
31/08/2025
๐ฆ๐๐ฅ-๐๐ข๐จ๐ฆ๐๐ฌ ๐ ๐'๐๐ ๐จ๐ฆ๐๐ก๐ | Ngayong Buwan ng Wika, siyempre, todo effort si Ma'am na ipakita sa klase ang kahalagahan ng ating sariling wika. Kaya, ang activity: gumawa ng sanaysay upang maipakita ang pagmamahal sa wikang Filipino. Pero, sa bawat classroom ay meron talagang estudyanteng may kakaibang lakas ng loob - at nagtanong: "Ma'am, pwede English?" Ayun, nabigla ang buong klase sabay ang pagkulo ng kanilang tawa!
Hindi naman nagpatalo si Ma'am at may sagot na swak na swak sa tema: "Filipino time ngayon - kaya kahit utot mo, dapat naka-Filipino pa rin!" Buhay na buhay ang diwa ng Buwan ng Wika, hindi lang sa mga tula, sayaw, o sanaysay, kundi pati narin sa mga simpleng bagay, kagaya ng birong ito, na nagpapaalala sa atin kung gaano kahalaga ang ating sariling wika. Kaya, ngayong buwan, ipagmalaki natin ang pagiging Pilipino maging sa salita, gawa, at kahit sa mga utot na dapat naka-Filipino!
Mga salita ni Carlos Alforque
Guhit ni Marian Denosca