24/06/2025
Ang Kasaysayan ng Barangay Poblacion, Nabunturan, Davao de Oro
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang Barangay Poblacion Nabunturan ay ang pangunahing barangay at sentro ng pakikipagkalakalan at komersyo ng Bayan ng Nabunturan mula noon hanggang ngayon. Ito ay nakilala noon sa katawagang, โKilometro Nobenta o Km. 90โ - na ayon sa mga naninirahan noon may Siyamnapung Kilometro ang distansya sa bayan mula sa Siyudad ng Davao (Dabaw).
Noong taong 1930, napakatahimik pa ng lugar at naging tirahan ito ng mga lumad na Mansaka. Ang kanilang naging pangulo ay tinawag na โBaganiโ. Ang kanilang lugar na tinirhan ay pinamumunuan ng Municipal District President ng Compostela at naging parte ng Bureau of Non-Christian Tribes for Mindanao na ang opisina ay nakabase sa Dansalan, Lanao at pinamumunuan ni Teofisto Guingona, Sr. Ang tagapagtaguyod ng katahimikan at kapayapaan ay ang Philippine Constabulary kung saan ang kanilang kampo ay nasa Camp Kalaw sa Monkayo; sa larangan ng Sanitasyon at pang-kalusugan, ito ay pinamamahalaan ng Sanitary Inspectors dahil wala pang naitalagang Government doctors sa lugar; at sa pangangailangang pang-edukasyon, ito ay nasa pamamahala ng Supervising Teacher na nasa Kalaw settlement sa distrito ng Monkayo. Itinatag din sa panahong ito ang โMunicipality of Nabunturan Compostela Davaoโ na binubuo ng Nabunturan, New Corella, Tagum, Monkayo at New Bataan. Sa panahon ding iyon, ito ay naging lugar-pahingaan o โpahulayananโ ng mga negosyante ng Abaka na nandito sa Compostela, New Bataan, hanggang sa East Coast (Davao Oriental). Hindi lamang sa mga negosyante naging tuluyan ang sentro ng Km. 90, naging lugar pahingaan din ito ng manlalakbay mula sa Luzon, Visayas at iba pang karatig lugar sa Mindanao. Isa sa mga naging lugar-pahingahan ay ang โ Bagaipoโs Travellers Innโ na diumanoโy pinaniniwalaang itinayo noong post-1930s at ito ay pagmamay-ari ng mag-asawang Generoso Bagaipo at Cristita Sabunod na may dalawampung (20) kwarto. Wala pang gaanong sasakyan noon at paglalakad lamang ang tanging paraan upang makarating sa karatig-lugar. Sa panahon ding iyon, wala pa ang kalsada galing sa siyudad ng Davao patungo sa Moncayo (Monkayo).
Walong taon ang nakalipas, sa taong 1938, nagsimula ng gumawa ng mga kalsada ang pamahalaan at naging hudyat ito para sa mga Luzon at Visayan settlers na manatili sa lugar mula sa Davao patungo sa Hijo River sa Tagum. Naglakad sila sa mga kabundukan ng Mawab at natuklasan ang Nabunturan, na nooโy magandang sakahan. Nanirahan na sila at nagparami rito. Naging hudyat ito na ang mga lumad na Mansaka ay dahan-dahang lumipat papunta sa kabundukan. Kaunti lamang ang nakihalubilo sa mga dayuhan upang maiunlad ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagsasaka. Sa panahon ding ito nang maitatag ang Bureau of Public Works (BPW) at dito sa Km. 90 itinayo ang kampo ng BPW. Ipinagpatuloy ang paggawa ng kalsada at mula noon naging masaya at masagana ang pamumuhay sa lugar hanggang sa katapusan ng 1940.
Ngunit, nang sumiklab ang Ikalawang digmaang Pandaigdig noong 1941-1945, naging taguan ng mga Guerilla at United States Armed Forces in the Far East (USAFFE) ang Km. 90 o Barangay Poblacion. Nagkaisa ang mga sibilyan at lumikas sila palabas ng barangay sapagkat ginawa itong Kempetai Garrison ng mga sundalong Hapones.
