13/05/2025
Story time๐ฅบ
Bilang isang taong may kapansanan, hindi madali para sa amin ang buhay na ito.
Ngunit wala kaming magawa kundi tanggapin na lamang ito at magpapasalamat sa Diyos na kahit papaano ay nabubuhay pa kami. Maswerte kayo dahil kayo ay normal, maswerte kayo dahil hind kayo nakakaramdam ng inggit sa iba sa bawat Oras, araw...at nagagawa niyo ang lahat ng gusto ninyo. Samantalang kami, may mga limitasyon sa lahat ng bagay.
"Huwag ninyo kaming huhusgahan, tulad ko, dahil kung alam niyo lang, sobrang hirap nito.
Hind niyo ba na iisip paano kaya naming nakokontrol ang aming sarili kapag may mga taong nambubully sa amin? Paano naming natatanggap ang masasakit na salita na kanilang sinasabi? May mga taong hindi nakakayanan ang ganitong mga sitwasyon kaya't nagdudulot ito ng pag-iisip na tapusin na lamang ang kanilang buhay. Dahil hindi nila nakokontrol ang kanilang sarili kaya't napag-iisipan nilang sirain na lamang ang kanilang buhay dahil sa tingin nila ay wala silang saysay sa mundong ito.... At kaya nila nagagawa yun dahil sa mga taong mapang husga ๐ญ
"Subukan niyo kaya ilagay ang inyong sarili sa aming kalagayan. Sa tingin niyo ba kakayanin niyo ba lahat ng ito? Sigurado na hind, sigurado na isa kana sa mga taong mas pinili na lang nila sirahin ang kanilang buhay sa sobrang hirap ng kanilang pinag dadaanan,,, isipin mo Yung halos lahat ng naririnig mo ay pangungutya at , pagtawanan ka kahit saan ka magpunta? Dagdag pa rito ang katawan mong kailangan mong ingatan dahil isang pagkakamali mo lamang ay maaring makaka-apekto na sa iyo. Isang pagkakamali lamang, nabali na ang buto ng katawan mo... Idagdag mo pa na may mga bagay kang gusto gawin pero hindi mo magagawa dahil kailangan mong mag-ingat sa katawan mong parang plastic. Mabuti pa ang plastic, matibay..
"Kaya pakiusap, huwag ninyo kaming huhusgahan. Kung ikaw ang may kapansanan, makakaya mo ba ito? Hindi ka ba maiinip sa halos wala kamg puwedeng gawin?..