Atty. Erick Fabello Abueg

Atty. Erick Fabello Abueg Ipinagpapatuloy... Lingkod Bayan! Deputy Speaker of 17th Congress

01/08/2026



Nagkaisang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Romblon ang isang resolusyon na mariing tumututol sa lahat ng large-scale metallic mining sa Sibuyan Island at humihiling kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa Kongreso ng Pilipinas na ideklara ang isla bilang large-scale mining-free.

Inaprubahan ang resolusyon nitong July 31 sa ginanap na ika-26 na Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan.

Nakasaad din sa resolusyon ang panawagan kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Juan Miguel Cuna na agad na repasuhin at bawiin ang lahat ng umiiral na mining agreements, operasyon, at mga aplikasyon para sa pagmimina sa loob ng teritoryo ng Sibuyan Island.

Nagkakaisang inaprubahan ang resolusyon ng lahat ng dumalong mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga ex-officio members.

28/07/2026

Maraming Salamat po Governor Trina, Marami pa po sana politiko at namumuno ang gaya niyo na di nagpapasilaw sa Pera ✊🏻🙏🏽

Nanawagan si Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic ng masusing pagsusuri sa naging pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa resolusyong nag-eendorso sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) para sa planong pagmimina sa bayan.

Ayon sa Gobernadora
Ang naging pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa resolusyong nag-eendorso sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) ay isang seryosong usapin na nangangailangan ng masusing pagsusuri at agarang atensyon.

Bagama't ang naturang endorsement ay bahagi pa lamang ng mas malawak na proseso at hindi pa pinal na pag-apruba sa proyekto, ang ganitong usapin ay hindi nararapat na idaan sa padalos-dalos na pag-apruba.

Ito ay dapat masusing pinag-aralan at binigyan ang mga mamamayan ng pagkakataon na mapakinggan.

Ang biodiversity at ecological significance ng Sibuyan ay likas na kayamanan na kapag nawala ay hindi na basta-bastang maibabalik.

Ang tunay na kaunlaran ay hindi nasusukat lang sa dami ng mga proyektong naipatutupad, kundi sa kakayahan nating tiyakin na ang pag-unlad ay hindi isinasakripisyo ang kalikasan na siyang pinagmumulan ng buhay at kabuhayan ng ating mga
mamamayan.

Nananatiling matatag ang ating paninindigan na ang pag-unlad ng Romblon ay dapat laging kaagapay ng pangangalaga sa ating kalikasan. Ang ating tanggapan ay aktibong makikipagtulungan sa mamamayan upang isulong ang mga pasyang inuuna ang pangmatagalan
kapakanan ng bawat Romblomanon at ng mga susunod pang henerasyon.

Address

Narra
5303

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Erick Fabello Abueg posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Atty. Erick Fabello Abueg:

Shortcuts

Share