Buhay Kursilista

Buhay Kursilista Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Buhay Kursilista, TV Channel, CURSILLO, Navotas.

KAGANAPAN SA NANGYARING PA KLASE NG TAHANAN NG MABUTING PASTOL CURSILLO TEAM SA PANGUNGUNA NANG ATING PUNONG MAMAMANDAY ...
31/07/2026

KAGANAPAN SA NANGYARING PA KLASE NG TAHANAN NG MABUTING PASTOL CURSILLO TEAM SA PANGUNGUNA NANG ATING PUNONG MAMAMANDAY RECTORA SIS MARIZZA Assiram Codilla De colores

29/07/2026

"Tawagin mo Ako kapag ikaw ay nanghihina. Lumapit ka sa Akin, at bibigyan kita ng lakas. Hindi kita iiwan sa oras ng iyong kahinaan Kapatid, nanghihina ka na ba? May mga taong nanghihina, pero patuloy pa ring lumalaban dahil ang Diyos ang kanilang lakas.



KAPATID NA KURSILISTA Minsan ka na rin bang tahimik na umupo sa harap nito, habang ang puso mo ay punong-puno ng bigat? ...
29/07/2026

KAPATID NA KURSILISTA
Minsan ka na rin bang tahimik na umupo sa harap nito, habang ang puso mo ay punong-puno ng bigat? Hindi mo alam kung saan magsisimula, pero sapat na ang iyong paglapit dahil alam mong naroon ang Panginoon.
Minsan ka na rin bang napaluha? Hindi dahil may nakakita, kundi dahil naramdaman mong mahal ka pa rin ng Diyos sa kabila ng iyong mga pagkukulang.
Minsan ka na rin bang nagsambit ng mga salitang, "Panginoon, patawad." Hindi dahil perpekto ka, kundi dahil kinilala mong kailangan mo ang Kanyang awa at pagmamahal.
Minsan ka na rin bang napagod sa paglalakbay ng buhay? Napagod sa mga pagsubok, sa mga kabiguan, at sa mga kasalanang paulit-ulit mong pinagsisisihan? At sa gitna ng lahat ng iyon, ang una mong naisip ay lumapit sa Tabernakulo sa Kursilyo, sapagkat alam mong doon ay may naghihintay na Panginoong handang makinig, umunawa, at muling palakasin ang iyong pananampalataya.
Ang Tabernakulo sa Kursilyo ay paalala na sa bawat Kapatid na lumalapit nang may kababaang-loob, may Diyos na laging handang tumanggap. Hindi Niya hinihintay ang taong perpekto; hinihintay Niya ang pusong handang magbalik-loob.
Kaya kung ikaw ay pagod, lumapit ka. Kung ikaw ay naliligaw, lumapit ka. Kung ikaw ay nasaktan, lumapit ka. Kung ikaw ay nagkasala, lumapit ka.
Sapagkat sa bawat paglapit sa Tabernakulo sa Kursilyo, hindi lamang katahimikan ang iyong matatagpuan, kundi ang presensya ng Panginoon na nagbibigay ng pag-asa, kapatawaran, at panibagong lakas upang magpatuloy sa iyong paglalakbay bilang Kristiyano.
Ang Kursilyo ay tanggapan ng taong makasalanan. De Colores!🌈




Isama po NATIN sa ATING mga panalangin ang NALALAPIT na pa klase nang Holy spirit cursillo team sa pamumuno at sa tatayo...
21/07/2026

Isama po NATIN sa ATING mga panalangin ang NALALAPIT na pa klase nang Holy spirit cursillo team sa pamumuno at sa tatayong PUNONG MAMAMANDAY BRO Marvin bendejo
Na gaganapin sa July 30- august 2 klase nang kalalakihan

πŸ“£ PAANYAYA SA LAHAT NG MGA KURSILISTA NI LOLO ENTENG! πŸ’™πŸ’›Mga kapatid, sama-sama nating ipagdiwang ang ating pananampalata...
07/07/2026

πŸ“£ PAANYAYA SA LAHAT NG MGA KURSILISTA NI LOLO ENTENG! πŸ’™πŸ’›

Mga kapatid, sama-sama nating ipagdiwang ang ating pananampalataya at pagkakapatiran sa Diocesan Grand Ultreya 2026 sa San Pedro Astrodome, Pacita Complex 1 ngayong Hulyo 11, 2026 (Sabado)!

🎟️ Makipag-ugnayan para sa inyong ticket kina: πŸ”Ή Sis. Mary Grace Perez
πŸ”Ή Bro. Frederick Teston

🚌 LIBRE na ang sasakyan papunta at pabalik! Maraming salamat sa kabutihan at suporta ng ating Pangulo, Bro. Gilbert Barrera, para sa libreng transportasyon.

πŸ“ Assembly Area: Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer de Mamatid
πŸ•  Oras: 5:30 ng umaga

Halina at muli nating damhin ang saya ng pagkikita-kita bilang isang pamilya ng Cursillo. Dalhin ang inyong sigla, ngiti, at pusong handang maglingkod sa Panginoon.

Kita-kits, mga Kapatid! πŸ’™πŸ’›
De Colores! 🌈✝️

"KAIBIGAN TARA NA AT MAG CURSILLO!!!Kung ikaw ay  Roman Catholic at 18 taong gulang pataas, inaanyayahan ka naming magin...
06/07/2026

"KAIBIGAN TARA NA AT MAG CURSILLO!!!

