23/09/2025
[๐๐๐๐๐๐]
๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐จ๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐, ๐๐๐ก๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ
Sa habaโt dami ng padyak, tuyong-tuyong lalamunan, ay isang trilyong pisong nawala ang katumbas. Walang sambayanang sisigaw at hihingi ng hustisya, kung walang bahid ng karumihan ang pamamalakad ng mga nakaupong hindi man lang tumatayo. Salapi ng bayan, sa bulsa ng mga buwaya ang bagsak.
Nagiisa lamang ang sandatang kayang magpabago sa ating bayanโang boses ng bayan. Ang galit ng madla ay ang tanglaw ng tagumpay laban sa korapsyon at pagnanakaw. Ito ang puwersa na nagmumula sa bawat isa, ang daing ng ina na may nagugutom na anak, ang hinaing ng magsasakang nalulugi, at ang hinanakit ng mga taong nawawalan ng pag-asa sa Flood Control Projects. Ang bawat sigaw, sa bawat yapak sa lansangan, at sa bawat post sa social media, hinuhubog natin ang isang matibay na panig laban sa katiwalianโbinabaliktad natin ang isang bulok na sistema.
Ang nagliliyab na galit ng bayan aya ng nagbibigay-liwanag sa mga madidilim na sulok kung saan nagtatago ang mga inapi. Ang bawat sentimong nanakaw, ang bawat proyektong pinawalang-bisa, at ang bawat buhay na nawala ay nagdaragdag sa init ng galit na ito, na siyang magtutulak sa mga mamamayan na manindigan at ipaglaban ang nararapat.
Sa kabila ng tagumpay na ating ipinaglalaban, hindi maiiwasan ang delubyo. Iyong lalaking may hawak na karatulang nagsasaad na bawasan ang presyo ng turo-turo sa tabi-tabi, siya ay isang tao na humihingi ng hustisiya. Nakatatawa man isipin na kahit presyo ng fishball, kikiam, at tokneneng ipinag-lalaban pa rin. Ngunit itoโy nagpapakita lamang na kahit kakarampot man ang gasto niyan, ito pa rin ay kasama sa trilyong pisong ninakaw sa atin. Presyong pang masa noon, hindi man lang makapitan ng mga gipit ngayon.
Ang pagbabago ay hindi magmumula sa iilang kababayan. Ito ay nasa ating mga kamay, sa ating paa, sa ating boses, at sa ating sama-samang galit. Sapagkat kapag nagsama-sama ang lahat ng tinig, at kapag pinagsanib ang kanilang daing, walang korapsyon ang kayang manalo. Ang boses ng bayan ang simula, at ang galit ng bayan ang tatapos sa laban.
Isinulat ni Mark Angelo A. Salinding at Usher Vinz D. Revadomia
Illustratyon ni Mark Angelo A. Salinding at Lindseymiel Dela Torre