ONE NAIC

Website

ONE NAIC One Naic

🚨 BREAKING NEWS | BSKE 2026, IPINAGPALIBAN NA SA 2028Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na naglili...
25/09/2026

🚨 BREAKING NEWS | BSKE 2026, IPINAGPALIBAN NA SA 2028

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na naglilipat sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula 2026 patungo sa 2028, ayon sa kumpirmasyon ng Palace Press Officer na si Usec. Claire Castro.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, itinakda rin sa limang taon ang termino ng mga barangay at SK officials.

πŸ“… Susunod na regular BSKE: November 13, 2028

Patuloy na abangan ang mga opisyal na detalye at magiging epekto ng bagong batas sa mga barangay at SK elections.

πŸ“° NEWS UPDATE | Posibleng mapirmahan ngayong Martes ang BSKE Postponement BillAyon kay House Speaker Faustino β€œBojie” Dy...
22/09/2026

πŸ“° NEWS UPDATE | Posibleng mapirmahan ngayong Martes ang BSKE Postponement Bill

Ayon kay House Speaker Faustino β€œBojie” Dy III, nilagdaan na niya ang enrolled bill na naglalayong ipagpaliban ang 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Inaasahan umano niyang maihaharap ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pirma ngayong September 22.

Sa ngayon, patuloy pa ring nakahanda ang COMELEC para sa nakatakdang BSKE habang hinihintay ang pinal na aksyon sa panukala.

Abangan ang susunod na opisyal na update.

31/08/2026

Mabasang Buwan Ngayong Buwan ng Wika | Agosto 31, 2026 (Lunes)

πŸ‡΅πŸ‡­ NATIONAL HEROES DAY | Agosto 31, 2026 πŸ‡΅πŸ‡­Ngayong National Heroes Day, buong puso nating ginugunita ang kabayanihan, ta...
31/08/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ NATIONAL HEROES DAY | Agosto 31, 2026 πŸ‡΅πŸ‡­

Ngayong National Heroes Day, buong puso nating ginugunita ang kabayanihan, tapang, at sakripisyong inialay ng ating mga bayani para sa kalayaan ng ating bayan. β€οΈπŸ’™πŸ’›

Nawa’y patuloy nating isabuhay ang kanilang mga aralβ€”ang pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan para sa mas magandang kinabukasan. πŸ‡΅πŸ‡­

Alalahanin. Pahalagahan. Ipagpatuloy.
Ang kanilang tapang ay ang ating inspirasyon. 🫑

🚨 BASURANG HINDI NAHAKOT, LUMULUTANG NA SA BAHA πŸŒŠπŸ—‘οΈNaging dagdag na problema sa pagbaha ang mga basurang palutang-lutang...
29/08/2026

🚨 BASURANG HINDI NAHAKOT, LUMULUTANG NA SA BAHA πŸŒŠπŸ—‘οΈ

Naging dagdag na problema sa pagbaha ang mga basurang palutang-lutang sa ilang bahagi ng Brgy. Mabulo, Naic, Cavite, ngayong Agosto 29.

Ayon sa mga residenteng nagbahagi ng sitwasyon, hindi umano nahakot ang ilang basura bago bumaha kaya’t inanod at kumalat ang mga ito sa baha.

Nananawagan ang mga residente sa agarang paglilinis at maayos na paghakot ng basura upang makatulong na maiwasan ang pagbara sa mga daluyan ng tubig at paglala ng sitwasyon.

πŸ“ Brgy. Mabulo, Naic, Cavite
πŸ“… Agosto 29, 2026

⚑ MAY KURYENTE PA BA SA INYO? πŸͺ«πŸŒ§οΈHabang patuloy ang malakas na ulan at masamang panahon dulot ng habagat na pinaiigting ...
29/08/2026

⚑ MAY KURYENTE PA BA SA INYO? πŸͺ«πŸŒ§οΈ

Habang patuloy ang malakas na ulan at masamang panahon dulot ng habagat na pinaiigting ng bagyong , ilang residente mula sa iba’t ibang bahagi ng Naic ang nag-ulat ng pagkawala ng kuryente.

πŸ“ Kumusta ang sitwasyon sa inyong lugar? May kuryente pa ba o nawalan na rin? Mag-comment at i-share ang inyong lokasyon para makapagbigay ng update sa iba. πŸ‘‡

Mag-ingat at manatiling handa, mga ka-OneNaic! πŸ™πŸŒ§οΈ


πŸ“… Agosto 29, 2026 (Sabado)

🚨 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MABULO AT MGA KARATIG-BARANGAY 🚨Dahil sa patuloy na pagbaha at tambak na basurang...
29/08/2026

🚨 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MABULO AT MGA KARATIG-BARANGAY 🚨

Dahil sa patuloy na pagbaha at tambak na basurang nalulubog sa maruming tubig, mag-ingat sa panganib ng leptospirosis. May mga naiuulat na ring kaso ng pagkamatay na iniuugnay sa sakit na ito sa ilang lugar.

