31/08/2024
Devotion TODAY (SATURDAY)
TITLE" ANG PAGKA BUHAY NA MANG MULI ANG SUSI."
>>>> Ngunit ano ang sinasabi niya?... Kung ipapahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.
(ROMA 10:8-9)
- Ang Kristiyanismo ay nagsisimula sa muling pagkabuhay ni
Hesu-Kristo , hindi sa kamatayan. Hindi ibig sabihin nito na hindi mahalaga ang kamatayan ni Hesu-Kristo, dahil walang pagkabuhay na mang-muli kung walang kamatayan.
Kung naniniwala ka sa muling pagkabuhay, tiyak na naniniwala ka sa kamatayan, ngunit ang susi ay sa paniniwala sa muling pagkabuhay. Yun ang nagbibigay sa atin ng bagong buhay.
in Acts 13:33 the Bible tells to us,
" That God has fulfilled this to us, their children, in that he raise up Jesus. As it is also written in the second psalm,
'You are my Son. Today I have become your father'
- Psalm 2 : 7
I will tell of the decree: Yahweh said to me,
“You are my son. Today I have become your father.
Hindi ito tumutukoy sa Kanyang pagsilang sa Betlehem kundi sa muling pagsilang sa pagkabuhay na mang-muli.
Si Hesus ang panganay na anak mula sa mga patay, na nangangahulugang ang unang inilabas mula sa espirituwal na kamatayan. Sa krus, namatay Siya ng dalawang kamatayan.
Una Siyang namatay sa espirituwal nang ipatong sa Kanya ang ating mga kasalanan at Siya ay nahiwalay, nahiwalay sa Ama.
Siya ay sumigaw sa krus "DIYOS KO, DIYOS KO, bakit mo ako pinabayaan" (Marcos 15:34) Nang mangyari iyon, naging posible para kay Hesus na mamatay sa pisikal.
Nang mamatay Siya, napunta Siya sa impiyerni sa espiritu, dahil doon sana tayo lahat pupunta; Pumunta siya sa impyerno para sa atin. Ngunit Siya ay isang matuwid, na nagdala ng mga kasalanan ng iba. Ipinakikita sa atin ng Biblia kung paano sa impiyerno, si Satanas at ang lahat ng demonyo ng kadiliman ay nakipaglaban kay Hesus upang lupigin Siya.
Ngunit tinapon Niya sila mula sa Kanyang sariling pamunuan at kapangyarihan at ipinakita ito sa lahat
" Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito 'y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay." - Colosas 2:15
Tinalo ni Hesus sa harapan ng lahat si Satanas at ang mga demonyo ng kadiliman at lumabas mula sa kamatayan at impiyerno nang tagumpay. Nang bumangon Siya, sinabi ng Biblia na Siya ay matuwid; ang muling pagkabuhay ang naging tanda. Ang muling kapanganakan na iyon sa pagkabuhay na mang-muli ay nangangahulugang walang kasalanan, walang kaparusahan; ang utang ng kasalanan ay binayaran ng Kanyang kamatayan, ngunit ang Kanyang pagkabuhay na mang-uli sa isang bagong buhay ay ang nagdala sa atin ng katuwiran.
" Ipinapatay siya dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo'y mapawalang-sala." -Roma 4:25
Kaya naman ngayon, ang sinumang naniniwala na si Hesus ay namatay para sa ating mga kasalanan at nabuhay na mang-muli para sa ating katuwiran, ay pumapasok sa isang bagong buhay at naging isang bagong nilalang:
"Kaya't tayo'y inilibing na kasama Niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan; ng gaya ng pagkabuhay na mag-uli ni Kristo mula sa mga patay sa pamamgitan ng kaluwalhatian ng Ama, gayon din naman dapat tayong lumakad sa bagong buhay."
- Roma 6:4
PANALANGIN
" Mahal naming Ama oh Yahweh, salamat sa maluwalhating pagkabuhay na mang-muli ni Kristo Hesus na nagdala sa amin ng katuwiran ng buhay na walang hanggang. Kinikilala ko ang maluwalhating tagumpay na nakamit Niya laban kay Satanas at sa mga pwersa ng kadiliman, Si Hesus ay nagtatagumpay laban sa kamatayan at impiyerno para sa akin, Ngayon ako'y binuhay na kasama Niya sa lugar ng tagumpay, awtoridad at pamamahala magpakailanman, sa Pangalan ni Kristo Hesus. Amen.
>>>> KARAGDAGANG PAG-AARAL