Kung ikaw ay Roman Catholic at 18 taong gulang pataas, inaanyayahan ka naming maging bahagi ng Cursillo Class for Men Class #52.

Halina at maranasan ang isang weekend na punong puno ng tawanan, kantahan, sayawan, pananampalataya, pagkakaibigan, at mas malalim na pakikipagtagpo kay Kristo.

Walang registration fee. Walang babayaran. Ang kailangan mo lamang ay isang pusong handang tumugon sa paanyaya ng Diyos.

Ano pa ang hinihintay mo Imessage mo na si bro Lem Moralina

De colores po

Mapagpalang araw po sa ating lahat! Malugod po kayong  inaanyayahan ang lahat ng kababaihang edad 17 taong gulang pataas...
05/07/2026

Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Malugod po kayong inaanyayahan ang lahat ng kababaihang edad 17 taong gulang pataas na nagnanais makaranas ng isang makabuluhang Cursillo.
πŸ“… Petsa: July 30 – August 2
πŸ“ Lugar: St. Peter Cursillo and Formation Center
Ang magiging Rectora ng Cursillo ay si Sis. Marissa Codilla.
Halina at maranasan ang mas malalim na pakikipagtagpo sa Panginoon, pagpapatibay ng pananampalataya, at pakikiisa sa ating pamayanang Kristiyano.
Sa ilalim ng bandila ng: TAHANAN NG MABUTING PASTOL CURSILLO TEAM
Inaasahan ka ni kristo! πŸ’—

πŸ“– CURSILLO TRIVIA | St. Gaspar Bertoni Seminary CenterAlam mo ba?Ang St. Gaspar Bertoni Seminary Center ay ipinangalan k...
02/07/2026

πŸ“– CURSILLO TRIVIA | St. Gaspar Bertoni Seminary Center
Alam mo ba?
Ang St. Gaspar Bertoni Seminary Center ay ipinangalan kay San Gaspar Bertoni, ang nagtatag ng Congregation of the Sacred Stigmata of Our Lord Jesus Christ (Stigmatines). Ang kanyang misyon ay ang paghubog ng mga lingkod ng Simbahan at pagpapalalim ng pananampalataya.
Ang seminary center na ito ay nagsisilbi ring venue ng iba't ibang spiritual formation, retreats, recollections, at mga Cursillo weekends, kung saan maraming kalalakihan at kababaihan ang nagkakaroon ng mas malalim na personal na pakikipagtagpo kay Kristo at nahihikayat na mamuhay bilang tunay na Kristiyano.
"Ang Cursillo ay hindi lamang tatlong araw ng pagninilayβ€”ito ay simula ng isang buhay na nakatuon sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa." at dahil narin sa PAGtataguyod ng CURSILLO IMUS CAVITE SECRETARIAT ay patuloy na lumaganap Ang kursilyo
De Colores! πŸ’›β€οΈπŸ’™



πŸ“– CURSILLO TRIVIA | San Luis, PampangaAlam mo ba? Ang Cursillo Movement ay isang kilusang Katoliko na naglalayong palali...
02/07/2026

πŸ“– CURSILLO TRIVIA | San Luis, Pampanga
Alam mo ba? Ang Cursillo Movement ay isang kilusang Katoliko na naglalayong palalimin ang pananampalataya at hikayatin ang mga Kristiyano na mamuhay bilang tunay na alagad ni Kristo sa kanilang pamilya, trabaho, at pamayanan.
Sa San Luis, Pampanga, ang Cursillo Formation ay nagsisilbing lugar ng paghubog sa pananampalataya sa pamamagitan ng panala
ngin, pag-aaral ng Salita ng Diyos, at pagkakapatiran. Dito, maraming deboto at layko ang patuloy na lumalago sa kanilang espirituwal na buhay at paglilingkod sa Simbahan.
"Hindi nagtatapos ang Cursillo sa tatlong arawβ€”dito nagsisimula ang isang buhay na nakalaan para kay Kristo."
De Colores! πŸ’›β€οΈπŸ’™



πŸ“– ALAM MO BA? | KABISIG NI KRISTO RETREAT HOUSEAlam mo ba na ang Kabisig ni Kristo Retreat House ay isa sa mga kilalang ...
02/07/2026

πŸ“– ALAM MO BA? | KABISIG NI KRISTO RETREAT HOUSE
Alam mo ba na ang Kabisig ni Kristo Retreat House ay isa sa mga kilalang lugar ng pagninilay at espirituwal na paghubog sa Lungsod ng Malolos, Bulacan?
Dito idinaraos ang iba't ibang Catholic retreats, recollections, seminars, at spiritual formation para sa mga kabataan, pamilya, layko, at mga samahan sa Simbahan. Dahil sa tahimik at mapayapang kapaligiran nito, maraming deboto at mananampalataya ang pinipiling maglaan ng panahon upang mapalalim ang kanilang pananampalataya at mas mapalapit sa Diyos.
πŸ“ Matatagpuan ito sa: brgy Niugan Malolos, Bulacan
"Minsan, ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa isang tahimik na sandali kasama ang Panginoon."
πŸ™ Share this trivia at ipagdasal natin ang lahat ng mga kaluluwang papasok palang nang kursilyo Hanggang Ngayon nag operate parin po Ang kabisig ni kristo

Comment mo Naman naging experience mo diyan kapadit DE COLORES 🌈



Address

CURSILLO
Navotas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buhay Kursilista posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share