Batang Singko

Batang Singko Netizens

Congratulations mga Batang Singko!
22/09/2025

Congratulations mga Batang Singko!

22/09/2025

Agbiag Batang Singko!

Nagsimula sa isang simpleng jogging mula Pasuquin hanggang Nueva Era, napadpad sa isang komunidad, ang Barangay ng Sto. ...
13/09/2025

Nagsimula sa isang simpleng jogging mula Pasuquin hanggang Nueva Era, napadpad sa isang komunidad, ang Barangay ng Sto. Niño. Dito nagsimula ang isang magandang pagkakaibigan mula sa mga taong di naman magkakilala pero naging close sa bawat isa. "KARKARNA", isang salitang Ilocano na ang ibig sabihin sa Ingles ay "Stranger". Stranger mang maituturing pero siya'y "Good Stranger" para sa amin. Karkarna man kung tawagin, pero siya'y isang taong may malaking puso at walang sawang pagmamahal sa kapwa - ito si Sir Rejinald. Hindi lamang niya ipinakita ang kanyang tagumpay sa kanyang larangan, kundi pati na rin sa paraan ng kanyang pakikitungo sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Sir Rejinald Gavino, is a visionary entrepreneur and compassionate businessman with a heart of gold. Beyond his remarkable achievements, he has a profound passion for serving others. Hailing from Laoag, together with his dedicated team, the Mr. MEATSHOP crew, comprised of Francis Jake Pamittan, Jaspher Ramienta, Wally Castillo, Elison Yanus Bern, Cluods King Ace Sales, Rodolfo Ian Benjamin, Emil Bryan Menises, and Mark Shane Magno, they've been instrumental in conducting life-changing outreach programs. These initiatives not only bring hope and joy but also tangible support to those in need, embodying the true spirit of giving and kindness. With every smile, every helping hand, and every act of generosity, they inspire a ripple effect of compassion and empathy that touches hearts and transforms lives. Insert and shout out to Apalin Magno ang puno't dulo ng lahat.

Kahapon, sa isang makabuluhang pagdiriwang, ipinagdiwang ni Sir Reji ang kanyang kaarawan kasama ang mga Batang Singko at ng mga mag aaral ng Santo Nino Elementary School. Sa kanyang walang sawang pagmamahal sa mga kabataan, hindi lamang niya pinagsikapan maghanda ng mga regalo, kundi pati na rin dinala ang ligaya at saya ng grupo ng McDonald's upang bigyan ng masayang karanasan ang mga batang hindi pa nakakaranas kumain sa mga fast food restaurant. Ang buong selebrasyon ay puno ng tuwa, halakhak, at saya na hindi malilimutan. Sa espesyal na araw na ito, pinili mong makasama kami, at dito namin nakita ang iyong tunay na puso para sa mga bata.

"Tears of joy," ang sambit ng marami. Sa iyong mga saksi, kita namin ang galak at tuwa sa iyong mga nakita. Tunay ngang ang pagdiriwang na ito ay isang patunay ng kanyang malasakit at pagmamahal sa kapwa. Patunay na ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa mga nakamit, kundi pati na rin sa mga nagawang mabuti para sa iba. Isa kang inspirasyon sa mga Batang Singko at sa maraming kabataan. Hindi mo kami kaano ano, pero tinanggap mo po kami ng buong buo. Salamat sa iyong kabutihan, Sir Rejinald! MABUHAY PO KAYO. 🙏🫡

Address

Brgy. Sto. Niño
Nueva Era
2909

Telephone

+639555285260

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batang Singko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share