OPM OPM Raffy Tulfo News

21/04/2023

Maraming netizen ang nag-tag sa Raffy Tulfo in Action ng video ng away ng mga babaeng OFW sa Taiwan na inupload mismo ng biktima na si Maria Clarissa "Nina Dy" Gao kung saan napadumi na siya sa kanyang panty sa kasagsagan ng away.

Miyerkules, June 13, personal na lumapit ang kanyang mga kamag-anak na sina Dulce Amor Delos Reyes at Danea Amor Sangalang sa Wanted sa Radyo para tumayong representative ni Maria upang humingi ng saklolo kay Idol Raffy at mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Maria.

Ayon kay Maria, nag-ugat daw ang kanilang alitan sa kanyang ipinost na picture ni Jeronica "Ash" Marasigan na walang make-up sa group chat. Ikinagalit daw ito ni Ash dahil mukha raw siyang helper sa litrato. Bukod pa roon, mayroon pang mga paratang si Jeronica na siniraan niya ito sa kanyang boyfriend na itinaggi naman ng biktima.

Umaga ng June 10, nagulat na lang si Maria nang sugurin siya nina Jeronica, Richelle Villarino at Charina Carreon na dati niyang katrabaho sa club sa Taiwan. Ni-lock raw muna ng mga ito ang pinto at saka wala siyang kalaban-labang sinabutan, tinadyakan, sinuntok, kinaladkad at inuntog sa semento. Dito na rin daw niya hindi napigilang madumi sa kanyang panty. Tumakbo raw si Maria sa CR para magtago at tinangkang tumawag sa mga pulis para humingi ng saklolo ngunit hindi niya nagawa dahil walang tigil ang mga ito sa paghila sa kanya. Sinubukan niya raw magmakaawa at humingi ng paumanhin pero hindi raw huminto ang mga ito sa pambubugbog sa kanya.

Pagkatapos ng insidente, agad ini-report ni Maria sa kapulisan ng Taiwan ang nangyari at nag-file na rin siya ng kaso laban sa mga nanakit sa kanya. Ngunit pinauwi lang ng mga pulis ang mga babae at hanggang sa ngayon ay malaya pa rin na nakakapag-trabaho. Kumpara sa kanya na bugbog sarado at hindi makapasok ng trabaho dahil sa nangyari. Siya pa man din daw ang inaasahan ng kanyang pamilya at baby na isang taong gulang pa lang.

Upang makasiguro at mabigyan ng agarang aksyon, inilapit ni Idol Raffy ang kaso ni Maria sa OWWA. Nakatanggap rin kami ng impormasyon na ang ilan sa mga inirereklamo ay TNT sa Taiwan, bagay na ipapakumpirma ng OWWA sa MECO na tumatayong embahada ng Pilipinas sa Taiwan. Sa oras na makumpirma na iligal ang kanilang paninirahan sa Taiwan, agad silang ipapaaresto at ikukulong habang inaayos ang pagpapa-deport sa kanila.

Bukod sa naunang reklamo na isinampa ni Maria sa Taiwan Police, magsasampa rin ng kaso ang kanyang mga kamag-anak dito sa Pilipinas upang matiyak na sa pagbalik sa bansa ng tatlong Pinay ay kalaboso ang kanilang bagsak.

Mapapanuod niyo po ang buong detalye ng pangyayari sa episode ngayon ng Wanted sa Radyo (June 13, 2018). Narito po ang link:

https://youtu.be/CJsOuGOB2zs?t=4347


Youtube: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialYoutube
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagram
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite

21/04/2023

UPDATE:

Nasa kustodia na siya ng NBI!

Sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, si Vina Rose Santiago ay isang nurse at suspek sa pagpaslang sa insurance manager na si Kristine Diego sa Roxas, Isabela noong February 28, 2019.

Lumapit sa WANTED SA RADYO noong March 6, 2019 si Sherwin Pang, kapatid ng biktima, para magpatulong matapos mapabalitang lumabas ng bansa si Vina Rose patungong Riyadh noong March 2.

Simula noon, tinutukan na ng Raffy Tulfo In Action team ang kaso upang mapabalik siya ng bansa.

Si Vina Rose ay sinasabing kabit ni Darius Diego, asawa ni Kristine. Itinuturing ang krimen bilang isang murder case.

Si Kristine ay pinaslang sa loob mismo ng kanyang opisina.

Abangan ang update sa Miyerkules, March 13, sa WANTED SA RADYO.
—————————————
UPDATE:
March 13, Wed.

Nai-turn over na ng NBI si Vina Rose Santiago sa
kustodia ng kanyang mga abogado. Dahil wala pa namang warrant of arrest galing sa korte laban kay Vina Rose, kelangan siyang pakawalan ng NBI.

Mapapanood ang video ng interview ni Idol Raffy sa link na ito:

https://youtu.be/juKgFp3ewo8


Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagram
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite

03/04/2023
03/04/2023
25/03/2023

Kawawang mga tanod😥

CTTO
25/03/2023

CTTO

Sa mga nagdaang taon dito sa Pilipinas, ilang barko na ang lumubog at maraming mga pasahero ang namatay dahil sa overloading. Trabaho ng Philippine Coast Guard (PCG) na bago maglayag ang anumang barko mula sa pier, ito ay iniinspeksyon, hinahanapan ng mga papeles, tinitingnan kung ito ay sumusunod sa safety protocols, binibilang ang mga pasahero at binubusisi ang iba pang laman ng barko na nakakadagdag sa timbang tulad ng mga kargamento, para masiguro na ito ay sea-worthy sa biyahe. Kapag nagkaproblema sa mga nabanggit na patakaran ay hindi na dapat ito pinapayagang maglayag. At kasama din sa trabaho ng PCG na huwag payagang maglayag ang isang barko kapag masama ang panahon.

Sa kaso ng MT Princess Empress, wala pa pala itong Certificate of Public Convenience (CPC) pero nakalusot ito sa PCG at hinayaan itong makapaglayag. At ang higit na nakakaalarma ay siyam (9) na beses na pala itong naglayag mula sa iba’t-ibang pier at nalusutan ang mga inspektor ng Coast Guard.

Nagkaroon ba ng lagayan dito o talagang saksakan lang ng pagkainutil ang mga inspektor ng PCG sa pier?

Kung may lagayan man o talagang inutil ang mga ito, kailangang may mga managot, masibak sa serbisyo, at makulong pa - hindi lang mga inspektor kundi maging ang mga opisyales ng PCG sa ngalan ng command responsibility.

Sa mga nakalipas na taon tuwing may lumulubog na barko dahil sa kapabayaan, tanging mga tripolante lang ng barko ang nakakasuhan at nakukulong. Hindi na pwede ito ngayon. Dapat may mga taong gobyerno rin ang makatikim ng mabigat na parusa para ayusin na nila ang kanilang mga trabaho.

Ito ang isusulong ni Senator Idol Raffy Tulfo sa mga susunod na hearing.

Address

Montalban
Montalban

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OPM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to OPM:

Share