04/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ฒ๐๐ก๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฉ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ | Lumahok ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA, sa pamamagitan ng mga Regional at Provincial Focal Persons ng Risk Resiliency Program (RRP), sa Experiential Exchange Learning Visit (EELV) para sa Project LAWA at BINHI na isinagawa noong Hulyo 27โ31, 2026 sa San Carlos City, Negros Occidental.
Nagbigay ang aktibidad ng pagkakataon sa mga kalahok mula sa iba't ibang DSWD Field Offices na magbahagi ng mga karanasan, mahuhusay na pamamaraan, at mga inobasyon upang higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng Project LAWA at BINHI sa kani-kanilang rehiyon.
Kasabay nito, kinilala rin ang mahusay na implementasyon ng DSWD MIMAROPA matapos nitong tanggapin ang ilang parangal, kabilang ang Social Media Recognition Award, 100% Target Physical and Financial Completion Award, at Bronze Standard in Reporting Award.
Patunay ang mga pagkilalang ito sa patuloy na pagsisikap ng DSWD MIMAROPA na maghatid ng epektibo, makabago, at climate-resilient na mga programa para sa kapakanan ng mga komunidad.
โค๏ธ