Lucnay ta Vines

Lucnay ta Vines Follow mo nalang ako pag gusto muna. RANDOM VIDEO'S

31/10/2025
29/10/2025

Patay na'ng napalgan ang usa ka security guard didto sa Zone 7, Bulua, Cagayan de Oro City.

Ang maong lalaki mao si Aljer, trabahante sa Gaisano Bulua, residente sa Kibawe, Bukidnon.

Matud pa sa caretaker sa boarding house nga si Elvis Hernandez, alas 7:00 sa buntag, gisulayan sa pagpukaw ang maong security guard pero wala kini nimata.

Apan nadunggan pa sa mga tapad niining ga board nga ga hagok pa ang biktima.

Gibalikan pag pukaw sa iyang kauban nga SG alas 4:00 sa hapon si Aljer kay para mokuha sa sweldo, apan wala gihapon nitingog maong gisulayan na pag abri ang iyang kwarto ug didto na nakita ang patay'ng lawas.

Nasayran nga 2 years na nga ga renta ang maong SG sa boarding house ug wala kini history sa away o pag ka alcoholic.





29/10/2025
29/10/2025
29/10/2025

86-anyos na Lolo, binawian ng buhay habang nag-aararo dahil sa sobrang pagod!

Kayod kalabaw parin hanggang sa huling hininga!

Marami sa mga matatanda ang ayaw nilang makadagdag pasanin pa sa mga anak at iisipin ng pamilya, kaya ang iba kahit lahat sa kanila ay marupok na, hirap ng makakilos, makadinig at makakita dahil sa sobrang katandaan, ay mas pinipili paring magbanat ng buto upang mabuhay dahil dito sila nasanay.

Kinahahabagan ngayon ang sinapit ng isang matanda mula Kalubian, Santo Rosario, Tukuran, Zamboanga del Sur na binawian ng buhay sa gitna ng kanyang inaarong lupa.

Sa post ng apo na si Jessel Pameron, inabutan ng huling hininga ang kanyang Lolo na si Hilario Turno, 86-anyos habang nag-aararo ito sa tinatrabahong bukid, katabi nito ang kanyang alaga at kaagapay na kalabaw.

Mag-isa nalang si Lolo Hilario sa kanyang munting kubo, matapos nauna ng pumanaw ang kanyang asawa ilang buwan palang ang nakalilipas, at halos araw-araw niya itong dinadalaw sa kanyang puntod.

May kanya-kanya naring mga pamilya ang mga anak nito kaya't halos mag-isa nalang din at ayaw naman din umano iwanan at umalis ng matanda sa kanyang bahay.

Ikinalulungkot ng pamilya ang pagkawala ng matanda dahil namatay ito habang nasa kalagitnaan ng pagtatrabho sa palayan. Tanging kasama lang nito ang kalabaw at a*o.

"Namatay si Lolo sa gitna ng kanyang inaararong bukid katabi ng kalabaw at ang ginagamit nitong pang-araro. Hindi talaga siya iniwanan ng kanyang kalabaw,"

Kahit sa sobrang katandaan na, hindi parin natapos sa napakabigat na gawain ang matanda at pilit na kumikilos parin sa buhay.

"Nakakaawa ka naman Lo, bakit mo pa pinilit kung di na kaya ng katawan mo ang trabaho. Ano tuloy nangyari sayo."

Sa ibinahaging larawan ni Jessel, basang-basa sa ulan ang wala ng buhay na matanda sa ibabaw ng lupang inaararo nito.

"Nabasa kapa ng ulan at ng tubig sa palayan mo, Lo. Bumangon ka jan mag bonding2 pa tayo. Lo, bakit diyan ka pa binawian. 😥😔🥺,"

Address

Center, Calajoan Minglanilla
Minglanilla
6046

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lucnay ta Vines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share