26/07/2025
NSF, sinimulan na ang pagsasanay para sa DSPC
Sinimulan na ang pagsasanay ng mga mamamahayag ng Naval School of Fisheries (NSF), Sabado, Hulyo 26, 2025, bilang paghahanda sa nalalapit na Division School Press Conference (DSPC).
Higit 70 na mag-aaral ang dumalo sa nasabing pagsasanay. Ginawan ng artikulo ng mga manunulat ang mga paksang ibinigay sa bawat kategorya. Samantalang, ang mga brodkasters naman ay mainam din ang pag-eensayo.
Nagbigay ng inspirasyon at payo ang mga dating kinatawan ng paaralan sa patimpalak na sina Enrique Doy Balondo, Lordson Seno, Mariel Erasmo, Marjorry Mata, Dayven Huillar, Elcy Juntilla, at Gebie Serino. Hinikayat nila ang mga kalahok na harapin ang hamon ng kompetisyon nang may tapang at integridad at maging tapat sa ginagawang tungkulin bilang mamamahayag — ibigay ang totoo at pawang katotohanan lamang.
Pinangunahan naman ang pagsasanay ng mga g**o na sina Gng. Virginia Papilleras, Gng. Lera Florendo, Gng. Krissa Paculan, at Gng. Melanie Bation.
Inaasahan na ang pagsasanay na ito ay maghahanda sa mga mamamahayag ng NSF para sa matagumpay na pakikilahok sa DSPC.
✒️| John Radaza
📷| Princess Claire Mangco