05/09/2026
Una sa lahat, maraming-maraming salamat sa inyong lahat para sa isang buong term na tayo’y magkakasama isang term na puno ng challenges, excitement, learning, growth, at mga karanasang tiyak na hindi natin malilimutan.
Maraming salamat dahil hinayaan ninyo akong maging bahagi ng inyong journey at ng inyong buhay estudyante. Isang karangalan para sa akin na makasama kayo, matuto kasama ninyo, at maging bahagi ng inyong paglalakbay.🌊⛴️
Sana, sa panahong tayo’y nagkasama, Baunin ninyo ang lahat ng mga lessons, experiences, friendships, at memories na nabuo natin sa paglalakbay na ito.
Gawin ninyong inspirasyon ang lahat ng pagsubok at trials na inyong naranasan at ang mga hamon na haharapin pa ninyo. Tandaan ninyo, hindi lahat ng challenges ay hadlang. Minsan, ang mga ito ang mismong proseso upang tayo’y maging mas matatag, mas mahusay, at mas handa sa mga susunod na yugto ng ating buhay.
Nawa’y magsilbi itong simula upang lalo kayong magpursige, magsumikap, at higit sa lahat, maniwala sa inyong sarili habang unti-unti ninyong inaabot ang inyong mga pangarap.
Stay humble. Stay strong. Know your worth.
Hindi lahat ng tao ay maniniwala sa iyo. Hindi lahat ay makakaunawa sa inyong journey. At hindi lahat ay susuporta sa inyong mga pangarap and that’s okay. Believe in yourself, even when no one else does.
Keep moving forward.Keep learning.Keep growing
At huwag na huwag ninyong hahayaang ang opinyon ng ibang tao ang magdikta kung sino kayo o kung ano ang kaya ninyong marating.
Don’t stop chasing your dreams until they become your reality.
Sa bawat alon na inyong haharapin, tandaan ninyo kung bakit kayo nagsimula. Kapag mahirap, huwag agad susuko. Kapag nabigo, bumangon. Kapag nagduda kayo sa sarili, alalahanin ninyo ang lahat ng pagkakataong nalampasan ninyo ang mga bagay na akala ninyo ay hindi ninyo kakayanin.
The journey may not always be easy, but every step will make you stronger.
Once again, thank you so much, everyone. It has been an honor and a privilege to be part of your journey. Maraming salamat sa inyong tiwala, respeto, effort, at sa lahat ng memories na sama-sama nating nabuo.
Dalhin ninyo ang mga natutunan ninyo.
Pahalagahan ninyo ang mga taong naging bahagi ng inyong journey. At higit sa lahat, patuloy kayong maniwala sa inyong sarili at sa inyong mga pangarap.
Keep sailing. Keep striving. Keep believing.
Until our paths cross again.
Fair winds and following seas🌊, future Mariners. May you reach every destination you’ve dreamed of.
Your Marinerong Mangyan
is now signing off.
Engr. G.A.R PN(Res)