12/10/2025
๐๐ฒ๐ฒ๐ฝ, ๐๐ฒ๐ฒ๐ฝ, ๐๐ฒ๐ฒ๐ฝ! ๐ฃ๐๐ ๐๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐ ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ต๐ฒ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐ถ๐ || ๐ฅ๐ผ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฅ๐ผ๐ฑ๐ฒ๐น
Sa bawat pagsisimula ng taong panuruan sa Pamantasan, nadaragdagan ang bilang ng mga estudyante. Bunsod nito, nagiging suliranin ang kakulangan ng mga pampublikong sasakyan upang matugunan ang bilang ng mga estudyanteng sabay-sabay ang oras ng pagsusulit. Bilang tugon sa pagsasara ng Sitio San Antonio, ipinanukala ang pagpapahintulot sa pagpasok ng mga jeep sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Reservation Compound. Noong isang linggong midterm examination, mula Oktubre 6-11, 2025, isa sa mga naging hamon ng mga estudyante sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) at Muntinlupa National High School (MNHS) ay ang pagsakay papunta at pauwi ng paaralan, lalo na dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan. Nagdulot ito ng samuโt saring problema na naging pahirap sa mga mag-aaral.
Kailangan ba na laging maging matatag ang bawat isa, kahit na ang totoo ay mas epektibo silang natututo sa komportable na kapaligiran at maayos na patakaran?
Ayon kay Lawrence, mula sa programa ng Bachelor of Arts in Communication (BAComm), kung minsan ay nilalakad niya mula Uncle Johns (Bayanan) hanggang Starmall Alabang
para lang makasakay, dahil sa dami ng estudyanteng nag-aagawan ng masasakyan. Dagdag naman ni Khecia, mag-aaral ng Bachelor of Science in Psychology (BSPsych), sa kaniyang obserbasyon, kapag masama ang panahon ay madalang dumaan ang mga jeep na papasok sa unibersidad. Ito ay nagdudulot ng pagkataranta sa paghihintay, habang pabalik-balik ang tingin sa orasan at paghaba lalo ng pila ng mga estudyante. Mula nang isara ang daan sa Sitio San Antonio, ito na ang naging realidad ng mga estudyante, na madalas ay halos dalawang oras na nakapila sa mga terminal ng jeep at tricycle para lang umabot sa kanilang klase o pagsusulit, at gayundin sa pag-uwi sa kanilang mga tahanan.
Hindi pa sapat ang hirap ng matagal na pagtayo sa paghintay ng jeep at pakikipagunahan sa pagsakay, maging sa pagbaba ay mayroon pang suliranin na susuungin ang mga paang pagod galing sa mahabang pila at malamig na dulot ng ulan. Ayon sa panayam na nakalap ng The Warden Publication, kabilang sa mga hinaing ng maraming estudyante ay ang pagbaha sa tapat ng munisipyo at sa ilang barangay na madalas ay hindi na madaanan. Bahagyang salungat ito sa ginawang pagsusuri ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga proyekto sa lungsod, kung saan sinabing wala umanong ghost at substandard flood control projects sa siyudad ng Muntinlupa. Dagdag pa rito ang mga karanasan ng mga mag-aaral na gaya ni Jill, mula sa College of Business Administration (CBA), na nahuhuli pa rin sa klase kahit maaga siyang umaalis ng kanilang bahay dahil sa mabagal o hindi pag-usad ng jeep tuwing bumubuhos ang malakas na ulan at pag baha.
Bakit kahit nasa harapan na ito mismo ng kinatitirikan ng lokal na pamahalaan, ay hindi pa rin ito nabibigyang pansin at natutugunan, gayong matagal na itong suliranin ng mamamayan?
Bukod sa pakikipag-unahan sa jeep at pakikipag-luksong-baka sa baha, dagdag aberya rin ang hindi agarang pag-anunsyo ng administrasyon ng PLMun sa pagsuspinde ng School Uniform Policy. Sa sunod-sunod ang araw ng naging eksaminasyon, tila hindi pa naging sapat ang pagod ng mga mag-aaral sa pakikipagsapalaran sa byahe dahil sa pag-uwi ay maglalaba pa sila ng uniporme. Nakikiusap ang mga estudyante na kung hindi maganda ang lagay ng panahonโlalo kapag panahon ng tag-ulanโay sana maglabas agad ng anunsyo o gawing awtomatiko ang pansamantalang hindi pagsuot ng uniporme at gamitin ang mga kumportableng damit na naaangkop sa lagay ng panahon. Sapagkat tanggal tinik o bawas pasakit ito, lalo sa mga mag-aaral na walang kakayahang bumili ng karagdagang pares ng uniporme.
Sa paghinto ng byahe, hindi sapat ang kahandaan ng PLMun at ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa tuwing tag-ulan at nagbabadya ang pagbaha. Dahil ang mga suliraning ito ay mga bagay na masosolusyunan kung may paghahanda sa ganitong mga posible at inaasahang sitwasyon, lalo na ang nakasaalang-alang ay ang kaligtasan ng mga mag-aaral at para sa kapayapaan ng isipan ng mga magulang.
Sa paniniwalang nagsisimula ang maayos na sistema sa pagtanggap ng kritisismo at sa pakikinig ng mga nasa katungkulan, ang mga hakbang na ito ay hakbang tungo sa pagtamo ng mas maayos, inklusibo, at dekalidad na sistema ng edukasyon at unibersidad.
Kasama ng kapwa naming mga mag-aaral, bitbit namin ang panawagan sa posibilidad na pagdaragdag ng mga pumapasadang jeep para sa libo-libong mag-aaral ng PLMun at MNHS. Hinihiling din namin sa mga proctor at mga propesor na mabigyan ng konsiderasyon ang mga nahuhuli sa pagsusulit, lalo na sa panahon na mahirap timbangin ang kaligtasan at edukasyon sapagkat hindi nila kontrolado ang mga pangyayari tulad ng kalamidad. Para naman sa namumuno sa PLMun, sana matugunan ang hinaing ng mga estudyante sa sistematikong paraan.
๐๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ข๐จ๐ต๐ช๐ต๐ช๐ช๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ? ๐๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐บ๐ข๐ฉ๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ช๐ต๐ช๐ช๐ด ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฅ๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ข๐ข๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐ณ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ญ๐ช๐ฉ๐ช๐ด.
Reference:
DPWH: Muntinlupa walang ghost, substandard flood control projects - Pilipino Star Ngayon ||
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2025/10/10/2478741/dpwh-muntinlupa-walang-ghost-substandard-flood-control-projects