11/05/2026
Si Ana ay isang mabait at tahimik na babae. Limang taon na silang kasal ng asawa niyang si Marco. Masaya ang buhay nila—may magandang bahay, maayos na negosyo, at walang problemang pinansyal. Pero sa likod ng marangyang pamumuhay nila ay may isang bagay na matagal nilang hinihiling… ang magkaroon ng anak.
Unang beses na nabuntis si Ana, halos hindi siya makapaniwala sa saya. Araw-araw niyang kinakausap ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Bumili pa sila ni Marco ng maliliit na damit at laruan kahit dalawang buwan pa lang ang tiyan niya.
Pero isang gabi, bigla siyang nakaramdam ng matinding pananakit ng puson.
“Marco… parang may mali…” nanginginig niyang sabi habang hawak ang kanyang tiyan.
Dinala siya agad sa ospital ngunit huli na ang lahat.
“Pasensya na po… hindi po natin naisalba ang baby.”
Parang gumuho ang mundo ni Ana. Ilang araw siyang hindi makakain at makausap. Pero niyakap siya ni Marco.
“Magkakaroon pa tayo… wag kang susuko.”
Lumipas ang isang taon at muli siyang nabuntis.
Mas naging maingat siya. Hindi siya halos kumikilos. Lahat ginawa niya para maprotektahan ang bata. Ngunit sa ikalimang buwan… muli na naman siyang dinugo.
Pangalawang beses.
Mas masakit.
Mas mabigat.
Mas tahimik ang iyak.
Habang si Ana ay unti-unting nawawalan ng pag-asa, nagsimulang magbago ang pakikitungo ng kanyang biyenan.
“Ano bang silbi ng kayamanan niyo kung wala naman kayong anak?” minsang sinabi ng kanyang biyenan habang kumakain sila.
Tahimik lang si Ana kahit parang sinasaksak ang puso niya.
At nang pangatlong beses siyang mabuntis, buong pamilya nila ay umasa.
Pero parang paulit-ulit na sinusubok si Ana.
Sa pangatlong pagkakataon… nakunan na naman siya.
Habang nakahiga sa hospital bed, tahimik lang siyang umiiyak. Pakiramdam niya ay wala na siyang kwenta bilang babae.
At doon niya narinig ang pinakamapait na salitang hindi niya makakalimutan.
“Baka hindi talaga siya para maging ina.”
Galing iyon sa kanyang biyenan.
Tahimik na napapikit si Ana habang bumabagsak ang luha niya.
Pero ang hindi alam ng lahat… mas galit si Marco para sa asawa niya.
Paglabas niya ng kwarto, hinarap niya ang kanyang ina.
“Ma, tama na. Hindi kasalanan ni Ana ang nangyari.”
“Pero Marco—”
“Hindi mo alam kung gaano siya nasasaktan! Tatlong beses niyang dinala sa sinapupunan ang mga anak namin tapos sasabihin mong wala siyang silbi?”
Natigilan ang kanyang ina.
“Kung may dapat sisihin… hindi si Ana. Dahil ginawa niya ang lahat.”
Pagbalik ni Marco sa kwarto, nakita niya si Ana na umiiyak.
Lumapit siya at hinawakan ang kamay nito.
“Huwag mong isipin na kulang ka. Hindi nasusukat sa pag-aanak ang halaga mo.”
“Paano kung hindi na talaga tayo magka-anak?” mahina nitong tanong.
Ngumiti si Marco kahit may luha rin sa mata.
“Edi tayo lang. Ikaw lang sapat na.”
Mas lalo pang umiyak si Ana habang niyayakap ang asawa.
Pero lingid sa kaalaman ni liza ang mapait na ngiti ng marco at ng kanyang byanan. Nasa comment section ang karugtong