27/06/2025
DONASYONG AKLAT PARA SA MONSAY COMMUNITY LIBRARY.
Ikinalulugod po ng Kapatiran ng mga Mamamahayag sa Pilipinas at PCQC Professional Sector na pinamumunuan ni Sector Representative Rjhay E. Laurea na maging daan para maiparating sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Ramon Magsaysay, QC ang mga aklat na mula sa QC LGU sa pamamagitan ng QC Public Library. Maraming salamat Mayor Joy Belmonte at sa buong QCPL sa pagtugon sa aming request. Salamat din kay Rotary Club of Pearl of the Orient President Lilibeth Camposano na tumulong sa pag-transport ng mga aklat mula sa QCPL patungo sa SK Office ng Barangay Ramon Magsaysay.