24/07/2025
BAKA PO ORAS NA PARA MAUNAWAAN MO
Hebro 1:1 Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2 Ngunit sa mga huling araw na ito, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay.
KUNG GANUN, DAKO TAYO SA PAHAYAG NI MOISES
Deuteronomio 12:32 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.
NAPAKA ISTRIKTO PO PALA NG DIYOS 👆
AT SA PANIG NAMAN NG PANGINOONG JESUS
Mateo 5:17 “Huwag ninyong isipin na naparito ako upang ipawalang-saysay ang Kautusan ni Moises at ang isinulat ng mga propeta. Naparito ako upang tuparin ang mga ito.
Juan 12:49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
ANU PO BA KASI ANG MGA KAUTUSAN SA PANAHON NI MOISES? NABASA NYO NA PO BA ANG MGA AKLAT NI MOISES?HALIMBAWA NALANG NG ILAN SA MGA TALATA SA EXODO 20:4 AT DEUTERONOMIO 5:7-8
BAKA PO KASI MALI NA ANG KAPARAANAN NATIN NG PAGLILINGKOD. BAKA HINDI NAMAN PO IPINAG UUTOS AY GUMAGAWA TAYO NG SARILING BATAS O PANUKALA SA PAGLILINGKOD..TATANGGAPIN KAYA NG DIYOS ANG GAYONG PAGLILINGKOD?
Marcos 7:7Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba sa akin dahil ang mga itinuturo nila ay mga utos lang ng tao.’
8 Sinusuway ninyo ang utos ng Dios, at ang sinusunod ay mga tradisyon ng tao.”
9 Sinabi pa ni Jesus, “Mahusay kayo sa pagpapawalang-bisa sa mga utos ng Dios para masunod ninyo ang inyong mga tradisyon.
Lucas 6:46 “Bakit ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon! Panginoon!’ gayong hindi naman ninyo sinusunod ang inuutos ko?
Mateo 7:21 Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang nagsasagawa ng kagustuhan ng aking Amang nasa langit.
KUNG ANU LAMANG ANG INIUUTOS AY SIYA LAMANG SUSUNDIN HUWAG DARAGDAGAN NI BABAWASAN(DEU.12:32)
MAKAKAPASOK NGA KAYA TAYO SA KAHARIAN NG LANGIT?