12/09/2025
"Provider ka nga... pero asawa ka pa ba?" !!
Oo, nagbibigay ka ng pera.
Oo, bayad ang kuryente, tubig, at tuition.
Oo, napapakain mo kami.
Pero habang abala ka sa work at pagkayod, may isang babaeng unti-unting nauupos sa tabi mo.
Tahimik lang. Pero gabi-gabi, umiiyak.
Akala mo sapat na 'yung padala?
Na porke may ATM ka, okay na ang lahat?
Hindi mo kailangang manakit para makasakit.
Minsan mas malupit pa 'yung pagiging tahimik mo.
Mas masakit 'yung paulit-ulit mong "Pagod ako,"
"Wala akong oras," "Ikaw na bahala d'yan."
Unti-unti mong tinutulak 'yung asawa mong maging malungkot,
kahit andyan ka lang sa bahay.
Pero emotionally, wala ka.
Asawa ka, hindi lang tagabayad.
Hindi lang taga-budget.
Ang kailangan niya - kasama, kausap, karamay.
Hindi lang sa bayarin, kundi sa buhay.
Loyalty?
Hindi lang 'yan about sa pagiging faithful physically. It's about choosing her every day - mentally, emotionally, spiritually.
Real talk:
Hindi ka "good husband" kung provider ka lang.
Kung pera lang ang ambag mo.
Kung every time may problema siya, matutulog ka lang.
Kung pag umiiyak siya, sasabihin mong "OA ka naman."
Kung pag lumalapit siya, feeling niya istorbo siya sa'yo...
Sorry bro. Hindi ka asawa. Tagapondo ka lang.
Hindi pera ang bumubuo ng pamilya.
Pagmamahal ang pundasyon.
At kung hindi mo 'yan kayang ibigay, ikaw ang dahilan kung bakit natutumba 'yung babaeng dapat mong inaalagaan.
So bago mo i-flex na "ikaw ang haligi ng tahanan," tanungin mo muna sarili mo:
"Haligi ba talaga ako?
O ako na ang bumabasag sa pader na
dapat kong pinatatag?"
Maging asawa ka.
Hindi lang provider.
--CTTOโค๏ธ