MaruyaBanana

MaruyaBanana Maruya

26/11/2021

"KAMUSTA By MaruyaBanana”

Kamusta? Kamusta yung puso mo na durog na durog na?
Iniwan ka, pinaasa at pinagmukhang tanga.
Kamusta ka? Hindi ka ba nag-aalala?

Na sa tuwing nasasaktan ka, umiiyak ka.
Na sa tuwing iniiwan ka, humahabol ka.
Na sa tuwing sinasabihan ka na mahal ka, naniniwala ka.
Bes naman, gising hindi porket libre magpakatanga aaraw-arawin mo na.

Mahirap kumapit sa salitang "sana"
Na sana ikaw na lang yung minahal niya.
Na sana ikaw na lang yung pinili niya.
Na sana ikaw nalang yung naging mundo niya.

Kasi sa bawat sana na nais mong makamit ay may sakit na kapalit.
Sakit ng katotohanan ang reyalidad.
Na pilit mong iniiwasan kasi hindi mo kaya yung sakit.

Paano mo naman maiiwasan yung sakit diba, kung palagi mong nakikita na yung mahal mo ay may mahal ng iba.
Yung mahal mo ay masaya na sa kanya.
Yung mahal mo na hindi ka man lang minahal, diba?

At ikaw pa 'yong parang galit kasi iniwan ka.
Kahit hindi naman naging kayo.
Hayaan mo, kasi makakahanap ka rin ng taong mamahalin ka, tapos iiwan ka ulit.

Oh diba ang sakit?
Ang sakit-sakit makitang masaya siya sa iba, yung tipong wala kang magawa kundi panoorin nalang sila.

Kaya tama na, gising na sa katotohanan.
Sumuko ka na, hindi dahil sa mahina ka.
Sumuko ka na, dahil sa nasasaktan ka na.
Sumuko ka na at palayain mo na siya.

26/11/2021

“Sana” by I belong to the Zoo Fingerstyle Cover by MaruyaBanana (Free tabs)

24/11/2021

Titanic~My Heart will go on. -Fingerstyle guitar cover (Tabs) By MaruyaBanana

17/11/2021

"️COUNTDOWN OF LOVE"
By Maruya

ISA...
Isang beses pa lang akong umibig
Isang beses din akong nasaktan at iniwan
Iniwan ako sa di ko malamang dahilan
Na hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa aking isipan

DALAWA...
Dalawang beses akong napapikit nang mariin
Pinipilit ko ang sarili na di kita isipin
Ngunit di ko pa rin magawa na ikaw ay limutin
Dahil andito ka pa rin...
Sa puso ko at damdamin

TATLO...
Tatlong ulit nang tumatakbo sa isip ko
Kung ano nga ba ang rason sa paglisan mo
Kung ano nga ba ang dahilan ng lahat ng ito
Subalit ako ay bigo...
Ako ay nabigo dahil bigla ka na lang lumayo

APAT...
Apat na taon na dapat tayong dalawa
Kung hindi mo lang sana ako iniwan, sinta
Nanghihinayang ako sa pinagsamahan nating dalawa
Dahil akala ko...
Ikaw na ang makakasama ko hanggang sa pagtanda

LIMA...
Limang linggo na ang nakalilipas pero hanap-hanap pa rin kita
Sa bawat pagmulat ng aking mga mata
Ikaw agad ang gusto kong makita
Hindi lang siguro ako sanay na ikaw ay wala
Dahil ang pag-ibig natin sa isa't-isa
Ay bigla na lang nawala
Bigla itong naglaho na parang bula

ANIM...
Sa pang-anim na beses ay nakita kitang may ibang kapiling
Masakit man iyon para sa akin
Subalit pilit kong titiisin, pilit na kakayanin
Masakit man isipin...
Ngunit pilit na kitang lilimutin

PITO...
Pitong buwan na ang lumipas
Pero di pa rin kumukupas
Pilit ko pa ring kinakalimutan
Ang ating pinagsamahan
Na tila bangungot na sa akin ng ating nakaraan

WALO...
Walong metro ang layo ko mula sa'yo
Nang muli kitang makita mula sa malayo
Ang laki na nga ng pinagbago mo
Parang kailan lang... nang magkasama pa tayo

SIYAM...
Siyam na hakbang na lang ang pagitan nating dalawa
Nang makita mo ako ay agad na lumapit ka
Bakas sa iyong mata
Ang lungkot at pangungulila
Ngunit di ko alam kung muli pa ba akong magtitiwala
Dahil ayoko nang muling magkamali pa at lumuha

SAMPU...
Sampung segundo tayong nagtitigan
Sa bilis ng pagtibok ng puso ko, di ko na mabilang kung ilan
Lungkot, saya, galit, pangungulila at panghihinayang
Halo-halo ang emosyon na ang aking nararamdaman
Hindi ko lubos-akalain na magkikita pa tayo
At sasabihin mo sa akin ang mga katagang
"Patawad, mahal ko..."

10/10/2021

💉

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MaruyaBanana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share