01/09/2022
Grabe yung tumal nuh! Damang Dama hanggang sa buto
Nakakalungkot, Nakaka stress, Nakakadepress 🥺
Yung iniisip mo, Paano mga bayarin monthly na napakadami at di nauubos 😞
Ilang weeks na din yata ako nag co cost cutting nag nenegative sa budgeting,meron din yung day na tabla tabla lang meron din
araw na habol ka ng habol para maka settle ng mga kautangan at bayarin 😓
Sa business, up and down talaga. Paglalaruan ang emotions mo. Kaya magpasalamat at ienjoy mo kapag malakas.Hanggat kayang magtabi o magipit gawin para handa ka sa mga down moments.
Maganda din na ipost minsan yung mga ganitong struggles sa business. Hindi sa nagiging nega ka. Para makita din ng mga kapwa business owners mo na nahihirapan ka din ngayong mga panahong nahihirapan din sila. Na hindi sila nag-iisa na nakakaranas ng ganito.
Gusto ko lang sabihin na,
Ang tumal dumadaan talaga yan.
Pero Hindi mo mararamdaman ang lakas kung titigil ka🙏💪
Huwag basta susuko, laban lang. 💪 Lagi mo balikan kung paano ka nagsimula at kung nasaan ka na ngayon keep going ika nga nila GRIND LANG NG GRIND 😇☝🏼🙏❤
Tignan mo, pansinin mo di mo namamalayan nakaka raos ka na ulit at umuusad ka na dahil di ka tumitigil ❤️
CTTO