Abdulmohaymin P.Jacobo Dawah Tv

Abdulmohaymin P.Jacobo Dawah Tv PREACHING WHAT IS ISLAM

21/07/2025
June 2025
21/07/2025

June 2025

May 2025
21/07/2025

May 2025

April 2025
21/07/2025

April 2025

March 31, 2025  : Eidl Fitr 2025
21/07/2025

March 31, 2025 : Eidl Fitr 2025

21/07/2025
21/07/2025

GANTIMPALA NG BABAENG MABUTING ASAWA

Kung ang pagsuway ng babae sa kanyang asawa ay mabigat na kasalanang maaari nitong ikabagsak sa Impiyerno ay itinuturing din ang kanyang pagiging mabuting asawa bilang dakilang pagsamba na may malaking gantimpala.

Sa madaling salita; ang lalaki ang Impiyerno o Paraiso ng babae.

Sinabi ng Propeta ﷺ:
❞ أيُّما امرأةٍ ماتت وزوجها عنها راضٍ دخلت الجنة ❝ رواه الترمذي وصححه الألباني

❝Sinuman ang babaeng namatay habang nalulugod sa kanya ang kanyang asawa (mister) ay papasok sa Paraiso.❞ [Isinalaysay ni Tirmidhie]

Kanya pang sinabi ﷺ:
❞ إذا صلَّتِ المرأةُ خَمْسَها ، و صامَت شهرَها ، و حصَّنَتْ فرجَها ، وأطاعَت زوجَها ، قيلَ لها : ادخُلي الجنَّةَ مِن أيِّ أبوابِ الجنَّةِ شِئتِ ❝ رواه الإمام أحمد وابن حبان وحسنه السخاوي ، وصححه الألباني

❝Kapag ang babae ay nagdasal ng limang beses (araw araw), at nag ayumo sa buwan ng Ramadhân, at pingalagahan ang sarili mula sa pangangalunya, at naging masunurin sa kanyang asawa (mister), ay sasabihin sa kanya sa kabilang buhay na: Pumasok ka sa Paraiso, mula sa alin mang pinto nito na iyong nanaisin.❞ [Isinalaysay ni Imam Ahmad at ni Ibn Hibban]

At may nagtanong sa Propeta ﷺ:
أيُّ النساءِ خيرٌ ؟ قال : ❞ التي تسرُّه إذا نظر ، وتطيعُه إذا أمر ، ولا تخالفُه في نفسِها ومالها بما يكره ❝ رواه النسائي والإمام أحمد وصححه الألباني

Ano ang pinakamabuting babae? Sabi niya: ❝Ang babaeng nagiging masaya ang kanyang asawa kapag siya ay tiningnan, at sumusunod sa kanya kapag siya ay inutusan, at hindi siya gumagawa sa kanyang sarili at kayamanan ng hindi magugustuhan ng kanyang asawa kapag siya ay malayo.❞ [Isinalaysay ni An-Nasaie at ni Imam Ahmad]

Kanya ring sinabi ﷺ:
❞ نِساؤُكُمْ من أهلِ الجنةِ الوَدُودُ الوَلودُ العؤودُ على زوجِها ، التي إذا غَضِبَ جاءتْ حتى تَضَعَ يَدَها في يَدِ زَوْجِها ، وتقولُ : لا أَذُوقُ غَمْضًا حتى تَرْضَى ❝ رواه النسائي في عشرة النساء ، وابن أبي الدنيا في العيال ، وصححه الألباني

❝Ang makakapasok sa Paraiso sa inyong mga asawang babae ay ang malalambing na madalas nanganganak (hindi ang babaeng ayaw magpabuntis), at ang laging may pakinabang para sa kanyang asawa, at kapag nagalit ang kanyang asawa ay kanya itong sinusuyo at hinahawakan ang kanyang mga kamay at sinasabing: Hindi na ako matutulog hangga’t hindi ka nalulugod (nagpatawad) sa akin.❞ [Isinalaysay ni An-Nasaie at ni Ibn Abid-Dunya]

Ito ang mga babaeng kinalulugdan ng Allâh, at papasok sa Paraiso mula sa alin mang pinto na kanilang nanaisin, at ipinag-utos ng Propeta ﷺ ang pagiging mabuti sa kanila.

Kanyang sinabi ﷺ:
❞ اسْتَوْصُوا بالنِّساءِ خَيْرًا ❝ رواه البخاري ومسلم

❝Ipangaral ninyo sa bawat isa (at inyong isagawa) ang pagiging mabuti sa mga babae.❞ [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim]

📚Sinulat ni Dr. Muhd-Ata Abdulkarim (hafidhahullâh)

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

Address

Midsayap
North Cotabato

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Abdulmohaymin P.Jacobo Dawah Tv posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share