
20/05/2025
‼️PARA SA MGA MAGULANG NA PURO CELLPHONE‼️
Isang g**o ang abala sa pagche-check ng mga assignment ng kanyang mga estudyante.
Samantala, ang kanyang asawa ay paikot-ikot lang sa bahay habang nakatutok sa kanyang cellphone, nilalaro ang paborito niyang mobile game.
Pagdating ng teacher sa huling papel, tahimik siyang napaiyak.
Napansin ito ng kanyang asawa at nagtanong:
— Bakit, anong nangyari?
Sumagot ang g**o:
— Kahapon, pinagsulat ko ang mga estudyante ng sanaysay na may pamagat na: "MY WISH."
Sabi ng asawa:
— Okay, pero bakit ka umiiyak?
Pinipigilan ang pagluha luha, sinabi ng teacher:
— Habang binabasa ko ‘yung last paper, hindi ko mapigilang maiyak.
Curious ang asawa:
— Anong nakasulat na gano’n kasakit?
Nagsimulang magbasa ang teacher:
"Ang hiling ko ay maging isang cellphone. Mahal na mahal ng mga magulang ko ang kanilang cellphone. Inaalagaan nila ito nang mabuti, minsan nakakalimutan na nilang alagaan ako. Pag-uwi ng tatay ko galing trabaho, may oras siya sa cellphone niya, pero wala para sa akin.
Kapag may ginagawa ang nanay at tatay ko tapos may tumawag sa cellphone, agad nila ‘yong sinasagot— pero kapag ako ang umiiyak, hindi nila agad pinapansin. Naglalaro sila gamit ang cellphone, pero hindi nila ako kalaro. Kapag may kausap sila sa cellphone, hindi nila ako pinakikinggan kahit importante ang sinasabi ko. Kaya ang wish ko ay maging isang cellphone."
Pagkatapos marinig ang mga salitang ito, labis na naantig ang asawa at nagtanong:
— Sino ang sumulat niyan?
Puno ng luha ang mga mata ng g**o habang sumagot:
— ANAK NATIN.
Mga magulang, tandaan natin ito:
Ang mga gadget ay ginawa para mapadali ang buhay natin— hindi para palitan ang pagmamahal natin sa pamilya. Nakikita at nararamdaman ng mga bata ang lahat sa paligid nila. Ang mga karanasan nila ang huhubog sa pag-iisip at damdamin nila habang lumalaki. Alagaan natin sila, upang lumaki silang may tamang pagpapahalaga at hindi naghahanap ng pagmamahal sa maling paraan.
Micai Grace