17/09/2026
๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ผ | ๐๐๐ ๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐๐ฎ๐, ๐๐๐ข๐ฅ๐ค๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐ช๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐
Sa pagdiriwang ng wikang patuloy na humuhubog sa pagkakakilanlan ng bawat Pilipino, isinagawa ng St. Joseph CollegeโOlongapo Inc. ang programang pangwakas para sa Buwan ng Wika 2026 noong Setyembre 17, mula alas-7:30 hanggang alas-10 ng umaga.
Sa temang โWikang Filipino at AI,โ pinagsama sa programa ang panitikan, musika, sayaw, sining at mga paligsahang nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang kakayahan sa paggamit ng wikang Filipino sa harap ng patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya.
Pinangunahan nina Jaliah Gadia, Kalihim ng Samahang Filipino, at Alexander Cinco, Tagasuri ng Samahang Filipino, ang programa bilang mga tagapagdaloy.
Sinimulan ang pagtitipon sa pag-aawit ng panalangin na pinangunahan ng mga mag-aaral ng Baitang 9โSt. Andrew, sa ilalim ng pangangasiwa ni Bb. Ashllie Krisna Melencio. Pagkatapos ay isinagawa ang pambungad na pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, na pinangunahan ni Youone Pabalinas, Kinatawan ng Baitang 10 ng Samahang Filipino.
Nagbigay naman ng pambungad na pananalita si Micah Carlia Razal, Pangulo ng Samahang Filipino, na sinundan ng mensahe ni Gng. Teresa Y. Sabado, punong-g**o ng SJC JHS.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, nakiisa rin ang mga g**o sa pamamagitan ng pagsusuot ng barong at Filipiniana. Nagkaroon din ng sama-samang pagkuha ng larawan upang itampok ang pakikiisa ng mga g**o sa pagdiriwang ng wikang Filipino.
Sinundan ito ng pagtatanghal ng HFC sa pamamagitan ng kanilang Dance Performance, na nagpakita ng iba't ibang sayaw na bahagi ng kulturang Pilipino. Naghandog din si Emylio Jhio ng pagtatanghal na โPanalangin.โ
Samantala, ipinamalas nina Ayesha Pearl Sol at Kaira Blaine Diego, mga Kinatawan ng Baitang 8 ng Samahang Filipino, ang kanilang pag-awit sa โBakit Nga Ba Mahal Kita.โ Nagbigay rin ng isang tulang pasalita si Cassandra Boholst mula sa Baitang 9โSt. Luke.
Matapos ang mga pagtatanghal, isinagawa ang paggawad ng mga parangal sa mga nagwagi sa iba't ibang paligsahan.
Pinangunahan ang paggawad nina G. Jonathan Galica, Pangalawang Punong-g**o, Gng. Teresa Y. Sabado, Punong-g**o, at ni Gng. Barbara R. De Leon, Tagapag-ugnay sa Samahang Filipino.
Sa Paligsahan sa Paggawa ng Slogan, itinanghal na unang gantimpala para sa Baitang 7 si Chester Basa ng St. Dominic, habang ikalawa at ikatlo sina Andrea Patrice Salvador at Marga Sagun, kapwa mula sa St. Anthony.
Para sa Baitang 8, nanguna si Angelo Espeso ng St. Agatha, sinundan nina Kyle L. Santos ng St. Genevieve at Ayesha Aquino ng St. Agatha.
Sa Baitang 9, nakuha ni Dirk Angelo Pellico ng St. Andrew ang unang gantimpala. Pumangalawa si Rein Sarayan ng St. Bartholomew, habang pumangatlo si Desiree Motus ng St. Andrew.
Sa Baitang 10 naman, nanguna si Antonia Christine Matibag ng St. Michael, kasunod sina Mackayla Shae Pangan at Fatima Joy Amores, na kapwa mula sa St. Michael.
Sa Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay, nagwagi bilang unang gantimpala sa Baitang 7 si Czaira Mae Palac ng St. Anthony, habang pumangalawa si Edrielle Chelsea Vinoya ng St. Anthony at pumangatlo si Maica Alexis Magno ng St. Clement.
Para sa Baitang 8, nanguna si Athena Dayson ng St. Agatha, sinundan nina Angelo Espeso at Dexyvonne Vailoces, kapwa mula sa St. Agatha.
Sa Baitang 9, itinanghal na nangunguna si Rein Sarayan ng St. Bartholomew, habang ikalawa si Tiffany Gale Mariano ng St. Andrew at ikatlo si Dirk Angelo Pellico ng St. Andrew.