🦠 Iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan.
πŸ‘’ Gumamit ng bota at proteksiyon kung kailangang lumusong.
🧼 Maghugas at maglinis agad ng katawan pagkatapos malubog sa baha.
πŸš‘ Magpatingin agad sa health center o ospital kung makararanas ng lagnat at iba pang sintomas.

πŸ—‘οΈ Tandaan: Ang tamang pagtatapon ng basura ay malaking tulong upang maiwasan ang pagdami ng daga at iba pang panganib sa kalusugan.

Mag-ingat ang lahat. Kalinisan ngayon, kaligtasan ng lahat! πŸ’™πŸ’›

29/08/2026

🌧️ BAHA | MULING NAGPAPARANAS NG PAGBAHA SA IBA’T IBANG BAHAGI NG NAIC

Muling nakararanas ng matinding pag-ulan at pagbabaha sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Naic bunsod ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng Habagat na pinaiigting ng Bagyong .

πŸ“ Barangay Calubcob β€” Nararanasan ang malakas na pagragasa ng tubig sa isang tulay dahil sa patuloy na pag-ulan.

Dahil sa panibagong pagbaha, pinaaalalahanan ang lahat na manatiling alerto at mag-ingat. Iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan at bantayan ang kalusugan, lalo na’t may mga naiuulat na kaso ng leptospirosis, dengue, at alipunga matapos ang mga nakaraang pagbaha.

πŸ™ Mag-ingat po tayong lahat at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa mga kinauukulan.

πŸ“’ PAALALA PO SA LAHAT!Magkakaroon po ng CAVITE SERVICE CARAVAN handog ng Provincial Capitol sa pangunguna ni Gov. Abeng ...
26/08/2026

πŸ“’ PAALALA PO SA LAHAT!

Magkakaroon po ng CAVITE SERVICE CARAVAN handog ng Provincial Capitol sa pangunguna ni Gov. Abeng Remulla, sa September 1, 2026 (Tuesday) sa Naic Covered Plaza. Layunin po nitong mailapit sa ating mga kababayan ang iba’t ibang LIBRENG SERBISYO ng Pamahalaan. Para po sa mga interesadong makikinabang, narito ang mga serbisyong ihahatid:

πŸ₯ HEALTH SERVICES
β€’ Medical Consultation
β€’ Dental and Oral Health Services
β€’ ECG – hanggang 50 clients
β€’ Fasting Blood Sugar – hanggang 300 clients
β€’ Flu Vaccination – 100 slots
β€’ Pneumococcal Vaccination – 100 slots
β€’ Deworming - 100 slots
β€’ Fluoride Varnish - 120 slots
β€’ Breast Screening
β€’ VIA (Visual Inspection with Acetic Acid)
β€’ HIV Testing
β€’ Implanon Insertion
β€’ Distribution of Commodities (Pills & Condoms)

βš–οΈ LEGAL SERVICES
β€’ Free Legal Aid
β€’ Free Notary Services for simple legal documents

πŸ’Ό JOB FAIR
β€’ 30 participating companies – Local & Overseas

πŸ›οΈ GOVERNMENT SERVICES
β€’ Assistance from 11 National Government Agencies
β€’ PWD ID Application

🌱 AGRICULTURE & FISHERY SERVICES
- Free Vegetable Seeds
- Free Seedlings

🐢 VETERINARY SERVICES
β€’ Free Veterinary Consultation
β€’ Free Anti-Rabies Vaccination
β€’ Free Deworming and aVitamin Supplementation

β™Ώ SERVICES FOR PWDs / SENIOR CITIZENS
β€’ Provision of 30 Adult Wheelchairs
β€’ 30 Hearing Tests
β€’ 12 Hearing Aids

πŸ‘΅ PAALALA: Priority po ang Senior Citizens para sa mga serbisyong may limitadong slots, partikular sa hearing tests at hearing aids.

πŸ‘₯ TARGET CLIENTS: 2,000 (First Come,First Serve Basis)

πŸ“… September 1, 2026 | Tuesday
⏰8:00 AM Onwards
πŸ“ Naic Covered Court

Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na samantalahin ang pagkakataong ito at makibahagi sa Cavite Service Caravan. Maraming salamat po! πŸ™

4Ps BENEFICIARY LIST, SUMASAILALIM SA BERIPIKASYONSinusuri ngayon ang listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps upang matiyak ...
24/08/2026

4Ps BENEFICIARY LIST, SUMASAILALIM SA BERIPIKASYON

Sinusuri ngayon ang listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps upang matiyak na ang mga tumatanggap ng programa ay patuloy na kwalipikado at tunay na nangangailangan ng tulong.

Kabilang sa beripikasyon ang mga ulat tungkol sa ilang benepisyaryong may trabaho, may asawang may regular na kita, o may mga ari-ariang maaaring makaapekto sa kanilang eligibility.

Kung mapatutunayang hindi na pasok sa itinakdang pamantayan, maaari silang alisin sa listahan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga pamilyang higit na nangangailangan.

Layunin: patas na proseso, tamang benepisyaryo, at tulong para sa tunay na nangangailangan. πŸ‡΅πŸ‡­

Address

Naic
4110

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ONE NAIC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share