Most High

Most High May tiwala ko sayo lord Ikaw na bahala sa lahat 🙏🤍
(1)

07/06/2026

Asikaka sila Kay utol 🎉

04/06/2026

Napitikan ko si boss oma trenta naka goma..

29/05/2026

Opening na Mamaya ng summer league na bayanan kitakits..

Congrats MVP Nakita mona ang tunay mong dad...
24/05/2026

Congrats MVP Nakita mona ang tunay mong dad...

Deretso long cut...
23/05/2026

Deretso long cut...

23/05/2026

jersey no 13 idol ng bayanan alyas robin 😁😅

boss keng Kean Baclaan  🫡🫶
22/05/2026

boss keng Kean Baclaan 🫡🫶

REMATCH O RUMOR? Kean Baclaan, Binasag na ang Katahimikan sa Isyu ng Posibleng Pagtakbo sa SK ng Bayanan

Harold C. de Mesa | The Profiler

MAINIT pa rin ang usapan sa social media matapos umugong ang posibilidad ng isang “rematch” — hindi lamang sa hardcourt kundi maging sa politika — sa pagitan ng basketball standout na si Kean Baclaan at incumbent SK Chairman ng Bayanan, Muntinlupa na si Gab Lorica.

Kasunod ito ng naunang artikulo ng The Profiler tungkol sa umano’y posibleng tapatan ng dalawa sa nalalapit na SK elections. Ngunit sa halip na sumagot sa direktang mensahe ng The Profiler para sa isang eksklusibong panayam, mas pinili ni Baclaan na i-repost ang artikulo sa kanyang personal na Facebook account upang personal na linawin ang kanyang panig.

At doon, unang narinig ng publiko ang malinaw ngunit maingat niyang posisyon: hindi pa siya tuluyang pumapasok sa politika — pero hindi rin niya ito isinasara.

“Hindi ko pa sinasara yung pintuan”

Sa kanyang pahayag, inamin ni Baclaan na matagal na siyang nilalapitan ng iba’t ibang grupo at partidong nais siyang hikayating tumakbo. May ilan pa umanong handang sumagot sa gastusin ng kanyang kampanya.

Ngunit kasabay nito, diretsahan din niyang ibinahagi ang kanyang pagkadismaya sa kasalukuyang klima ng politika sa bansa.

“Alam n’yo, sa gulo ng politika dito sa atin, nawala ‘yung pagiging interesado ko sa politika. Sobrang gulo na sa Pilipinas, sa totoo lang. Hindi ko na kailangan ito. May sarili na akong buhay at career. Kumikita ako nang tama na walang tinatapakang tao. Parehas at patas ako lumalaban para sa sarili at pamilya ko,” ani Baclaan.

Ngunit sa kabila ng tila pagdistansya niya sa pulitika, isang linya sa kanyang post ang lalong nagpainit sa espekulasyon ng kanyang mga taga-suporta:

“HINDE KO PA SINASARA YUNG PINTUAN PARA SA PAGTAKBO!! Kung kinakailangan para sa mga kabataan, bakit hindi?”
Isang pahayag na sapat upang muling buhayin ang posibilidad ng isang high-profile political showdown sa Bayanan.
Mula Hardcourt Hanggang Barangay Hall?

Nauna nang iniulat ng The Profiler ang lumulutang na posibilidad ng paghaharap nina Baclaan at Lorica matapos kumalat online ang mga larawan ng basketbolista kasama si Punong Barangay Engr. Athan Gutierrez sa barangay office — isang eksenang agad nagbunsod ng samu’t saring political speculation.

Samantala, nananatiling aktibo si SK Chairman Gab Lorica sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kabataan ng Bayanan — bagay na nauna nang tinalakay ng The Profiler sa isang hiwalay na feature.

Bilang bahagi ng balanseng pamamahayag, binuksan ng The Profiler ang espasyo para sa panig ni Baclaan — at ngayon, malinaw na ang dating simpleng tsismis ay isa nang usaping seryosong pinag-uusapan sa komunidad.

Posisyon o Serbisyo?
Sa dulo ng kanyang pahayag, tila nais ding idiin ni Baclaan na para sa kanya, hindi kinakailangang may posisyon upang makatulong sa tao.

Isang mensaheng maaaring basahin bilang paglayo sa politika — o paghahanda para rito.

Sa ngayon, walang pormal na deklarasyon. Ngunit sa Bayanan, malinaw na isang bagay ang hindi pa natatapos:

Hindi pa sarado ang laban.

Samantala, ngayong gabi ay naging panauhing pandangal ni Punong Barangay Engr. Athan Gutierrez sina Kean Baclaan, Jamal Diaz, at Kevin Quiambao sa isinagawang thanksgiving at inauguration program para sa newly renovated basketball court sa Bayanan Old Plaza — isang event na lalong nagpaingay sa usap-usapang pulitika at impluwensya sa hanay ng kabataan sa Bayanan.

eto dapat chairman ng bayanan e.. 🫶🤷
21/05/2026

eto dapat chairman ng bayanan e.. 🫶🤷

Dumalaw sa ating Pamahalaang Barangay ng Bayanan ang tinaguriang "D WONDER BOY" ng Philippine Basketball na si Kean Baclaan, kay Punong Barangay Kap. Engr. Athan Gutierrez.

20/05/2026

Sana lahat Tayo manalo sa Buhay 🫶

tag mo kampe mong makunat..
20/05/2026

tag mo kampe mong makunat..

Address

Muntinlupa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Most High posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Most High:

Share

Category