Hindi nagtagal ang mga Hapones at noong 1945, sila ay lumikas papuntang Davao City. Naging hudyat ang pag-alis ng mga Hapones upang bigyang sigla muli ang ating barangay. Nagsumikap ang Municipal Districts ng Monkayo at Compostela na maitayo ang Provincial Administration sa pamamagitan Philippine Civil Assistance Unit (PCAU). Nagkaisa ang lahat na ang gawing sentro ng pamahalaan ng Compostela O Civil Government of Compostela ay ang Nabunturan o Kilometro Nobenta sa pamumuno ni Juanito Regaรฑa bilang Municipal District Mayor, at sumunod si Formoso Piansay na itinalaga ni Gob. Antonio Lanzar. Isa sa naging rason bakit dito itinatag ang pamahalaan dahil ang Kampo Kalaw ng Monkayo ay nasira ng digmaan.
Sa taong 1950, naging maayos ang sementadong daanan o National Highway galing sa siyudad ng Davao patungo sa Lalawigan ng Agusan. Binuksan din sa panahong ito ang mga daanan sa pamamagitan ng BPW sa pamumuno ni Engr. Prospero S. Amatong. Nang dahil sa pagbukas ng mga daanaan at pagiging sentro ng komersyo, dumami lalo ang mga gustong manirahan sa Nabunturan . Itinayo rin dito ang Compostela Provincial High School noong Hulyo 7, 1951 ayon sa pagpatupad ng Direktor ng Pampublikong Paaralan na si Venancio Trinidad at naging Punong-g**o si Santiago Medrana na may labing-isang (11) g**o na kalaunan naging Nabunturan Provincial High School noong 1954 sa pamamagitan ni Alkalde Lauro C. Arabejo na tinaguriang โAma ng NNCHSโ. May siyam (9) na unang nagtapos bilang Hayskul noong 1954. Naging ganap na National High School o Nabunturan National Comprehensive High School (NNCHS) ang paaralan sa pamamagitan ng Republic Act no. 5551 noong Hunyo, 1969. Naitatag din ang Nabunturan Elementary School na itinayo gawa ng balat ng Lawaan, na kalaunan naging Nabunturan Central Elementary School SPED Center (NCESSC). Naging unang Punong-g**o si Fidel Abunda. Naitayo rin sa panahong iyon noong Setyembre 27, 1951 ang Parokya ni Sta. Teresita ng Batang Hesus sa mga lote nina G. at Gng. Generoso Bagaipo at G. at Gng. Telesporo Nanca. Itinatag na rin sa barangay ang Nabunturan Primary School, North Davao Institute, at ang Assumption Academy of Nabunturan na naging Assumption College of Nabunturan na itinatag noong 1955 sa pamamagitan ng mga fma sisters galing sa bansang Canada. Sa panahon ding ito nanilbihan ang pinakaunang doktor ng Nabunturan na si Dr. Edito H. Tirol; Public Health Nurse na si Valentina Lagda Piansay; at Sanitary Inspector Moises Gempesaw, Sr.
Ilang taong nakalipas, naging opisyal na Barangay ang Barangay Poblacion Nabunturan noong Hunyo 23, 1957 sa pamamagitan ng Republic Act no. 2038 bilang pagbuo ng bagong bayan o Political Unit ng Nabunturan mula sa inang bayan, Compostela sa loob ng tatlumpoโt tatlong (30) araw mula sa araw ng pagpirma at naging unang alkalde ng bayan si Lauro C. Arabejo (taong 1957-1959;1964-1969).
Noong Pebrero 6, 1962, nanumpa sa harapan ni Alkalde Antonio Tulio si Josefina Tanabe- Layug bilang Teniente del Barrio sa edad na tatlumpuโt tatlo (33). Siya ang itinalagang pinakaunang Teniente del Barrio o Punong Barangay. Sa araw ding ito ginanap ang Inaugural Session ng konseho ng Barangay Poblacion kasama ang Municipal Council ng Nabunturan. Sa nasabing okasyon, itinalaga rin sina: Dr. Pedro Layug; Bb. Lourdes Bautista; Felimon Lumactud; Purificacion Buta; Generoso Bagaipo; Gervacio Tubianosa; Anastacio Lupiba; at Dolores Vinluan bilang Vice Barrio Lieutenant. Naging Konsehal ng Barrio din sina: Dr. Edito H. Tirol, Dr. Santiago Edillon, Antonio Brion, at Cecilia Marty. Naging Ingat-Yaman ng Barrio si Gng. Adelaida S. Echavez. Naging makasaysayan ang araw na ito dahil maraming naipasang resolusyon tulad ng: Pagproklama kay Provincial Treasurer ng Davao Province Simplicio Montaรฑo bilang โAdopted son of Poblacion, Nabunturan, Davaoโ (Reso. Blg. 11 s. 1962); pagbibigay espasyo sa loob ng Munisipyo para maging opisina ng konseho ng Barangay Poblacion (Reso. Blg. 12 s. 1962); at pagbibigay ayuda sa halagang P 200.00 para sa operasyon ng Barangay (Reso. Blg. 15 s. 1962); at pag-iba ng pangalan ng Compostela Provincial High School tungo sa bagong pangalan na, Nabunturan Provincial High School. Ang impormasyong ito ay pinatunayan ni Municipal Secretary Mariano O. Fuentes. Si Gng. Josefina T. Layug din ang itinalagang pangulo ng Womenโs Club ng Nabunturan mula noong 1960.
