Oragon News Online

Oragon News Online ORagon News Online: Your bold and brave source for timely, accurate news and insightful analysis. Stay informed, stay ahead.

Dumating na sa Danlugan ang Pagoda ng Nuestra Señora de Peñafrancia bilang paghahanda sa inaabangang Fluvial Procession ...
17/09/2026

Dumating na sa Danlugan ang Pagoda ng Nuestra Señora de Peñafrancia bilang paghahanda sa inaabangang Fluvial Procession sa darating na Setyembre 19, 2026.
Muling babagtasin ni "Inâ" ang Bicol River kasama ang libu-libong deboto na mag-aalay ng panalangin at awitin sa pampang ng ilog. Sa paglalayag ng Pagoda, sabay-sabay na ihahatid ng mga Bicolano si Inâ pabalik sa kanyang tahanan, bitbit ang kanilang matinding pananampalataya at pagmamahal.
Viva la Virgen!
📸 Photos by Vince Carlo Puno

DUTERTE, DUMALO SA ICC STATUS CONFERENCE HEARING​Dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong status conferenc...
16/09/2026

DUTERTE, DUMALO SA ICC STATUS CONFERENCE HEARING

​Dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong status conference hearing ng International Criminal Court (ICC) ngayong Miyerkules, Setyembre 16, kaugnay ng kinakaharap niyang kasong crimes against humanity.

​(📸: Reuters)

TINGNAN: Nagbahagi si BINI Mikha ng isang photo dump mula sa kanyang naging performance sa UAAP sa kanyang social media ...
16/09/2026

TINGNAN: Nagbahagi si BINI Mikha ng isang photo dump mula sa kanyang naging performance sa UAAP sa kanyang social media page! ❤️🔥
​📷: Mikha | Instagram
​

16/09/2026

Hi everyone! 🌟 You can support me by sending Stars - they help me earn money to keep making content you love. Whenever you see the Stars icon, you can send me Stars!

16/09/2026

GOV. LRAY VILLAFUERTE, PINASALAMATAN ANG AWARD MULA SA ISTORYA, 1 NEWS AT RPMD SA PILI, CAMSUR PILI

CAMARINES SUR — Puno ng kagalakan at pasasalamat si Camarines Sur Governor Luis Raymund "Lray" Villafuerte matapos personal na tanggapin sa Pili ang parangal mula sa RPMD, Istorya, at 1 News bilang isa sa mga most trusted at top-performing governors sa bansa.Inihayag ng gobernador na ang natanggap na pagkilala ay hindi lamang para sa kanya kundi para sa buong lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon sa kanya, magsisilbi itong inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang pagbibigay ng tapat at transparent na serbisyo publiko..Pinasalamatan din ni Gov. Lray ang kapitolyo, ang mga lokal na lider sa CamSur, at ang mamamayan sa kanilang patuloy na suporta sa mga programa ng lalawigan sa kalusugan, edukasyon, at imprastraktura.

40 miyembro at tagasuporta ng CTG sa CamSur, sumuko sa pamahalaan​Nasa 40 indibidwal na kabilang at sumusuporta sa Commu...
15/09/2026

40 miyembro at tagasuporta ng CTG sa CamSur, sumuko sa pamahalaan

​Nasa 40 indibidwal na kabilang at sumusuporta sa Communist Terrorist Group (CTG) ang nagbalik-loob matapos sumuko sa 9th Infantry Battalion (9IB) ng Philippine Army sa Camarines Sur.

​Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pag-turn over ng iba't ibang kalibre ng armas, mga bala, at pampasabog. Ayon sa 9IB, patunay ito ng patuloy na paghina ng pwersa ng CTG kaya't hinihikayat nila ang iba pang miyembro na sumuko na rin at samantalahin ang mga programa ng gobyerno.

​📷 | 902nd Infantry Fight & Serve Brigade

BREAKING NEWS: Mag-live-in partner, timbog sa ₱204K halaga ng shabu sa Naga City​Naaresto ng mga operatiba ng PDEA ang m...
15/09/2026

BREAKING NEWS: Mag-live-in partner, timbog sa ₱204K halaga ng shabu sa Naga City

​Naaresto ng mga operatiba ng PDEA ang mag-live-in partner na sina alyas "Roel", 46, at "Alejandra", 36, sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Mabolo, Naga City nitong Setyembre 14.

​Nasabat mula sa mga suspek ang nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na may standard value na ₱204,000.

​Kasalukuyang nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ayon kay PDEA CamSur Chief Agent Adrian Fajardo, patuloy ang pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng publiko para sa Peñafrancia Festivities.

Mga patay na baboy na hinalang may ASF, natagpuan sa ilog sa Bula​Nadiskubre ng mga residente ng Brgy. Banasi, Bula, Cam...
15/09/2026

Mga patay na baboy na hinalang may ASF, natagpuan sa ilog sa Bula

​Nadiskubre ng mga residente ng Brgy. Banasi, Bula, Camarines Sur ang mga naaagnas na baboy na inaanod sa ilog matapos tuntunin ang masangsang na amoy sa kanilang lugar.
​Ayon sa post ng concerned citizen na si Caren Alta, nangangamba ang mga residente sa posibleng banta ng African Swine Fever (ASF). Hinihintay pa ang kumpirmasyon ng mga awtoridad habang patuloy na inaalam kung sino ang nagtapon ng mga naturang baboy na nakahalo sa mga basura.

​Photos: Caren Alta

Mga s*x toy at gamit na condom, tumambad sa clean-up drive sa LegazpiNagulat ang mga DOLE-TUPAD beneficiaries nang makat...
15/09/2026

Mga s*x toy at gamit na condom, tumambad sa clean-up drive sa Legazpi

Nagulat ang mga DOLE-TUPAD beneficiaries nang makatuklas ng mga s*x toy, gamit na condom, at bote ng alak habang nagsasagawa ng anti-dengue clean-up drive sa isang bakanteng lote sa Brgy. Lamba, Legazpi City nitong Setyembre 15.

Ayon kay SK Chairman Chris Presentacion, walang nakatayong bahay sa lugar ngunit madalas itong hintuan ng mga tao tuwing madaling araw. Kasabay ng insidente, pinaalalahanan ang publiko na linisin ang paligid upang iwasan ang pamumugad ng lamok na nagdadala ng dengue.

Courtesy: SK Chairman Chris Presentacion

SEGURIDAD SA ATENEO DE NAGA JHS, HINIGPITAN KASUNOD NG ONLINE THREATNagtaas ng alerto at hinigpitan ng Ateneo de Naga Un...
14/09/2026

SEGURIDAD SA ATENEO DE NAGA JHS, HINIGPITAN KASUNOD NG ONLINE THREAT

Nagtaas ng alerto at hinigpitan ng Ateneo de Naga University (AdNU) Junior High School ang seguridad nito matapos kumalat ang isang banta online na may larawan ng baril at mensaheng “Maybe not today, but tomorrow lol.”
Ini-report na ito sa pulisya at nagsasagawa na ng mahigpit na bag inspection. Binigyan din ng opsyon ang mga magulang na huwag munang papasukin ang kanilang mga anak habang mino-monitor ang sitwasyon.

Address

Naga City
4405

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Oragon News Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share