28/12/2024
"Pagmamahal ng Isang Babae:
Hanggang Kailan ang Pagtiis?"
Sa bawat relasyon,
madalas na sinasabi na ang babae
ang mas nagmamahal nang buo.
Siya ang naglalaan ng mas maraming oras at atensyon,
mas bukas ang puso sa pang-unawa,
at mas handang magtiis para sa taong minamahal.
Ang babae ay may kakayahang magtiis
kahit gaano pa kahirap o kabigat ng sitwasyon.
Pinipili niyang umintindi, kahit na minsan ay nakakapagod na,
dahil sa kanyang takot na maiwan o mawala
ang taong pinipilit niyang ipaglaban.
Sa kabila ng pagiging matatag,
ang puso ng babae ay marupok din.
Simpleng lambing o yakap lang ay sapat na
para mapatawad ang mga pagkakamali.
Patuloy siyang nagbibigay ng pangalawang pagkakataon,
kahit na paulit-ulit siyang nasasaktan at niloloko.
Walang ibang nasasaktan nang higit pa sa isang babaeng nagmamahal
Madalas, siya ang umiiyak tuwing gabi,
pinapasan ang tanong sa kanyang isip
kung saan siya nagkulang at kung paano siya
magiging sapat para sa lalaking tapat niyang minamahal.
At sa proseso ng paglipas ng panahon,
siya rin ang pinakamahabang mag-move on.
Kahit taon na ang lumipas, sariwa pa rin ang sakit,
at tila hindi pa rin mabura ang mga alaala ng kanyang minahal.
Ngunit...
Sa oras na sumuko ang babae, kapag napagod na at nawalan ng pag-asa sa pagbabago, walang panghihinayang sa kanyang pagbitiw. Kahit mahal ka pa niya, kahit maglambing ka pa, hindi na siya babalik.
Ngunit tandaan, bago siya sumuko,
dumaan muna siya sa mga yugto ng pag-unawa, pagtitiis, at pagtitiyaga.
Kapag sinabi niya nang “Ayoko na,” ito ay dahil pagod na siyang magpakatanga para sa isang relasyong walang patutunguhan.