Mag-Iron Na, Batang Naga

Mag-Iron Na, Batang Naga Let's build a healthier future together! 💪🍎

🌟 Advocating for Healthier Kids in Naga City! 🌟
Empowering Naga City families to fight iron deficiency anemia in kids through awareness, education, and support.

03/11/2024

Mga mommies, malapit na matapos ang ating adbokasiya! Sana ay marami kayong natututunan na bagong kaalaman na makakatulong sa inyong anak. 🩷📝

Kaya naman bago matapos ang aming kampanya, inaanyayahan namin kayo na sumagot ng aming evaluation form. Kung may oras kayo, mangyari lamang na sagutan ang evaluation form na hindi tatagal sa 5 minuto. Ito ay para malaman namin ano ang inyong naging karanasan sa aming adbokasiya!

Mahalaga ang inyong feedback sa amin upang malaman kung anong pa ang pwede naming pagbutihin at ibahagi sa inyo.

Kasama niyo kami sa hangaring maging malakas at malusog ang inyong mga anak! Kaya abangan niyo bukas ang susunod na recipe na aming ibabahagi.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdxMFSRp9F2RbqOTG-Lh-dogBUybqZayGdecNTetn-Q2WPEBw/viewform

Nay, Tay, problema niyo rin ba linggo-linggo ang mag-isip ng uulamin dahil sa dami ng pagpipilian😔?  Pwes, dito sa MINBN...
03/11/2024

Nay, Tay, problema niyo rin ba linggo-linggo ang mag-isip ng uulamin dahil sa dami ng pagpipilian😔? Pwes, dito sa MINBN, ang paborito naming tanong ay:

Ano nga ba ang pagkaing swak sa panlasa ng mga chikiting, mataas sa Iron, at swak rin sa bulsa ng mga magulang? 🤔

Ang ating ulam of the day ngayong Linggo ay 🥁🥁🥁…

Monggo Nuggets!

MoNgGo nUgGets?🤨 Pwede ba yun?

Para sa mga batang hindi mahilig sa monggo, mas mainam na ihalo ang sangkap na ‘to sa ibang pagkain o maging malikhain at gawing nuggets kagaya ng recipe na ito! Kailangan ng mga bata ng 13-15 mg ng iron sa isang araw. At ang isang baso ng monggo ay may 14 mg, na talaga namang swak sa pangangailangan ng inyong mga chikiting.🤩 Meron din itong antioxidants na tumutulong labanan ang free radicals na sanhi ng ibang sakit at nagpapabilis ng aging. Kaya naman magandang ihain ito para sa buong pamilya! Subukan niyo na, at sabay-sabay nating labanan ang Iron-deficiency anemia gamit ang tamang nutrisyon para sa mga bata! 🧒💛




Ano nga bang ulam ang masustansya, abot-kaya, at siguradong magugustuhan ng buong pamilya? 🤔Ang ating ulam of the day ng...
02/11/2024

Ano nga bang ulam ang masustansya, abot-kaya, at siguradong magugustuhan ng buong pamilya? 🤔

Ang ating ulam of the day ngayong Miyerkules ay Ginisang Monggo! 🌱 Ito ay isang simpleng putahe na tiyak na magugustohan ng inyong mga chikiting!

Ang monggo ay siksik sa fiber, iron, at protein, at kapag sinahugan pa ng gulay at maliliit na hiwa ng pork o isda, mas lalong nagiging masustansya ang bawat serving! Ang lutong ito ay magbibigay ng lakas at tibay sa ating katawan.💪

Hindi lang ito masarap at masustansiya, kundi madali rin itong ihanda at lutuin na puwedeng ihain sa hapag sa kahit anong oras! Ano pang hinihintay ninyo, mommies? Halina’t labanan ang Iron Deficiency! 👌✅



Ang ating ‘Ulam of the Day’ ngayong Biyernes ay Adobo na may Atay! 🩸Bukod sa pagiging masarap at masustansya, ang adobo ...
01/11/2024

Ang ating ‘Ulam of the Day’ ngayong Biyernes ay Adobo na may Atay! 🩸

Bukod sa pagiging masarap at masustansya, ang adobo ay tumatagal rin sa buong araw! Perfect na baon para sa mga outing ngayong Undas.

Siksik sa laman kaya siguradong busog ang mga bata, at ang atay ay mayaman sa iron na makakatulong magpalakas sa inyong mga anak. Puno rin ito ng iba’t ibang nutrients na mahalaga para sa kanilang tamang paglaki at tibay ng resistensya.

Madali rin itong i-customize kaya pwede ninyong dagdagan ng paborito ng inyong mga anak, tulad ng patatas o nilagang itlog. Isa itong recipe na madali matutunan at para sa lahat.

Tara na at subukan ang aming simpleng recipe na siguradong magugustuhan ng mga bata. Sama-sama nating gawing masustansya, masarap, at praktikal ang bawat hapag kainan para sa pamilya.




