20/12/2025
Walang tamang babae para sa lalakeng hindi pa rin alam kung anong gusto niya sa buhay.
Lagi mong maririnig ‘yung linyang “hanapin mo ‘yung tamang babae” pero bro, ang totoo niyan, hindi mo makikita ‘yung tamang babae kung ikaw mismo di mo mahanap sarili mo.
Hindi mo kailangan ng “perfect girl,” kailangan mo maging tamang lalaki muna.
Pero malinaw ‘to ha,
ang pagiging tamang lalaki, hindi ibig sabihin na magiging sunod-sunuran ka.
Hindi ‘yan tungkol sa pagiging submissive.
‘Yan ‘yung pagiging responsable, marunong umintindi, at alam kung kailan magsasalita o tatahimik.
Yung tipong kaya mong protektahan, pero hindi mo kailangan kontrolin.
Yung kaya mong mag-lead, hindi para ipakita na mas mataas ka,
kundi dahil alam mong kailangan ng direksyon ‘yung relasyon, hindi lang puro drama.
Ang problema sa marami ngayon, gusto ng loyal na babae,
pero sila mismo hindi marunong mag-ayos ng sarili.
Gusto ng respeto, pero hindi marunong tumayo bilang lalaki.
Kaya bago mo tanungin kung siya na ba ‘yung “the one,”
tanungin mo muna sarili mo,
ikaw ba ‘yung lalaki na karapat-dapat sa babaeng gusto mong makasama?
Kasi tandaan mo bro,
ang tunay na lalake, hindi ‘yung laging tama,
kundi ‘yung marunong at alam yung patutunguhan niya sa b