21/11/2025
🌸💗✨
Ang iba't ibang tao, sa buhay ay daraan,
Mga kasama't kaibigan, may hangganan ang samahan.
Sa 'yo'y babatiin, at sila'y magpapaalam,
Kapag nagbago ang ihip ng hangin, lilisan at iiwanan.
Ngunit heto si Partner, 'di umuurong ang loob,
Handang sumuporta, 'di ka kailanman ipaubaya sa takot.
Kahit pa ang tingin ng mundo, sa 'yo'y puno ng pagpuna,
Ang pag-ibig niya'y matibay, tanggap ka niya nang buo't walang sala.
Siya ang iyong kanlungan, walang kondisyon ang pagmamahal,
Sa lahat ng unos sa buhay, siya'y laging matatag at tapat na patnubay.
'Yan si Partner, ang nag-iisa at tunay,
Mahal ka nang walang pag-aalinlangan, habambuhay.
-CarLet