Ang Tambuli l Ang Opisyal na Pahayagan ng Villaros ES

Ang Tambuli
l Ang Opisyal na Pahayagan ng Villaros ES Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Tambuli
l Ang Opisyal na Pahayagan ng Villaros ES, Newspaper, Villaros, Bagabag, Nueva Vizcaya.

18/11/2024
๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” || ๐—–๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ      ๐——๐—ฆ๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ Nakapuwesto ang dalawang mag-aaral ng Villaros Elementary...
10/11/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” || ๐—–๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฆ๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ

Nakapuwesto ang dalawang mag-aaral ng Villaros Elementary School sa katatapos na Division Schools Press Conference (DSPC) 2024 na ginanap sa Bagabag Central School, Ika - 9 ng Nobyembre.

Si Althea Nicole D. Casile ay nagwagi sa Photojournalism (English Category) na nagkamit ng Ika -8 puwesto, sa gabay ng kanyang tagapagsanay na si Melvin R. Jallorina, habang si Janella Mae T. Supresencia ay nakamit ang ika-6 na puwesto sa Copy Reading at Headline Writing (Filipino Category) sa ilalim ng pagsasanay ni Pantaleon M. Cadeliรฑa Jr.

Ayon kay G. Melvin R. Jallorina, ang tagapagsanay ni Casile, "Ang tagumpay ni Althea ay bunga ng kanyang sipag at pagsusumikap. Ipinakita niya ang kanyang galing at dedikasyon sa kanyang larangan." Samantalang si G. Pantaleon M. Cadeliรฑa Jr., ang tagapagsanay ni Supresencia, ay nagsabi, "Si Janella ay isang modelong mag-aaral. Ang kanyang tagumpay ay patunay na ang determinasyon ay nagbubunga ng magagandang resulta."

Si Casile at Supresencia ay nagpakita ng kahusayan sa kanilang mga kategorya, at sa kabila ng mga hamon, ipinamalas nila ang kanilang galing. Ang kanilang tagumpay ay isang patunay na ang pagsusumikap at tamang paggabay ay nagdadala ng tagumpay.

Ang buong Villaros ES ay nagbunyi sa kanilang tagumpay, at ang kanilang School Paper Adviser na si G. Pantaleon M. Cadeliรฑa Jr. ay nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa mga mag-aaral. "Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang tagumpay ng mga estudyante, kundi ng buong paaralan at distrito," ani G. Cadeliรฑa.

School Head: Agnes B. Abon
School Paper Publication: Ang Tambuli
l Ang Opisyal na Pahayagan ng Villaros ES

๐Ÿฅฐ,๐Ÿซถโค๏ธ


๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”||  ๐—”๐—ป๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฉ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐˜€ ๐—˜๐—ฆ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฆ๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฐIdinaos ang Division Schools Press Co...
10/11/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”|| ๐—”๐—ป๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฉ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐˜€ ๐—˜๐—ฆ, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฆ๐—ฃ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ

Idinaos ang Division Schools Press Conference (DSPC) 2024 sa Bagabag Central School, kung saan ipinamalas ng mga kabataang mamamahayag ang kanilang husay sa larangan ng pamamahayag,
Ika -9 ng Nobyembre.

Kabilang sa mga kalahok mula sa Villaros ES ang mga sumusunod na mag-aaral na masiglang nakibahagi sa Filipino at English na kategorya:

๐Ÿ“Œ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐—ฟ๐˜†

โœ’๏ธNews Writing: Kim Stefanie B. Barbieto
Coach: Geraldine S. Casareno

โœ’๏ธSports Writing: Paulyn Joyce A. Balut
Rhea Marie B. Sarenas
Coach: Melvin R. Jallorina

โœ’๏ธScience and Technology Writing: Jesus Felix A. Villaruz III
Coach: Pantaleon M. Cadeliรฑa Jr.

โœ’๏ธCopy Reading and Headline Writing: Janella Mae
T. Supresencia
Coach: Pantaleon M. Cadeliรฑa Jr.

