26/04/2025
๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ข๐ช๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค๐ฃ, ๐ข๐๐ฎ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐ฌ๐๐ฃ๐ฉ๐ค. ๐๐๐ฎ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ, ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฎ๐, ๐๐ฉ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฎ๐ช๐ฃ๐๐ฃ. ๐๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐จ, ๐ข๐๐ฎ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐ขโ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ข๐ช๐ฉ๐๐ฃ, ๐ ๐ช๐ฃ๐๐ ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ง๐๐ฌ๐๐๐ฃ.
Kami ang mga patnugot ng Ang Gintong Bagwis Publication para sa taong panuruan 2024โ2025โmga kabataang naglakas-loob na maging tinig ng katotohanan, tagapaghatid ng impormasyon, at tagapangalaga ng kulturang pampaaralan. Sa loob ng isang taon, isinabuhay namin ang responsibilidad ng pagiging lider at tagapagdala ng liwanag sa pamamagitan ng panulat. Naging daan ang aming papel upang mailapit sa komunidad ang mga kwento ng paaralanโmga kwentong karapat-dapat marinig, mga isyung nararapat pagtuunan, at mga tagumpay na kailangang ipagdiwang.
Hindi naging madali ang lahat. Kaakibat ng aming tungkulin ang mga pagod, puyat, at sakripisyo. Kaya nais din naming ihatid kay Gng. Aubrey Tagapulot, School Paper Adviser ng Ang Gintong Bagwis ang aming taos-pusong pasasalamat sa kanyang gabay at suporta upang maihatid sa tagumpay ang aming paghihirap.
Sa Patnugutan ng Ang Gintong Bagwis, maraming salamat sa inyong tapat at โdi matatawarang serbisyo. Kayo ang naging gulugod ng publikasyong itoโmatatag sa prinsipyo, matalas sa pag-iisip, at wagas ang hangaring maglingkod. Sa aming mga manunulat, maraming salamat sa inyong patuloy na paglilingkod sa ating pablikasyon. Nawa'y patuloy ninyong suportahan ang ating pangkat upang maiakyat tayo sa tuktok ng tagumpay.
Sa pagtatapos ng aming serbisyo, patuloy na tatahakin ang Ang Gintong Bagwis ang landas ng serbisyo at pamumuno sa paghahatid ng balitang inyong pagkakatiwalaan, dala ang mga aral at tagumpay upang maglingkod at magsilbing inspirasyon sa susunod na henerasyon.