Sa Baitang 10, nakuha ni Juliana Manalang ng St. Michael ang unang gantimpala. Pumangalawa si Lamarkuz Aรฑasco ng St. Michael, habang pumangatlo si Johanna Sasha Bonifacio ng St. William.
Muling naging makulay ang programa sa paggawad ng mga parangal para sa Pinta sa Bayong, kung saan nagpakita ng malikhaing pagsasalarawan ang mga kalahok gamit ang tradisyonal na bayong.
Nanguna ang Baitang 10โSt. Michael, sinundan ng Baitang 8โSt. Agatha sa ikalawang puwesto at Baitang 8โSt. Bernadette sa ikatlo. Nakuha naman ng Baitang 9โSt. James ang ikaapat na puwesto, Baitang 7โSt. Columban ang ikalima, at Baitang 10โSt. Augustine ang ikaanim.
Isa rin sa mga tampok na bahagi ng pagdiriwang ang TATAFIL, kung saan sinubok ang kaalaman ng mga kalahok sa wikang Filipino.
Sa Baitang 7, nagwagi ang St. Anthony, habang pumangalawa ang St. Benedict. Sa Baitang 8, nanguna ang St. Agnes at sinundan ng St. Agatha. Sa Baitang 9, nakuha ng St. Andrew ang unang puwesto at St. Bartholomew ang ikalawa. Para naman sa Baitang 10, nanguna ang St. Michael, habang pumangalawa ang St. Rose of Lima.
Sa pangkalahatang kampeon ng TATAFIL, nagtapos sa ikaapat na puwesto ang Baitang 7โSt. Anthony, habang ikatlo ang Baitang 8โSt. Agnes. Nakuha naman ng Baitang 9โSt. Andrew ang ikalawang puwesto, habang itinanghal na kampeon ang Baitang 10โSt. Michael.
Kasunod nito ang paggawad ng pagkilala sa mga opisyal ng HFC, mga opisyal ng Samahang Filipino, at mga g**o ng Samahang Filipino. Kinilala rin ang mga nagsilbing tagahatol sa Paggawa ng Slogan at Pinta sa Bayong.
Matapos ang paggawad sa mga tagahatol, muling naging masigla ang programa sa pamamagitan ng pagtatanghal ng Culture and Arts Society, sa pangangasiwa ni Bb. Melencio, na nagdagdag ng kulay at sigla sa pagdiriwang.
Sinundan ito ng dalawahang pagtatanghal nina Micah Carlia Razal, Pangulo ng Samahang Filipino, at Maria Carissa Marcos, Kinatawan ng Baitang 9 ng Samahang Filipino, sa awiting โBabalik Saโyo.โ Naghandog din sina Gabriella Remorin at Justin Isidro ng kanilang dalawahang pag-awit ng โPasilyo.โ
Samantala, itinampok sa Parada ng Wikang Kasuotan ang mga kasuotang kumakatawan sa mga bayani at tauhang Pilipino mula sa kuwentong-bayan at alamat, na nagbigay ng panibagong anyo sa mga kuwentong bahagi ng kulturang Pilipino.
Iginawad din ang mga Sertipiko ng Pagkilala sa mga Tagapag-ugnay ng Culture and Arts Society at mga kasapi nito, kabilang sina Bb. Melencio at G. Ace Custodio, gayundin ang mga lumahok sa Parada ng Wikang Kasuotan.
Bago tuluyang nagtapos ang programa, nagbigay ng pangwakas na pananalita si Gng. De Leon, Tagapag-ugnay ng Samahang Filipino.
Ganap na alas-10 ng umaga nang matapos ang programa. Matapos ang seremonya, nagsama-sama pa ang mga g**o at mag-aaral para sa mga larawan bago bumalik sa kani-kanilang silid-aralan.
Sa isang umagang puno ng pagtatanghal, paligsahan at pagkilala, muling nabigyang-diin ang halaga ng wikang Filipino bilang bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng mga Josephian. Sa temang nakatuon sa ugnayan ng wika at artipisyal na intelihensiya, naging pagkakataon din ang pagdiriwang upang pag-isipan kung paano mananatiling makabuluhan ang sariling wika sa isang mundong patuloy na hinuhubog ng teknolohiya.
Erich Chloe Vinoya, The Shield | BALITA
๐ท via Carlisle Elepongga, Franxihn Jaene Villaflor, Marian Calaguas, Vanessa Curabo, at mga opisyal ng Samahang Filipino