10/06/2024
"Isikreto mo muna"
Bibili ka ng bahay? isikreto mo muna.
Bibili ng bagong sasakyan? isikreto mo muna.
Plano mo magpakasal ka? isikreto mo muna.
Magbabakasyon ka sa malayong lugar? isikreto mo muna.
Na-Promote sa trabaho? isikreto mo muna.
Plano magtayo ng bagong negosyo? isikreto mo muna.
Alam mo kung bakit minsan hindi natutuloy ang mga magagandang plano natin sa buhay? Kasi nauuna ung kwento bago ung mismong plano, lalo kung nasabi mo ito sa maling tao.
Mga taong akala mo nakasuporta sayo pero ang totoo may lihim ng inggit sayo. Mga taong gagawin ang lahat mapabagsak ka lang. Minsan kaibigan mo pa na todo pakitang nakasuporta pero ayaw na mahigitan mo sila. Kaya isikreto mo muna lahat ng mga plano mo hayaan mo tagumpay mo ang gumawa ng ingay para sayo.