Sumunod naman sa pagiging Teniente del Barrio sina Dr. Santiago Edillon; at Ricardo Cading Bracil. Naging Barrio Councilor sa panahong ito sina Sotero Humol, Domingo Minguez, at iba pa.
Ang pangalang Teniente del Barrio ay pinalitan ng Barrio Capitan. Naging Barrio Capitan sina Antonio Carbonel Trinidad, Apolonio โNonoโ Flores Gildore, at Remedios dela Torre- Tulio. Sa kanilang paninilbihan, naging Barangay/ Barrio Kagawad sina Nestor Palay, Exequiel Labrador, Alfonso Tabas, Francisco Burlas, Virgilio Doronio, Cresente Canadalla, Antonio F. Cartoneros at iba pa. Sa panahon ding ito, naging Kabataang Barangay (KB) Chairmen sina Bb. Nimfa Trinidad, Bb. Gilda Aldaya, at G. Buencamilo Salarda. Si Gng. Remedios Tulio ay naging ABC President sa panahong ito.
Taong 1988, naging Barangay Captain si Domingo Buraay Minguez hanggang taong 2007. Siya ang may pinakamatagal na nanilbihan bilang Punong Barangay. Siya ay naging kasapi ng Lupong Tagapamayapa sa edad na Walumpoโt siyam (89). Sa matagal na taong kanyang paninilbihan, maraming mga proyekto ang naipatupad kasama ang kanyang konseho sa pag-unlad ng barangay bilang sentro ng komersyo at pamahalaang lokal.
Noong 2001, opisyal na dineklara ang Hunyo 23 bilang Araw ng Barangay Poblacion bilang paggunita sa araw ng kasarinlan ng barangay.
Sumunod kay G. Minguez si Barangay Kagawad Alicia Castillo- Dangaran, na naging Acting Barangay Captain noong Setyembre- Nobyembre 2007.
Nagkaroon ng eleksyon sa Barangay noong 2007 at naihalal si Antonio Fuerzas Cartoneros. Marami ang mga proyektong naipatupad na tumugon sa mga pangangailan ng mga tao sa kapanahunan ni G. Cartoneros.
Taong 2014, napili ang komposisyon ni G. Generaldo Luna na maging opisyal na kanta ng Barangay Poblacion. Sa taong 2017 din napili ang obra-maestra ni G. Christopher B. Vista bilang opisyal na tatak ng Barangay.
Sa kabilang banda, natapos ang paninilbihan ni G. Cartoneros noong 2018 at naging Punong Barangay si Barangay Kagawad Debie Gildore-Tan. Sa kanilang kasalukuyang paninilbihan, maraming mga proyekto ang ipinapatupad at serbisyong inihahatid sa ibaโt ibang sektor ng komunidad. Itinayo ang bagong Barangay Hall na nagsisilbing larawan ng progreso ng ating pamayanan. Ang bagong gusali ng Barangay Hall ang isa sa naging pinakamalaking naitayong Barangay Hall na may tatlong palapag. Naging makabuluhan ang kanilang panunungkulan sapagkat nakasuporta ang buong pamayanan ng Barangay Poblacion Nabunturan tungo sa kaunlaran, kapayapaan at kasaganahan bilang sentro ng Komersyo at pamahalaan hindi lamang ng bayan ng Nabunturan kundi ng buong lalawigan ng Davao de Oro. Naging masagana at matatag ang panunungkulan ng Administrasyong Tan nang dumating ang pandemya sa simula ng taong 2020. Sinubok ng panahon at pandemya ang katatagan at pagkakaisa ng mga Nabunturanon. Sama-samang hinarap at tinaguyod ng pamahalaang pambarangay ang lahat ng pangagailangan ng mamamayan, lalung-lalo na sa pangangailangan medikal at pangkabuhayan na dalawa sa may pinakamalaking pangangailangan sa panahon ng pandemya. Inobasyon, pagkakaisa at bayanihan ang naging mga susi ng Barangay Poblacion sa pagsagupa sa giyera laban Covid-19. Kasama ng Sangguniang Barangay ang Sangguniang Kabataan sa pagharap sa mga pagsubok sa pandemya. Sa loob ng humigit-kumulang isang taon na pandemya, ginawa ng Barangay ang lahat ng mga paraan upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mamamayan. Isa na riyan ang pagdagsa ng mga balikbayan na kaakibat sa kanilang pag- uwi ay ang pangamba na may sakit silang di inaasahang dala-dala nila. Bilang tugon, naitayo sa panahong ito ang Barangay Isolation Unit na kompleto ang kapasidad. Nakita rin ang katatagan ng mga Barangay Health Workers at iba pang Barangay Functionaries sa panahong ito ang daliang aksyon para sa lahat ng Nabunturanon. Sa panahong ito, naipamalas ng lahat ang diwa ng pagtutulungan at bayanihan na walang kapantay, isa sa mga marka na ang mga Nabunturanon.
Hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga naging Barangay Kagawad na nagsumikap para sa kaunlaran at pagtugon sa pangangailan ng panahon na sina: Late Leo B. Fuentes, Late Virgilio O. Alcober; Late Maximo B. Roxas; Late Ireneo G. Tan; Late Romeo Viejo; Late Florentino Marty; Late Ceferino Josol; Late Lorenzo Ysulat, Sr.; Late Joel N. Reterba; Augusto P. Ocampo; Miguel F. Fermil; Jose L. Montebon; Antonio Delos Reyes; Alicia C. Dangaran; Aquilino Santiago, Sr.; Cezar Limos; Porferio Payot; Gonzalo T. Lusan; Conie B. Caballero; Rodel G. Balili; Martin B. Cabuga; Mila Cezarina โAlimโ Sotto; Glenn F. Arangcon; Debie G. Tan; Romeo H. Maranan; at Juanito I. Aquino.
Naging makabuluhan din ang paninilbihan ng mga naging Sangguniang Kabataan Chairpersons kasama ang kanilang konseho mula noong 1990s na di matatawaran ang kanilang ambag sa pagbibigay serbisyo sa Kabataan ng barangay na sina: Rommel Mahinay; Ian C. Melendres; Medard T. Apit; Rodel G. Balili; Glenn F. Arangcon; Aileen E. Carajay; at Ian Philip T. Balatico. Sa panahon ng panunungkulan ni SK Chairperson Balatico nabigyan ng parangal sa buong Pilipinas bilang isa sa mga Top 25 SK Councils noong taong 2023. Nabigyan din ng parangal bilang Top 1 Best Performing SK Council sa buong lalawigan ng Davao de Oro at naging two-time Top 1 Best Performing SK sa buong bayan ng Nabunturan noong taong 2021 at 2023. Naging Best COVID-19 PPAs Implementer (2021) sa buong Davao de Oro ng dahil sa mga di matatawarang mga kaganapan para sa mga kabataan ng Davao de Oro noong panahon ng pandemya. Naging matagumpay at epektibo ang mga serbisyo para sa kabataan sa panahong ito.
Nang maging Sangguniang Bayan Member si Gng. Tan noong 2021, naging Punong Barangay si Barangay Kagawad Cyrian A. Reterba. Noong 2023, naihalal si G. Reterba bilang Punong Barangay kasama ang kanyang mga Barangay Kagawad na sina: Menchie B. Caballero; Rosauro T. Mencidor; Editha F. Arangcon; Ian Philip T. Balatico; Romeo B. Ardepuela; Rose E. Bugas; Ruel J. Cartoneros; at ang SK Chairperson, Kailyn Joize B. De Leon. Sa panahong ito, nakatanggap ng Seal of Good Local Governance in the Barangay o SGLGB sa dalawang magkakasunod na taong 2023 at 2024.
Credits and Sources: St. Therese of the Child Jesus Souvenir Book
Tourism Office of Nabunturan
Archives of Sangguniang Bayan ng Nabunturan
History of NNCHS
History of Compostela, Compostela Valley
History of Nabunturan, Compostela Valley
History of Poblacion, Nabunturan
Davao of the Past page
Families of the former Punong Barangays
Other verbal accounts of the historical figures of the town
ORIGINALLY AUTHORED BY:
HON. MARTIN B. CABUGA
CO-AUTHORED AND REVISED BY:
HON. IAN PHILIP T. BALATICO