๐—˜๐—ป๐—ด๐—น๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐—ฟ๐˜†

โœ’๏ธPhotojournalism: Althea Nicole D. Casile
Coach : Melvin R. Jallorina

Ang mga batang mamamahayag na ito ay buong pusong lumaban at ipinakita ang kanilang mga kakayahan at galing sa kani-kanilang mga larangan. Ang kanilang dedikasyon at sipag ay nagbigay ng karangalan sa Villaros Elementary School.

Isang pagbati para sa kanilang tagumpay at pagsisikap! Ipinagmamalaki namin kayo!๐Ÿ˜‡โค๏ธ๐Ÿฅฐ๐Ÿคžโ˜๏ธ

School Paper Adviser: Pantaleon M. Cadeliรฑa Jr.
School Head: Agnes B. Abon
School paper Publication: Ang Tambuli

Ang Tambuli
l Ang Opisyal na Pahayagan ng Villaros ES


๐‰๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ž ๐ƒ. ๐Œ๐ข๐ง๐š, ๐Š๐š๐ฆ๐ฉ๐ž๐จ๐ง!Isang malugod na pagbati at karangalan ang natamo ng Villaros Elementary School matapos magtagu...
05/11/2024

๐‰๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ž ๐ƒ. ๐Œ๐ข๐ง๐š, ๐Š๐š๐ฆ๐ฉ๐ž๐จ๐ง!
Isang malugod na pagbati at karangalan ang natamo ng Villaros Elementary School matapos magtagumpay si Justine D. Mina sa kamakailang Map Reading competition, na ginanap ngayong araw sa Solano South Central Schhol, kung saan tinalo niya ang 20 kalahok mula sa iba't ibang paaralan. Si Justine, isang mag-aaral na kilala sa kanyang katalinuhan at masigasig na pag-aaral, ay pinarangalan bilang Champion sa kompetisyong ito na nagbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na ipakita ang kanilang kasanayan sa paggamit ng mga mapa at pag-unawa sa mga lokasyon.
Ang Map Reading competition ay isang pagsubok na naglalayong suriin ang kahusayan ng mga kalahok sa pagbasa at interpretasyon ng mga mapa. Kinailangan ng mga kalahok na matukoy ang mga mahahalagang detalye at gamit ng mapa. Sa kabila ng mahigpit na kompetisyon mula sa 21 iba pang kalahok, ipinamalas ni Justine ang kanyang galing sa mabilis at tamang pag-aapply ng mga teknik sa map reading, kayaโ€™t nakamit niya ang pinakamataas na pwesto.
"Walang katumbas ang saya na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko po in-expect na mananalo ako, pero dahil sa suporta ng aking coach at mga g**o, naging posible ito," ani Justine matapos tanggapin ang kanyang parangal. Ayon pa kay Justine, isang malaking bahagi ng kanyang tagumpay ang dedikasyon at gabay ng kanyang coach, si Geraldine Casareno, na siyang nagbigay sa kanya ng tamang kaalaman at estratehiya sa paghahanda para sa kompetisyon.
Si Coach Geraldine Casareno, na naging gabay at inspirasyon ni Justine, ay malugod na nagpahayag ng kanyang pasasalamat at ipinagmalaki ang tagumpay ng kanyang alaga. "Si Justine ay isang masigasig na mag-aaral. Ang kanyang tagumpay ay resulta ng hindi matitinag na pagsisikap at pagtutok sa detalye. Tuwang-tuwa ako para sa kanya at sa buong Villaros Elementary School," pahayag ni Coach Casareno.
Ang tagumpay ni Justine ay hindi lamang isang personal na pag-abot sa pangarap kundi isang patunay rin ng kahusayan ng Villaros Elementary School sa paghubog ng mga mag-aaral na may mataas na antas ng kaalaman at kasanayan. Ang kompetisyon ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang kay Justine kundi pati na rin sa kanyang mga kaklase at g**o na patuloy na nagsusulong ng edukasyon at pagsasanay sa mga kabataan.
Ang pagkapanalo ni Justine D. Mina ay isang hakbang patungo sa mas mataas na tagumpay, at patuloy na magsisilbing inspirasyon sa mga kabataan ng Villaros upang magsikap at magtagumpay sa kanilang mga layunin.
Isang maligayang pagbati kay Justine D. Mina at kay Coach Geraldine Casareno!

