Naging emosyonal ang TikTok content creator na si Kier Garcia, o mas kilala bilang “Fhukerat,” matapos siyang matanong ni Toni Gonzaga patungkol sa kanyang pangarap.
“So ano nang pangarap mo ngayon?” tanong ni Toni kay Fhukerat.
“Alam mo ba Ma, pumunta kami sa resort. Kakatapos ng birthday ko no’n. Nag-rent ako ng kubo… Kubo lang siya, pero aircon siya. Lahat kami do’n, kumpleto kami. Pamilya kami,” kwento ni Fhukerat sa “Toni Talks.”
“Tapos ako, nagla-live ako sa TikTok no’n, tapos pag-end ko ng live, puma*ok ako sa kwarto. Tapos lahat sila nakahiga. Ta’s nakita ko si Mama, si Papa, lahat sila, humihilik. Hindi kasi nahihilik si Mama eh, tyaka si Papa eh. Ta’s nakita ko humihilik kasi ang lamig, ang comfortable nila do’n. Du’n ako naiyak,” pagbabahagi niya.
“As in sabi ko, ‘Gagawin ko lahat para mapa-aircon kayo.’ Ganon. Pag-uwi ko ngayon, ipapa-aircon ko sila kasi du’n sila nagiging comfortable eh. Kasi matanda na sila eh. Ano, ipaparanas ko pa ’yun ’pag ano na? ’Di ba? Hindi naman sa hinihingi, ’pag wala na sila, ganon?” dagdag pa nito.
“’Yun 'yung pangarap ko ngayon. Kasi never nilang naranasan ’yun, ’yung ganung buhay. Sabi ko dati, hirap na hirap kayo dati samin. Ngayon, hindi na kayo mahihirapan,” pagpapatuloy pa ni Fhukerat.
“Alam mo, ’yung mga bine-bless talaga, ’yung mapagmahal sa pamilya tyaka sa magulang,” pahayag naman ni Toni.
(YouTube/Toni Gonzaga Studio)