09/08/2026
Sa direktiba ni Nueva Ecija Governor Aurelio "Oyie" Umali, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga public at private school sa lalawigan bukas, August 10.
Lagi po tayong mag-iingat, mga
#𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐌𝐎𝐍𝐃𝐀𝐘)
Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐝𝐢𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐥𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐫𝐢𝐛𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬, 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬, 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔.
Ang suspensyon, na ipinatutupad sa ilalim ng Executive Order No. 22, Series of 2026, ay isang hakbang na pangkaligtasan bunsod ng patuloy na epekto ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat at ng inaasahang pagpapatuloy ng malalakas na pag-ulan sa lalawigan.
Batay sa mga Heavy Rainfall Warning na inilabas ng DOST-PAGASA mula Agosto 8 hanggang ngayong Agosto 9, ang iba’t ibang bahagi ng Nueva Ecija ay isinailalim sa 𝐘𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰, 𝐎𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞, 𝐚𝐭 𝐑𝐞𝐝 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐞𝐯𝐞𝐥𝐬. Sa pinakahuling Heavy Rainfall Warning No. 34 na inilabas ngayong 11:00 AM, Agosto 9, ang mga bahagi ng lalawigan ay nasa Red, Orange, at Yellow Warning Levels.
Dagdag pa rito, sa konsultasyon sa Pampanga River Basin Flood Forecasting and Warning Center (PRFFWC) ngayong Agosto 9, ipinaabot na ang inaasahang lagay ng pag-ulan sa Nueva Ecija bukas, Agosto 10, ay maaaring magpatuloy sa kaparehong trend na naranasan noong Agosto 8 at 9, kabilang ang Yellow, Orange, at Red rainfall conditions.
Bilang pag-iingat, minarapat ng Pamahalaang Panlalawigan na suspendihin ang mga klase upang mabawasan ang panganib dulot ng malakas na pag-ulan, posibleng pagbaha, at mapanganib na kondisyon sa pagbiyahe, at higit sa lahat upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, magulang, at buong komunidad.
Hinihikayat ang lahat ng Novo Ecijanos na manatiling alerto, mag-ingat sa pagbiyahe, iwasan ang pagtawid o pagdaan sa mga lugar na binabaha, at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, PRFFWC, PDRRMO, at mga lokal na awtoridad.
Para sa mga lehitimong anunsyo at impormasyon, i-like at i-follow ang official page ng Provincial Government of Nueva Ecija (PGNE).
𝐌𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬, 𝐍𝐨𝐯𝐨 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚𝐧𝐨𝐬! 💙