6 CJs, pasok sa DSPC 2024Malugod na binabati ang Campus Young Journalists ng Villaros Elementary School sa kanilang nata...
05/11/2024

6 CJs, pasok sa DSPC 2024

Malugod na binabati ang Campus Young Journalists ng Villaros Elementary School sa kanilang natatanging tagumpay sa 2024 District Press Conference na ginanap sa Tuao South Elementary School, Nobyembre 4.

Ang mga nagkamit ng mga estudyanteng mamamahayag na ito ay patunay ng kanilang masipag na pagtatrabaho, dedikasyon, at kasanayan sa pamamahayag.

Ang mga sumusunod ay ang kabuuang resulta na kanilang natamo sa Kategoryang Filipino:

Pagsulat ng Balita:
๐Ÿฅ‡ 1st Place: Kimberly Stefanie Barbieto
Tagapagsanay: Ma'am Geraldine S. Casareno

Pagsulat ng Lathalain:
Mga Kalahok: Mecaila D. Ignacio at Glanielle P. Capistrano
Tagapagsanay: Ma'am Irish T. Daus

Pagsulat ng Editoryal:
Kalahok: Rica B. Nool
Tagapagsanay: Ma'am Julienne Dianne T. Lobo

Editorial Cartooning:
Mga Kalahok: Jhun Mark G. Aplicador at Paul Dave D. Cabarteja
Tagapagsanay: Ma'am Julienne Dianne T. Lobo

Copy Reading and Headline Writing:
๐Ÿฅ‡ 1st Place: Janella Mae T. Supresencia
6๏ธโƒฃ 6th Place: John Rick D. Batalla
Tagapagsanay: Sir Pantaleon M. Cadeliรฑa Jr.

Pagsulat ng Agham at Teknolohiya:
๐Ÿฅ‡ 1st Place: Jesus Felix A. Villaruz
4๏ธโƒฃ 4th Place: Glai-jee M. Malunao
Kalahok: Zeruiah Napthalie Untalan
Tagapagsanay: Sir Pantaleon M. Cadeliรฑa Jr.

Pagsulat ng Kolum:
Kalahok: Christal Jane N. Jallorina
Tagapagsanay: Sir Melvin R. Jallorina

Photojournalism:
5๏ธโƒฃ 5th Place: Althea Nicole D. Castile
Tagapagsanay: Sir Melvin R. Jallorina

Sports Writing:
๐Ÿฅ‡ 1st Place: Paulyn Joyce A. Balut
๐Ÿฅˆ 2nd Place: Rhea Marie B. Sarenas
Tagapagsanay: Sir Melvin R. Jallorina

"Bilang coach,labis akong proud sa inyo, masiglang sinabi ni Mr. Pantaleon M.Cadeliรฑa, tagapagsanay sa larangan ng pamamahayag. "Ang inyong pagsisikap ay nagbunga, at ito ay dahil sa inyong determinasyon at pagsisikap", dagdag pa ninya.

"Salamat po Sir, talagang pinaghirapan namin ito", tugon ni Kim Stefanie B. Barbieto, nagkamit ng unang gantimpala sa pagsulat ng balita. "Sana ay patuloy pa kaming nakapagbigay ng magandang pangalan at gantimpala sa ating paaralan", dagdag pa ninya.

Sa kabuuan, ang Villaros Elementary School ay nagkamit ng ๐Ÿ† Overall 1st Runner-Up, na kinikilala ang kanilang husay sa larangan ng pamamahayag.

Ang mga Campus Young Journalists ng Villaros Elementary School ay masigasig na naghahanda para sa Division Level Schools Press Conference na gaganapin sa Bagabag Central School, Bagabag 1 District sa darating na Nobyembre 8.

Ang kanilang pagsusumikap at dedikasyon ay nagbigay inspirasyon hindi lamang sa kanilang mga tagasanay, kundi pati na rin sa kanilang mga kamag-aral at g**o. โ€œPara sa Villaros ES, ipagpatuloy ang tagumpay!โ€ sigaw ng lahat sa kanilang pagkakaisa.

