08/05/2025
HABANG AKAY-AKAY ANG BISIKLETA: LOLO, INARARO NG BUS SA NAIC CAVITE
Halos mabiyak ang ulo ng isang 65-anyos na lalaki matapos itong masagasaan ng isang pampasaherong bus habang tumatawid at akay-akay ang kanyang bisikleta kamakalawa ng gabi sa Antero Soriano Highway, Barangay Makina, Naic, Cavite.
Dead-on-arrival sa ospital ang biktima na si Nelson Bating, residente ng Timalan, Naic, Cavite.
Arestado naman at nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus na kinilalang si alyas "Jhon," 47-anyos, ng Barangay Munting Mapino.
Batay sa imbestigasyon, tumatawid si Bating sa kalsada dakong alas-11:50 ng gabi nang biglang araruhin ng isang pampasaherong Multi-color Kia bus (plakang UVU 387), dahilan upang tumilapon siya at magtamo ng matinding pinsala sa ulo na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
News Source: Pilipino Star Ngayon