RaffySavedbygrace

RaffySavedbygrace ‭Philippians 4:13 NIV‬
[13] I can do all this through him who gives me strength.

30/03/2026
30/03/2026

DEBOSYON NGAYONG ARAW
Marso 30, 2026 (Lunes)

"Bagong Buhay, Bagong Simula"

📖 Talata:
"Kaya't ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; siya ngayo'y bago na."
- 2 Corinto 5:17

💡 Pagninilay:
Ang pinakamalaking pagkakamali ng tao ay ang isipin na kaya niyang baguhin ang sarili niya nang wala si Cristo. Maaaring kaya mong baguhin ang ugali mo sa panlabas, magpakabait, umiwas sa mali, o magsimula ulit pero kung ang puso ay hindi nabago, babalik at babalik ka rin sa dati. Ang tunay na pagbabago ay hindi gawa ng disiplina lamang, kundi gawa ng kapangyarihan ng Diyos.

Noong tayo ay nahulog sa kasalanan, hindi lang tayo nagkamali, tayo ay naging sirang likha. Ang ating pag-iisip, damdamin, at mga desisyon ay naapektuhan. Kaya kahit gustuhin nating gawin ang tama, madalas ay mali pa rin ang nagagawa natin. Ito ang katotohanang dapat tanggapin: hindi sapat ang "self-improvement"; kailangan natin ng "new creation."

At dito pumapasok si Cristo. Hindi lang Niya inayos ang buhay natin, binago Niya ang pagkatao natin. Hindi Niya tinapalan ang luma; pinalitan Niya ito ng bago. Sa Kanya, hindi ka na alipin ng nakaraan mo. Hindi ka na nakakulong sa kasalanan mo. Ikaw ay bago na, may bagong puso, bagong direksyon, at bagong layunin.

Ngunit tandaan: ang pagiging "bagong nilalang" ay hindi lisensya para magpatuloy sa kasalanan, kundi paanyaya para mamuhay sa kabanalan. Kung tunay kang binago ni Cristo, makikita ito sa paraan ng pamumuhay mo. Hindi perpekto, pero patuloy na nagbabago araw-araw, step by step papalapit sa Diyos.

📢 Paalala:
✅ Hindi sapat ang panlabas na pagbabago, kailangan ng pusong binago ni Cristo.

✅ Ang nakaraan mo ay hindi na ang pagkakakilanlan mo.

✅ Mamuhay ayon sa bagong buhay na ibinigay sa iyo.

Godbless bro/sis

22/03/2026

Photoshop of the day - A lot can happen in three days

He is not here; he has risen! Remember how he told you, while he was still with you in Galilee: ‘The Son of Man must be delivered over to the hands of sinners, be crucified and on the third day be raised again.’ (Luke 24:6-7)

More images at www.ChristianPhotoshops.com

What is the Gospel?ARAL MUNA TAYOOO!!! 🔥Maraming tao ang gumagamit ng word na gospel.Pero kapag tinanong mo:“Ano ba tala...
21/03/2026

What is the Gospel?

ARAL MUNA TAYOOO!!! 🔥
Maraming tao ang gumagamit ng word na gospel.

Pero kapag tinanong mo:
“Ano ba talaga ang gospel?”
Iba-iba ang sagot.

Para sa iba:
Ang Gospel ay.....magandang mensahe...good vibes...inspirational words.

Pero ayon sa Biblia,
mas malalim ang gospel kaysa doon.

1 Corinthians 15:3–4
Christ died for our sins
according to the Scriptures,
and that He was buried,
and that He rose again the third day.

Sa passage na ito, malinaw na ipinaliwanag ni Paul kung ano ang gospel.
Hindi ito philosophy.
Hindi ito motivational message.
Ang gospel ay isang historical message tungkol kay Jesus.

The word "Gospel"
is from Greek: euangelion
Meaning:
good news
announcement of victory.

Sa panahon ng Rome, ginagamit ito kapag may balita na nanalo ang hari o dumating ang tagapagligtas.

Ang gospel ay hindi:
“Try harder.”
“Be a better person.”
“Fix yourself.”

Ang gospel ay:
Si Jesus ang gumawa ng hindi natin kayang gawin.

Gospel in Simple Words:
1. Tayong lahat ay makasalanan. Romans 3:23
2. Ang parusa ng kasalanan ay kamatayan. Romans 6:23
3. Namatay si Jesus para sa ating kasalanan. Romans 5:8
4. Nabuhay Siyang muli. 1 Corinthians 15:4
5. Ang sinumang magtiwala sa Kanya ay maliligtas. Romans 10:9

Ang gospel ay hindi lang impormasyon.
Ito ay invitation.
Imbitasyon na magtiwala kay Jesus.

Ang gospel ay hindi payo kung paano ka mabubuhay.
Ito ay balita
na si Jesus ang nagligtas.

Kristyanibi



20/03/2026

Hello Everyone bro/sis This fb page is for Spiritual food and Its all about Jesus!

Address

Aralar Street San Guillermo Morong Rizal
Morong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RaffySavedbygrace posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share