15/07/2023
EXCITED NA KAMI SA NSPC-NFOT 2023! 😊
Saksihan ang pagtatagisan ng talento at husay sa pamamahayag ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa 2023 National Schools Press Conference (NSPC) at 2023 National Festival of Talents (NFOT) na gaganapin sa Cagayan de Oro City ngayong Hulyo 17-21, 2023.
May temang “From Campus Journalism to Real-World Journalism: Shaping Minds from Schools to Societies,” para sa NSPC at “Reinforcing 21st Century Learning and Fostering Creative Industries through Talents and Skills Exhibition,” para sa NFOT, hangad ng pagdiriwang ngayong taon na mabigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral ng basic education mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa na maipakita ang kanilang galing sa pamamahayag at iba’t ibang talento at kasanayan habang ibinibida ang natatanging mga kultura at tradisyon ng bansa.
Abangan ang pagbubukas ng NSPC-NFOT 2023 ngayong darating na Hulyo 17, sa pamamagitan ng pagtutok sa livestream ng programa na mapapanood sa official page, YouTube Channel, at website ng DepEd Philippines.