Bicol Rapido TV

  • Home
  • Bicol Rapido TV

Bicol Rapido TV Social Media News Updates

04/07/2025
27/06/2025

LALAKI, SUGATAN MATAPOS NA AKSIDENTENG MABANGGA NG ISANG MOTORSIKLO; DRAYBER NG MOTOR LINAPITAN PA ANG NAKAHANDUSAY NA BIKTIMA PERO BIGLA NA LANG DIN UMANO ITONG NAWALA NA INIWAN DIN ANG KANYANG NABANGGA SA BARANGAY BONIFACIO, SAN FERNANDO, CAMARINES SUR

"Pahagad man po tabang na maipost saimong page ang nangyari ki papà subago mga 7.30 nin aga pigdulangan po kang nakabangga na motor" pangapudan nin Joy via BnB

WARNING: SENSITIBONG BALITA‼️MAGING MAINGAT SA PAGKOMENTO‼️BAGONG SILANG NA SANGGOL, PATAY MATAPOS SUMINGIT/MAIPIT SA KA...
26/06/2025

WARNING: SENSITIBONG BALITA‼️
MAGING MAINGAT SA PAGKOMENTO‼️

BAGONG SILANG NA SANGGOL, PATAY MATAPOS SUMINGIT/MAIPIT SA KADENA AT GULONG NG MOTORSIKLO.

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang bagong silang na baby, matapos na ito'y bawian ng buhay sa Tagkawayan, Quezon dahil sa aksidenteng hindi lubos maisip na mangyayari.

Ayon sa impormasyon, karga-karga umano ng ina ang sanggol habang angkas ng motorsiklong minamaneho ng kanyang live-in partner na pauwi na sana sa Del Gallego, Camarines Sur.

Hindi na raw nila napansin na lumaylay na pala ang kumot kung saan ay nakabalot ang sanggol kaya sa isang iglap ay nahila ng kadena ng motor ang kumot at nakasama ang sanggol na kung saan ay maging ang mga rescuers ay nahirapan na alisin sa pagkakaipit ang baby.

Isinugod sa ospital ang sanggol subalit idineklara itong Dead on Arrival.

Sa ngayon ay hindi halos makausap ang magulang ng sanggol na dumadanas ngayon ng matinding kalungkutan at pagsisisi sa pangyayari.

Nakahimlay ang labi ng sanggol sa kanilang barong-barong sa Barangay Pasay, Del Gallego, Camarines Sur na ayon sa impormasyon ay hirap sa buhay ang pamilya at walang mapagkukunan ng salapi sa pagpapalibing sa sanggol.

Credit 📸 Bayani Bacuño

Unlock Huge Discounts at SM City Naga's 3 Day Sale!Get ready for a shopping treat at SM City Naga’s 3-Day Sale happening...
16/05/2025

Unlock Huge Discounts at SM City Naga's 3 Day Sale!

Get ready for a shopping treat at SM City Naga’s 3-Day Sale happening from May 16 to 18! Enjoy huge discounts of up to 70% on a wide variety of items—fashion, gadgets, home essentials, and more.

Whether you're looking to refresh your wardrobe, grab the latest tech, or find great deals for your home, this is the perfect time to shop.

Don't miss out on these limited-time offers and exciting finds from your favorite brands. Head over to SM City Naga and experience three days of fun, savings, and everything you need in one place!

SENSITIBONG BALITA‼️Isang 13-anyos na dalagita ang natagpuang patay at walang awang pinagsamantalahan sa Barangay Bulo I...
19/03/2025

SENSITIBONG BALITA‼️

Isang 13-anyos na dalagita ang natagpuang patay at walang awang pinagsamantalahan sa Barangay Bulo Ibaba, Unisan Quezon nitong linggo, March 16, 2025.

Nasa kustudiya na Ngayon ng mga otoridad ang suspek na umamin sa kanyang nagawang krimen at sinabing sobrang lasing daw siya kaya niya ito nagawa.

📷: Bayani Bacuño

Isang sunog ang sumiklab ang sa isang bahay sa Sitio Pagsimbugan, Mapid Lagonoy Camarines Sur pasado alas-8 ng umaga nga...
17/03/2025

Isang sunog ang sumiklab ang sa isang bahay sa Sitio Pagsimbugan, Mapid Lagonoy Camarines Sur pasado alas-8 ng umaga ngayong Lunes , Marso 17, 2025.

Nagtulong-tulong ang mga residente na maapula ang sunog at ligtas naman na nakalabas ang mga myembro ng pamilya na nakatira sa Bahay.

📸:IRAYA

AABOT SA 260 NA MGA KABAHAYAN, NATUPOK NG SUNOG🔥🚒Aabot sa 260 na mga kabahayan ng nasa 353 na pamilya ang naging uling a...
14/03/2025

AABOT SA 260 NA MGA KABAHAYAN, NATUPOK NG SUNOG🔥🚒

Aabot sa 260 na mga kabahayan ng nasa 353 na pamilya ang naging uling at abo matapos na sumiklab ang sunog na nangyari pasado alas-12 ng tanghali kahapon, Marso 13, 2025, sa Purok 1, Barangay Banuyo, Pilar, Sorsogon.

