17/09/2025
low cost alarm system
‼️THIS WORLD IS A CRUEL PLACE FOR ANIMALS‼️
This picture was taken here in Naga. We do not know what exactly happened to this poor dog, though it is evident that this dog might have had an owner because of its leash.
This picture tells a thousand words.
Itong a*o ay siguradong BANTAY sa bahay dahil sa kaniyang tali. Hanggang kailan natin tatratuhin na parang basura ang ating alagang a*o? Pag namatay ay hahayaan na lang? Pag naghihirap ay pababayaan?
Ang ating mga alagang a*o ay nagsisilbing bantay ng pamilya at proteksyon laban sa masasamang loob. Pero ito ang kapalit sa kanilang serbisyo sa mga tao.
Mga walang modo, mga walang awa.
Sa mundong ito na halos walang pakialam sa mga hayop, kami ay nalulungkot. Sa sistemang pabor sa mga iresponsableng pet owners, sa mga a*o't pusa na dumadanas ng hirap araw-araw dahil sa kapabayaan ng libu-libong taong kumukuha ng hayop pero hindi naman kayang mag-alaga nang maayos. Nakakagalit.
Sana mas paigtingin pa ang batas at ordinansa na nagpoprotekta sa kapakanan ng mga hayop lalong-lalo na dito sa NAGA. Napakaraming IRESPONSABLENG PET OWNERS! Pero ni isa sa kanila walang napaparusahan! Pero libu-libo na ang na-impound, namatay, nagkasakit, at palaboy-laboy na mga hayop dahil sa kagagawan nila.
Animals are also part of God's creation. We also need to protect them, to give them kindness and be compassionate. WE HAVE TO RESPECT THEM TOO.
Photo from Konsi Areiz Macaraig’s Facebook post