ALPAS Tinig ng Kabataang Malaya sa Pag-iisip at Pamamahayag

CONGRATULATIONS, TEAM! Pagbati sa lahat ng manlalaro at coaches na buong husay na lumaban sa District Meet! Ang bawat pa...
12/09/2026

CONGRATULATIONS, TEAM!

Pagbati sa lahat ng manlalaro at coaches na buong husay na lumaban sa District Meet!

Ang bawat pagsisikap at tagumpay ninyo ay tagumpay ng buong paaralan. Ang inyong panalo ay panalo nating lahat!

Pagbati mula sa ALPAS!
Ipinagmamalaki namin kayo!






KAYA PA BA, MGA ANAK?Dalawang araw ng pagtatagisan ng husay, galing, talento, at tapang sa larangan ng pamamahayag.Pero ...
10/09/2026

KAYA PA BA, MGA ANAK?

Dalawang araw ng pagtatagisan ng husay, galing, talento, at tapang sa larangan ng pamamahayag.

Pero bago ang dalawang araw na iyon, may tatlong araw lang ang masinsinang training—August 29–31 2026.

Tatlong araw para mag-practice, mag-correct, matuto, at maghanda. Sa totoo lang, mahirap. Kulang sa oras, may mga kagamitang kailangang habulin, hindi kumpleto ang mga kategorya, at kailangang pagsabayin ng mga bata ang training, akademikong gawain, at iba pang responsibilidad.

Kaya paulit-ulit kong tanong sa ALPAS:

“Kaya pa ba, mga anak?”

Nakikita ko ang pagod sa kanilang mga mata. Pero sa kabila ng lahat, pinili pa rin nilang magpatuloy.

May mga nagtanong din sa akin:
“Kaya pa ba?”

At iisa lang ang sagot ko:
“Kahit maliit ang tsansa, ilalaban ko.”

Hindi dahil gusto kong may patunayan. Kundi dahil nakita ko sa mga mata ng aking mga ALPASian na gusto pa nilang lumaban.

At lumaban nga sila.

Maraming Salamat po sa LAHAT ng naniwala at nagbigay suporta @ DepEd Cupang Senior High School - Muntinlupa City

At Mam Jocelyn Morales mam alam na po ah. Sa susunod po ulit 😊

Pagbati din sa Horizon - Cupang Senior HS Horizon - Cupang Senior HS

💙💙💙 Road to RSPC 🥰

Hindi man perpekto ang paghahanda. Hindi man sapat ang oras. Hindi man namin alam kung ano ang magiging resulta—

WE STILL MADE IT, ALPAS.
At narito ang bunga ng kanilang pagsisikap:

INDIVIDUAL CATEGORIES
Pagsulat ng Lathalain
Rank 5 – Zyrene M. Castro

Pagkuha ng Larawang Pampahayagan
Rank 2 – Rhiane Ashley M. Cleofe

COLLABORATIVE AND DESKTOP PUBLISHING
• Best News Page – Rank 5
• Best Features Page – Rank 5
• Best Sports Page – Rank 2
• Best Editorial Cartoon – Rank 5
• Best Photo – Rank 5

RADIO SCRIPT WRITING AND BROADCASTING
• Best News Presenter – Rank 2 – Ericka A. Severino
• Best Script – Rank 4
• Best Infomercial – Rank 2
• Overall Radio Script Writing and Broadcasting – Rank 4

At higit sa mga ranggo at pagkilalang ito, may isang bagay na talagang ipinagmamalaki ng buong
ALPAS:
MULI, MAKIKITA NATIN ANG ALPAS SA RSPC. 💙💚

Ikalawang pagkakataon na.

Muli na namang nakatapak ang ALPAS sa mas malaking entablado ng pamamahayag—

patunay na ang sipag, tiyaga, at paniniwala ay may bunga kahit gaano kaikli ang naging paghahanda.

Mula sa tatlong araw na training, dalawang araw na kompetisyon, hanggang sa panibagong laban—

ROAD TO RSPC NA NAMAN, ALPAS! 🏆✍🏻
Hindi pa tapos ang kuwento.
We still made it, ALPAS.

And once again, we are on our way to RSPC.

Proud na proud ako sa inyong lahat, ALPASians.






BALIK-TANAW📷✍️📰ALPAS | Ang Laya ng Panulat ay Alay sa Sambayanan
09/09/2026

BALIK-TANAW📷✍️📰

ALPAS | Ang Laya ng Panulat ay Alay sa Sambayanan

Happy National Teachers' Month sa lahat ng ating mga dakilang G**OIsang taos-pusong pagpupugay at pasasalamat sa ating g...
06/09/2026

Happy National Teachers' Month sa lahat ng ating mga dakilang G**O

Isang taos-pusong pagpupugay at pasasalamat sa ating g**o na patuloy naglilingkod sa ating lipunan. Ang buong buwang ito ay inilalaan natin upang kilalanin at parangalan ang inyong walang sawang dedikasyon, pasensya, at sakripisyo. Hindi matatawaran ang inyong papel sa pagbuo ng mga pangarap at paggabay sa bawat hakbang ng ating mga estudyante tungo sa magandang kinabukasan.

​Salamat sa pagiging pangalawang magulang at inspirasyon sa loob at labas ng silid-aralan. Ang inyong malasakit at pagmamahal sa pagtuturo ang patuloy na nagbibigay-liwanag at pag-asa sa ating bayan. Isang taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat.💙

ALPAS | Ang Laya ng Panulat ay Alay sa Sambayanan

| Ang Laya ng Panulat ay Alay sa Sambayanan

04/09/2026

Kalat muna bago sumalang. 😊

27/08/2026
WALANG PASOK | AUGUST 28, 2026​Inaanunsyo ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampri...
27/08/2026

WALANG PASOK | AUGUST 28, 2026

​Inaanunsyo ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado) sa Lungsod ng Muntinlupa bukas, August 28, 2026.

​Ito ay kasunod ng nakataas na Yellow Heavy Rainfall Warning mula sa PAGASA (8 PM Bulletin) dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo, at unahin ang kaligtasan.💙

Manatiling ligtas, mga Alpasians!

ALPAS | Ang Laya ng Panulat ay Alay sa Sambayanan

Address

Cupang
Muntinlupa City
1771

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ALPAS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category