Nagulat na lamang ang mga residente ng biglang naglagablab ang apoy sa ilang bahay at dahil gawa sa mga light materials ang mga bahay at mahangin pa sa lugar kung kaya't mabilis itong kumalat.

Wala namang nasaktan sa insidente, pero SA ngayon ay apektado parin ang nasa 353 na pamilya na ngayon ay nananawagan ng tulong sa muli nilang pagbangon.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.

Photo courtesy: Anjerico

ISANG TRUCK, NAHULOG SA GILID NG KALSADA SA BALATAN CAMARINES SURAksidente nahulog ang Isang Dump truck sa gilid ng kals...
13/03/2025

ISANG TRUCK, NAHULOG SA GILID NG KALSADA SA BALATAN CAMARINES SUR

Aksidente nahulog ang Isang Dump truck sa gilid ng kalsada matapos umanong mabitin ang pagkambyo o mawalan ng kontrol habang paakyat sa pataas na porsyon ng kalsada sa zone 3, barangay Laganac, Balatan, Camarines Sur, na naging dahilan ng derederetsong pag-atras nito hanggang sa tuluyang nahulog sa gilid ng kalsada na nangyari mga bandang alas-9 ng umaga nitong nakalipas na araw.

Galing ng Balatan proper at patungo sa Nabua ang dump truck na pinagmamaneho ni Gerald, 28 anyos, residente ng barangay Tabon-Tabon, Daraga, Albay at kasama nito ang Isang nagngangalang Syna.

Parehong dinala sa Balatan RHU ang dalawa para sa kanilang atensyong medikal. 📸:Camarines Sur PPO

LALAKING UMAKYAT SA TOWER, MAKAPIGIL HININGANG NAILIGTAS NG MGA RESCUERS🧑🏼‍🚒👩🏼‍🚒Nailigtas ng mga rescuers ng San Fernand...
03/03/2025

LALAKING UMAKYAT SA TOWER, MAKAPIGIL HININGANG NAILIGTAS NG MGA RESCUERS🧑🏼‍🚒👩🏼‍🚒

Nailigtas ng mga rescuers ng San Fernando isang 37 years old na lalaki na umakyat sa isang tower sa zone 2, barangay Bonifacio, San Fernando, Camarines Sur pasado alas-4 ng hapon kanina (March 3, 2025).

video & other details👇🏼 https://www.facebook.com/100064867683012/videos/1368537100950479/?app=fbl

📸: BFP San Fernando

BANYE-BANYERANG MGA ISDA 🐟. Tuwang-tuwa ang mga mangingisda at mga residente ng Barangay Paniman, sa bayan ng Caramoan, ...
02/03/2025

BANYE-BANYERANG MGA ISDA 🐟. Tuwang-tuwa ang mga mangingisda at mga residente ng Barangay Paniman, sa bayan ng Caramoan, Camarines Sur, dahil sa banye-banyerang iba't-ibang mga isda ang kanilang nahuli sa unang araw ng Marso, 2025.
Photos via Jerry Makata Lara

Dalawang patay na oarfish ang natagpuan sa baybaying sakop ng zone 6, barangay San Cirilo, Pasacao, Camarines Sur kanina...
28/02/2025

Dalawang patay na oarfish ang natagpuan sa baybaying sakop ng zone 6, barangay San Cirilo, Pasacao, Camarines Sur kaninang hapon.

Ang gamitong uri ng isda ay namamalagi sa malalim na parte ng karagatan at ito'y bihirang mapadpad sa mga dalampasigan.
📸 Credit to the owner: Jay-R Perez

CHIEF TANOD, PATAY NG PAGBABARILIN NG SEKYU SA LOOB NG KANILANG BAHAY SA IRIGA CITYAng biktima na kinilalang si Ronnie, ...
25/02/2025

CHIEF TANOD, PATAY NG PAGBABARILIN NG SEKYU SA LOOB NG KANILANG BAHAY SA IRIGA CITY

Ang biktima na kinilalang si Ronnie, 47 taong gulang, Chief tanod ng Barangay La Purisima, Iriga City.

Nangyari ang insidente bandang alas 6:10 ng umaga na ayon sa report, habang natutulog ang biktima sa kanyang kwarto ay sapilitang pinasok ito ng suspek na si Jericho, nasa hustong gulang, isang sekyu, (bayaw ng biktima) at residente rin ng kaparehong barangay at doon na pinaulanan ng putok ng baril.

Nagtamu ng maraming tama ng bala ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Tumakas ang suspek, pero ito'y nahuli rin ng mga otoridad matapos ang isinagawang hot pursuit operation at nakuha sa kanyang posisyon ang kalibre 38 baril na ginamit sa pamamaril.

Nag-ugat ang pamamaril sa una ng naging alitan ng dalawa hanggang sa humantong sa nasabing pamamaril.
📸 CSPPO

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bicol Rapido TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bicol Rapido TV:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share