04/03/2026
Unang Araw ng Ika-48 Anibersaryo ng IYJSINHS, Tagumpay!
Masiglang ipinagdiwang ng paaralan ng Ilayang Yuni ang unang araw na selebrasyon ng ika-48 anibersaryo ng pagkakatatag ng paaralan na may temang Celebrating Excellence Where Talents Knowledge and Skills Unite, nitong ika-4 ng Marso, 2026.
Lumipas ang maghapon na puno ng sigla at saya kung saan nakipagtagisan ng galing ang bawat estudyante sa iba't ibang larangan. Sa umaga, unang ginanap ang parada, suot ng bawat Yunians ang damit na nagrerepresenta ng kanilang baitang at buong siglang inawit ang kanilang hinandang yell para sa yell competition. Sumunod dito ay ang misa na pinangunahan ni Father Victor Grimaldo. Kasunod nito, opisyal ng sinimulan ang programa at nagbigay ng makabuluhang mensahe sina Ma'am Susan B. Luna, ang punong-guro ng paaralan, si G. Darwin L. Villaflor, ang PSDS Mulanay 2, si Gng. Annalisa D. Go, ang Brgy. Captain, si G. Felipe G. Libuit, ang SGC Vice-Chairperson, G. Jimboy R. Ricafranca, ang SPTA President at si Bb. Jalyn F. Paras, ang SK Chairman. Nang masimulan na ang programa, muling nagpakitang gilas ang Yunians sa isang Mass Dance Competition na hindi lang sumukat ng husay sa pagsayaw, pati na rin ng koneksyon at pagkakaisa. Bago sumapit ang tanghali, opisyal na ring binuksan ang mga Exhibit at Learning Areas na inihanda ng mga Subject Group Organizations.
Sa ganap na ika- 1:45 naman ng hapon sinimulan ang paghuhusga sa mga Learning Areas and Exhibit. Kasabay nito ang palaro ng lahi na nagpakitang gilas ang mga Yunians sa larangan ng paglalaro. Nagkaroon ng larong Tug of War sa pangunguna ng BKD Organization at ni Sir John Christian Nicodemus, na pinagwagian ng Grade 10. Grade 12 naman ang nagwagi sa larong Jump Rope na pinangunahan ng YECS Organization. Kasabay rin nito ang Skills Competition gaya ng dishwashing contest sa Grade 7, Hand Sewing sa Grade 8, Basic Cuts of Vegetables sa Grade 9, Fish Cleaning and Scaling sa Grade 11, at Ironing Clothes sa Grade 12. Meron ding pagluluto ng bukhayo with a twist. Sinimulan na rin ang mga pagligsahan sa Pintahusay, Mobile Photography, at Short Film Making Contest na nilahukan ng mga mag-aaral. Ito ay ipagpapatuloy hanggang bukas ng tanghali .
Samantala sa ganap na ika-3 ng hapon pinasimulan ang Literary-Musical na nagpasiklaban ang piling estudyante ng bawat baitang tulad ng : Declamation, Oration, Interpretative Dance, Salin Awit, Kundiman, Rap Battle at Spoken Poetry Contest. Nagkaroon din ng makabuluhang pagtatanghal ang mga mag-aaral sa JHS at SHS.
Isinasagawa na rin ang unang parte ng The Search for Mr. And Ms. IYJSINHS 2026, ang Talent Competition.
Naging masigla at makabuluhan ang unang araw ng selebrasyon. Marami pang aktibidad ang gaganapin sa mga susunod na araw, marami pang estudyante ang magpapakitang gilas, at marami pang mamamangha sa angking husay na meron ang Yunian. Ang ika-48 Anibersaryo ng IYJSINHS ay ang pag-alala sa sintang paaralan, at pagkakataon sa bawat Yunian na ipakita ang husay sa iba't ibang larangan, at iba't ibang paraan.
✍🏼:Gerra Jane Espiña