โœ๏ธT News Team
๐Ÿ“ธNaibahaging mga larawan

๐•๐ข๐ฅ๐ฅ๐š๐ซ๐จ๐ฌ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ, ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐†๐ข๐ฅ๐š๐ฌ!Sa kamakailang 2024 ASEAN/ UNESCO, Peace Education and Comprehensive Sexua...
05/11/2024

๐•๐ข๐ฅ๐ฅ๐š๐ซ๐จ๐ฌ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ, ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐†๐ข๐ฅ๐š๐ฌ!

Sa kamakailang 2024 ASEAN/ UNESCO, Peace Education and Comprehensive Sexuality Information Drive cm APlympics na isinagawa sa Baretbet Elementary School noong ika-22 ng Oktubre,2024, nagpakita ng kahanga-hangang talento at dedikasyon ang mga mag-aaral mula sa Villaros Elementary School. Ang mga kalahok mula sa nasabing paaralan ay nag-uwi ng mga parangal at nagbigay ng karangalan.
Si John Michael Ocumen,isang mag-aaral mula sa unang baitang ay nagpasikat sa Adventure Challenge.Nagpakita rin ng husay si Kendra Aliyah Kindipan, na nakilahok sa Slogan Making na may temang โ€œBagong Pilipino sa Bagong Pilipinasโ€. Naglahad naman ng kanyang katalinuhan si Althea Nicole D. Casile sa Kasaysayan, Heograpiya at Kultura ng Pilipinas Quiz.

Si Justine D. Mina mula sa ikatlong baitang ay nagdala ng parangal nang makuha niya ang unang pwesto sa Map Reading.Sa kanyang galing sa pag-unawa ng mga mapa, ipinamalas ni Justine ang kahusayan at katalinuhan ng mga mag-aaral ng Villaros sa mga ganitong uri ng pagsubok.
Samantala, hindi rin pwedeng palampasin ang kontribusyon ni Mark James Paul Pagaling na nakamit ang 5th Place. Ang kaniyang malikhain at detalyadong kasuotan ay naging tampok sa kompetisyon.

Ang mga tagumpay na ito ay hindi lamang mga indibidwal na tagumpay, kundi isang patunay ng pagtutulungan at pagsusumikap ng buong paaralan upang mapabuti ang kanilang mga mag-aaral sa iba't ibang larangan. Ang Villaros Elementary School ay patuloy na magiging inspirasyon para sa mga kabataan at magulang na magsikap at magtagumpay sa lahat ng aspeto ng buhay.
Isang malaking congratulations sa mga mag-aaral ng Villaros Elementary School!
โœ๏ธT News Team
๐Ÿ“ธNaibahaging mga larawan

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก|| ALIS KUTO CAMPAIGNVILLAROS, BAGABAG, NUEVA VIZCAYA โ€“ Sa patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kalinisan at k...
18/10/2024

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก|| ALIS KUTO CAMPAIGN

VILLAROS, BAGABAG, NUEVA VIZCAYA โ€“ Sa patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng mga mag-aaral, isinagawa ng Department of Education (DepEd) Schools Division ng Nueva Vizcaya ang programang "Oplan Alis Kuto" sa Villaros Elementary School. Pinangunahan ito ng mga nurse ng dibisyon na sina Ma'am Sheila Zapata, Nurse II, at Ma'am Antoinette Garnace Ang-Calabon, Nurse I SNDP, Oktubre 16.

Ang nasabing programa ay naglalayong mabigyan ng tamang lunas ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 na mayroong problema sa kuto. Bukod dito, layunin din nitong mapalaganap ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng kalinisan sa pang-araw-araw na buhay. Namahagi sina Zapata at Garnace Ang-Calabon ng medicated shampoo at mga suklay, at personal nilang sinubaybayan ang wastong aplikasyon ng mga ito sa mga mag-aaral.

Ayon kay Ma'am Sheila Zapata, mahalaga ang programang ito hindi lamang sa pisikal na kalusugan ng mga bata kundi pati na rin sa kanilang kakayahang makapag-concentrate sa pag-aaral. Aniya, ang pagkakaroon ng kuto ay maaaring makaapekto sa pokus ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Bilang bahagi ng kampanya, tinalakay din ni Ma'am Antoinette Garnace Ang-Calabon ang mga pangunahing paksa ukol sa kalusugan, kabilang na ang National Drug Education Program (NDEP) at Adolescent Reproductive Health, sa mga mag-aaral ng Grade 5. Sa pamamagitan ng mga ganitong talakayan, natututo ang mga mag-aaral ng mga tamang impormasyon upang maging mas responsable sa kanilang mga desisyon habang sila ay lumalaki.

