Ma'ama Mitch

Ma'ama Mitch Wife. Motherhood. Parenting. Working Mom Journey. Breastfeeding Mom. Believes in God.

Story time: Medyo mahaba ito, kayo na bahala kung gusto nyo tapusin😂Hindi ko inakala na makakaabot ako sa ganitong layo ...
15/03/2025

Story time: Medyo mahaba ito, kayo na bahala kung gusto nyo tapusin😂

Hindi ko inakala na makakaabot ako sa ganitong layo ng aking karera. Sa iba ay parang OA hindi naman malayo ang narating ko, pero para sa akin napakalaking pagbabago sa buhay namin ito. Sa mga nakakilala sa akin simula pagka bata ko at sa aking pamilya, masasabing wala po talaga kami o "mahirap/kapos". Ang nanay ko ay manikurista at ang tatay ko naman ay isang driver, na kung minsan naghahanap ng mapagmamanehuhan. Hindi talaga sapat sa amin ang kanilang kinikita, madalas pa ay maraming nakatira sa amin. Dahil mababait ang aking mga magulang halos hindi sila tumatanggi kung sino man ang kumatok at humingi ng konting tulong nila. Kahit wala na kami ay pilit nilang ginagawan ng paraan para magkasya ang pagkain namin. Samakatuwid, bata pa lang ako namulat ako na hindi biro ang buhay, kasi alam kong nahihirapan ang magulang ko. Gusto kong kumain ng masarap, makanood ng tv, magkaroon ng kalan, magkagripo at maayos na tirahan. Sabi ko sa sarili ko paano ko gagawin yun eh ang liit ko pa? At sa murang edad, natuto kaming maghanap-buhay, gaya ng paglalako ng kung anu anong merienda, pangangalakal, pagtitinda ng plastic sa bayan at marami pang iba. Hanggang dumating sa buhay namin ang lola Felisa, ang nanay ng tatay ko. Pinakilala niya ang Panginoon sa buhay namin. Dinisiplina niya kami, kahit mahirap kami lagi niya sinasabi na mag-aral kami ng mabuti at magkaroon ng takot sa Dios.

Dinala kami ni lola sa simbahan at doon natuto kami ng salita ng Dios at parang nagkaroon ako ng liwanag na sabi niya basta maniwala at sumunod ka sa kanya ay walang imposible bibiyayaan ka niya. Kaya ginawa ko ang kalooban niya, nag-aral ako ng mabuti kahit hindi naman ako matalino. Sabi ko wala kami pampaaral sa kolehiyo kaya nagsikap ako na mapataas ang grado ko para makakuha ng scholarship sa isang college. At marunong ang Dios, may taong tumulong sa amin na hanggang ngayon ay talagang blessing siya saa buhay namin. At kahit nasa college na ako nagtitinda pa rin ako ng kung anu-ano, inaakyat ko ang mga punong tanim ni papa ko gaya ng bayabas, sampalok, santol, mangga at kaimito tapos irerepack ko yan at ibebenta ko sa mga kaklase ko para may baon ako at pang project. Madalas ang baon ko papunta lang ng school bahala na ako dumiskarte pabalik hahahha ang lakas ng loob. Gusto ko talaga makapagtapos ng pag-aaral kasi alam ko na yun ang susi para kahit papaano maiba naman ang buhay namin. Lagi rin kasi kami walang kuryente laging napuputulan hayyyy ang hirap mag-aral kasi pati problema ng pamilya apektado ka.

Alam ko na marami naman talaga ang kapareho ko na dumanas rin ng hirap sa buhay, pero yung iba iba kung paano mo nalagpasan kahit papaano ang mga pagsubok ay talagang masasabing TAGUMPAY.

Ako yung nangarap ng tahimik noon bilang isang bata na nakakaranas na madalas walang baon sa pagpasok sa paaralan, butas ang tisinelas, pinapautang ng grade 1 teacher ko ng p**o seko shout out po kay Ma'am Ibarra hindi po kita malilimutan, yung mag-iigib muna bago pumasok sa school kasama ang mga pinsan ko na kasama rin namin sa bahay. Sa kabila niyan ay masaya naman ang kabataan ko kasi kahit mahirap kami noon kasama ko yung mga pinsan namin na kalaro namin kahit marami kaming trabaho, lalo na kapag naglalaba kami sa ilog grabe ang dami namin labahin pero ok lang kasi sabay laro na rin kami 😂

Actually, marami talagang kwento na sa ngayon kaya ko na lang tawanan kasi nalagpasan ko na iyon. Kasi noon madalas umiiyak ako eh.. pero salamat sa Panginoon binigyan niya ako ng wisdom para matutununan ang bagay na importante na makapag-aral at tapusin. Ipagkatiwala mo lang ang lahat sa kanya lalo na ang mga taong nasa paligid mo dahil gagamitin yan ni Lord para maabot mo ang pangarap mo sa buhay, mahalaga yung sa makatotohanan lang.

At fast forward, ito na nga po 10 years na po tayo sa serbisyo sa DepEd. May mga dapat pa tayo gawin para mas ibahagi pa ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan ngayon. Kaya hiling ko sa Dios na bigyan pa ako ng lakas, talino at pagtitiyaga .

Sa mga kabataan dyan, sana kahit papaano ay maging inspirasyon ang kwentong ito, na hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral, maging mabuti ka lamang na tao, tanggapin ang Dios sa buhay mo, mahalin ang magulang mo, gumawa ng paraan para financially maka survive ka. Walang imposible sa Dios, lagi kang manalangin ipagkakaloob ni Lord ang pinaka the BEST para sa iyo.

Actually, konti lang talaga to hehhehe short cut po ito hahhaha😂



'amMitch

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard!Josephine Lita, Charlene Lineses
15/03/2025

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard!

Josephine Lita, Charlene Lineses

Address

Quezon City

Telephone

+639565613127

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ma'ama Mitch posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ma'ama Mitch:

Share