Mga mommies, handa na ba kayong magdala ng masustansyang twist sa hapag-kainan? Alam niyo ba ang tamang nutrisyon ay sus...
31/10/2024

Mga mommies, handa na ba kayong magdala ng masustansyang twist sa hapag-kainan? Alam niyo ba ang tamang nutrisyon ay susi sa kanilang paglaki at pag-unlad?

Ngayong Huwebes, and ating “Ulam of the Day” ay Tofu Sisig! Hindi lang ito masarap, kundi puno rin ng iron na makakatulong upang maiwasan ang iron deficiency anemia at para mapalakas ang resistensya ng inyong mga anak!

Ang Tofu ay isang mahusay na source ng plant-based protein at iron. Ito ay gawa sa soya, kaya puno ito ng nutrients na kailangan ng inyong mga chikitings. Tara na at subukan ang aming recipe na madaling ihanda at tiyak na magugustuhan ng buong pamilya!

Gawing mas masaya at masustansya ang bawat kainan! I-share ang recipe na ito sa inyong mga kaibigan at sama-sama tayong maging empowered sa ating mga meal choices!




Ano nga bang ulam ang ating pwedeng ihain sa mga chikitings na puno ng masusustansyang sangkap at higit sa lahat, sagana...
30/10/2024

Ano nga bang ulam ang ating pwedeng ihain sa mga chikitings na puno ng masusustansyang sangkap at higit sa lahat, sagana sa iron? 🤔

Ang ating ulam of the day ngayong Miyerkules ay Ginisang Kangkong at Tokwa!

Ang kangkong ay mayaman sa iron at iba pang bitamina, habang ang tokwa naman ay isang mahusay na pinagkukunan ng plant-based protein at iron. Ang kombinasyon ng mga ito ay nagpapalakas ng enerhiya at nagpapabuti sa ating kalusugan.

Kaya ano pang hinihintay niyo mommies? Isama na sa iyong mga inihahaing putahe ang masustansyang lutong ito para sa malusog na katawan ng ating mga chikitings!




Ang Iron ay isa sa mga mahalagang mineral na kailangan sa nutrisyon at diet ng mga bata upang maging maayos ang kanilang...
29/10/2024

Ang Iron ay isa sa mga mahalagang mineral na kailangan sa nutrisyon at diet ng mga bata upang maging maayos ang kanilang kalusugan. 💪 🩸

Pero ano nga ba ang mga sangkap na mataas sa iron content? 🔎🤔

Dont you worry nanay at tatay! Narito ang mga iba’t-ibang sangkap na mataas sa iron at ang sukat ng servings na pwede para sa mga chikitings. 🥬🍳🥩🫛

Inirerekomenda na sa tatlo o apat na meals sa bawat araw, ang ulam ng mga bata ay may mga sangkap na mataas sa iron. ✨

Importante din na isama sa diet ng mga chikitings ang mga pagkain na mataas sa Vitamin C! Ito ay upang mas madali maabsorb ang iron sa kanilang katawan. 🍊🍅🍉

Kaya mga nanay at tatay, mahalaga na may kaalaman kayo sa mga sources ng pagkain na sagana sa iron upang makapagluto ng mga ulam na busog lusog para sa mga bata! ✨

Sa susunod na araw, alamin ano mga ulam na pwede lutuin para sa mga chikitings!



Mga nanay at tatay, napapansin niyo ba na nanghihina kahit maayos ang tulog at may sapat na pahinga ang inyong mga chiki...
28/10/2024

Mga nanay at tatay, napapansin niyo ba na nanghihina kahit maayos ang tulog at may sapat na pahinga ang inyong mga chikiting? O kaya’y madalas silang nahihilo, at mukhang maputla? Kung ganon, I-check niyo ang iron level nila at baka kulang na sila sa iron!🩸

Ang pangyayari na ito ay tinuturing na iron deficiency anemia—isang kondisyon na maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan. Ang iron ay isang pangunahing nutrient na kailangan ng ating katawan para sa produksyon ng hemoglobin, na nagdadala ng oxygen sa ating mga cells.

Kapag hindi sapat ang iron, asahan mo nang magiging mabagal ang kilos ng mga chikiting, at maaaring makaapekto ito sa kanilang focus at energy levels. Kaya naman mahalagang malaman ang mga sintomas ng iron deficiency anemia, tulad ng maputlang balat, madaling hingalin, at kahit pagkahilo.

Kaya mga ating tagapag-alaga, ang kaalaman ay kapangyarihan! Huwag hayaang maapektuhan ang kalusugan ng mga chikiting—alamin ang tungkol sa iron deficiency anemia at simulan ang journey tungo sa mas malusog na buhay! 💪🥬🍖



Address

Naga City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mag-Iron Na, Batang Naga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share