Buong puso namang nagpahayag ng pasasalamat ang mga magulang at g**o ng Villaros Elementary School sa mga hakbang na isinagawa upang mapabuti ang kalusugan ng kanilang mga anak at estudyante.

Ang inisyatibang "Oplan Alis Kuto" ay patunay ng dedikasyon ng DepEd Nueva Vizcaya sa pagsuporta sa kabuuang pag-unlad ng mga mag-aaral sa ilalim ng kanilang pangangalaga.
โœ๏ธT News Team

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก ||  Sa masayang pagdiriwang ng Career Guidance sa Villaros Elementary School, nagpakita ang mga mag-aaral ng kan...
13/10/2024

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก || Sa masayang pagdiriwang ng Career Guidance sa Villaros Elementary School, nagpakita ang mga mag-aaral ng kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagsuot ng kasuotan ng mga propesyong nais nilang tahakin balang araw, Oktubre 10.

Mula sa mga doktor, g**o, pulis, inhinyero, piloto,bumbero at iba pa, ipinakita nila ang kanilang pag-asa at determinasyon na tuparin ang kanilang mga mithiin sa buhay. Ang makukulay na kasuotan ay sumasalamin sa iba't ibang mga pangarap na naghihintay ng katuparan sa hinaharap.

Ang programa ay nagbigay inspirasyon at gabay sa mga kabataan upang magpatuloy sa kanilang landas patungo sa kanilang mga pangarap. Sa bawat hakbang na kanilang ginagawa, kasama ang edukasyon at tamang gabay, binibigyan sila ng pagkakataon na magtagumpay at maging mahalagang bahagi ng lipunan. Ang araw na ito ay nagpatibay ng kanilang hangarin na maging mga responsable at masikap na propesyonal sa hinaharap.๐Ÿฅฐ๐Ÿ˜‡


๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐||Matagumpay na lumahok ang mga batang mamamahayag ng Villaros Elementary School sa 2024 Campus Journalism ng Dis...
13/10/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐||Matagumpay na lumahok ang mga batang mamamahayag ng Villaros Elementary School sa 2024 Campus Journalism ng Distrito ng Bagabag 2,sa pangunguna ng kanilang Tagapayo ng Pahayagan ng paaralan na si G. Pantaleon M. Cadeliรฑa Jr. Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Tuao High School, at may temang "Shaping Minds, Building Responsible Scribes,ngayong araw.

Ito ay nilahukan ng 148 na kalahok, kasama ang mga mag-aaral at mga Tagapayo ng Pahayagan mula sa 12 elementarya at isang sekondaryang paaralan.

Layunin ng programa na magbigay ng plataporma para sa mga kabataan na ipahayag ang kanilang mga saloobin, talino, at kakayahan sa pamamahayag habang pinapalawak ang kanilang kaalaman sa mga isyu sa kanilang komunidad.

Aktibong lumahok ang mga batang mamamahayag ng Villaros ES sa iba't ibang pagsasanay.Ang mga ganitong aktibidad ay mahalaga upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan sa tamang pamamaraan ng pagbuo ng makabuluhang balita at opinyon.

Sa pagtatapos ng programa, umaasa ang mga g**o at magulang na ang mga batang mamamahayag ng VES ay magiging inspirasyon sa iba pang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap sa pamamahayag. Ang kanilang tagumpay sa District Campus Journalism ay isang patunay ng kanilang talento at pagsisikap sa paghubog ng kanilang mga kasanayan #

โœ๏ธTNewsTeam

"Hindi Magpapahuli sa mga balitang Kawili-wili"
๐Ÿซถโค๏ธ๐Ÿฅฐ

โœจ๐Ÿซถ

๐‘ฉ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ต ว€๐‘ฏ๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’š๐’!Ang Pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month ay isang mahalagang okasyon na kinikilala ang mga kultura, t...
09/10/2024

๐‘ฉ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ต ว€๐‘ฏ๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’š๐’!
Ang Pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month ay isang mahalagang okasyon na kinikilala ang mga kultura, tradisyon, at karapatan ng mga katutubong tao. Martes, ika-8 ng Oktubre,2024, ginunita ng Villaros Elementary School ang 2024 Indigenous Peoples month na may temang โ€œMga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan at Parangalanโ€.

