05/12/2022
I really love her stories, dahil sa stories niya mas naging mulat ako sa mga bagay bagay tungkol sa mga ito na nagagamit ko na rin sa pag-aaral, tulad nito. Mas naging malawak ang isipan ko sa mga ideya na nagagamit ko rin sa mga essays at iba pang sulatin. At nag simula ito sa isang bagay.
Isang araw nagising nalamang ako na nahilig na ako sa anime. Actually, dahil dito, mas naging matured ako at na explore sa iba't-ibang bagay. Nahilig akong magbasa ng fanfiction hanggang sa napadpad na rin ako sa mundo ng wattpad, at doon ko na nga nabasa ang nobela niya. Ang "I Love You Since 1892" ni Binibining Mia, kakaiba ito sa mga fanfictions na nabasa ko, kaya naman pinag patuloy ko ang pagbasa rito. Dahil dito, nagawa ko ring mas mahalin ang nakaraan at magkaroon ng kaalaman sa history ng ating bansa. Hanggang sa sunod sunod ko nang binasa ang lahat ng mga nobela niya. Nagsilbi itong inspirasyon at libangan sa akin, nagawa ko ring ma-isulat ng mas maayos ang kwentong nagagawa ko sa aking isipan. Kaya naman patuloy akong magbabasa at kukuha ng mga aral at inspirasyon sa mga babasahing aking binabasa.
Dito nag simula ang lahat, ngunit hindi ito magtatapos dahil ang bawat kwento ay mananatili sa aking puso at isipan.