19/05/2025
WAG SIRAAN ANG IYONG ASAWA
para sa lahat ng may Asawa or live-in Partner wag na wag ninyong SIRAAN ang inyong Asawa lalo na sa social media tuwing nag aaway kayo.kung hindi man kayo nagkaka intindihan mas mainam na manahimik nalang muna at wag ninyong gawing sumbungan ang social media sa inyong hindi pagkaka unawaan ang pag aaway o hindi pagkaka unawaan ay isang natural lamang sa pagsasama ng mag asawa/partner ngunit ang pag Post or kahit Shared Post sa social Media mga pag paparinig tungkol sa kanyang mga ginagawa na hindi ayon sa gusto mo para lang Ikaw ang kampihan ng taong mga nakapalibot sa inyo ay hindi magandang pakinggan at tandaan na posibleng mas malaking epekto nito ay sa inyong mga ANAK.lalo lang kayong pag uusapan,laging tandaan na ang kasiraan nya ay kasiraan mo rin bilang Asawa nya, dahil hindi sya mag kaka ganyan kung wala kang pagkukulang bilang katuwang nya sa buhay.hindi mo kailangan ipaglantaran ang kakulangan ng iyong asawa sa inyong pagsasama bagkus itanong mo sa Sarili mo kung bakit sya nagkulang.kung wala man sayo ang dahilan baka panahon na nga na syay iyong pakawalan ngunit mananatili sana ang RESPETO sa inyong pamamagitan alang-alang sa mga ANAK na umaasa na kahit ang kanilang mga magulang ay hindi na kailan man buo Pero sa puso nila alam nila na nanjan kayo pareho para sa kanila.
Believe me mga kapwa ko magulang naranasan ko rin ang pagpaparinig sa social media kaya alam ko ang kahinatnan at naiisip ko ang kapakanan o mararamdaman ng aking mga ANAK.
Ang Social Media Ikaw ang Bida sa mga mata ng mga CHISMOSA 😂