Bilang pakiki-isa, nagsuot ang mga mag-aaral, sa tulong at suporta ng kanilang mga g**o at magulang, ng tradisyonal na katutubong kasuotan. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, ipinapakita ng mga mag-aaral ng 103950-Villaros Elementary School na pinapahalagahan, pinapangalagaan at pinaparangalan nila ang lahing kanilang pinagmulan.



โœ๏ธT News Team
๐Ÿ“ธ Ma'am Remalyn A. Gutierrez

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐| Maligayang pagbati sa mga g**o ng Villaros ES sa pagkamit ng ikatlong puwesto sa Teachers Got Talent sa Distric...
05/10/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐| Maligayang pagbati sa mga g**o ng Villaros ES sa pagkamit ng ikatlong puwesto sa Teachers Got Talent sa District Teachers' Day sa Tuao North, Bagabag Nueva Vizcaya,Oktubre 4.

Mula sa 13 paaralan, namukod-tangi ang kanilang husay sa pag-arte, pagkanta, at pagsayaw, na nagbigay saya at aliw sa mga tagapanood. Isang karangalan para sa VES ang inyong tagumpay!"

Ang pagkamit ng ikatlong puwesto ay isang patunay ng kanilang kasipagan at husay. Isang karangalan para sa Villaros ES ang inyong tagumpay, na nagbigay ng dangal sa paaralan at inspirasyon sa kapwa g**o at mag-aaral. Mabuhay ang mga g**o ng VES, at patuloy nawa ang inyong pagningning sa bawat hamon at pagkakataon!



โœจ๐Ÿฅฐ๐Ÿซถ๐ŸŽ‰

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐| Sa selebrasyon ng District Teachers' Day na may temang Empowering Educators: Strengthening Resilience, Building...
05/10/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐| Sa selebrasyon ng District Teachers' Day na may temang Empowering Educators: Strengthening Resilience, Building Sustainability kinilala ang dedikasyon ng mga teaching at non-teaching personnel ng Department of Education na may limang taon nang nagseserbisyo, sa Tuao North Nueva Vizcaya, Oktubre 4.

Kabilang sa mga pinarangalan sina Rachelle C. Mundo, Teacher III, at Harold C. Mangoma, Administrative Officer II. Ang kanilang kontribusyon sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon at serbisyo sa Villaros Elementary School ay naging mahalaga sa pagpapaunlad ng paaralan at komunidad.

Ipinakita ni Ma'am Mundo ang kaniyang husay at kahusayan bilang g**o sa loob ng limang taon ng paglilingkod. Ang kanyang walang sawang suporta at paggabay sa mga mag-aaral ay isang halimbawa ng dedikasyon sa propesyon. Sa kabilang banda, si Sir Mangoma ay kinilala para sa kanyang maaasahang serbisyo bilang Administrative Officer II, na nagiging daan upang maging maayos ang operasyon ng paaralan.

Sa parehong araw, pinarangalan din ang Villaros Elementary School bilang 4th runner-up bilang Top Performing School sa buong Bagabag 2 District. Ang pagkilalang ito ay patunay ng pagsisikap ng buong paaralan, mula sa mga g**o hanggang sa mga mag-aaral, upang mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon.

Ang selebrasyon ng District Teachers' Day ay hindi lamang pagkilala sa mga g**o at kawani, kundi pati na rin sa patuloy na suporta ng komunidad sa edukasyon. Sa tulong ng mga tulad ni Ma'am Mundo at Sir Mangoma, at ng buong Villaros Elementary School nagiging inspirasyon ang bawat isa na patuloy na magsikap para sa mas maunlad na kinabukasan.

โœ๏ธT News Team
,PahayagnaTotoo

Address

Villaros, Bagabag
Nueva Vizcaya
3711

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Tambuli l Ang Opisyal na Pahayagan ng Villaros ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category