01/05/2026
May 01, 2026
Debosyon Para Sa Araw Na Ito
"Ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita."
(FILIPOS 1:12 MBB)
MAGANDA ANG NANGYAYARI
+ Ang pagkabilanggo ni Pablo ay nakatulong ng malaki sa ikalalaganap ng Mabuting Balita.
Noong Unang Digmaang Pandaidig, nagkaroon ng giyera sa Marne na isang ilog sa France. Kahit natatalo ang France, sinabi ni Ferdinand Foch, pinuno ng isa sa mga hukbo ng France na maganda ang nangyayari dahil makakalusob pa din sila. Hindi siya nawalan ng pag-asa at sa huli, natalo nila ang Germany.
Kung minsan, pakiramdam ng mga nagtitiwala kay Jesus na natatalo na sila sa pakikipaglaban o pagharap sa mga nangyayari sa buhay nila. Pero kahit halos sumuko na sa bigat ng mga problema, masasabi pa din ng mga nagtitiwala kay Jesus na mayroong magandang nangyayari.
Tingnan natin ang apostol na si Pablo. Nakulong siya dahil sa pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoong Jesus, pero sinabi niya na maganda ang nangyari dahil lalo pang lumaganap ang Magandang Balita tungkol kay Jesus. Naipangaral niya ang tungkol kay Jesus sa mga bantay ng bilangguan. Lumakas din ang loob ng ibang mga mananampalataya na ipangaral ang tungkol kay Jesus (Filipos 1:12-14)
Ginagamit ng Diyos ang mga pagsubok na ating nararanasan para sa ating ikabubuti (Roma 8:28). Isa ito sa mga paraan ng Diyos para maparangalan Siya.
PANALANGIN :
Panginoon, madalas po kaming bumabagsak sa mga pagsubok kaya idinadalangin po namin na tulungan N'yo po kaming makabangon upang makita ng iba ang inyong kabutihan sa amin. Salamat po, sa pangalan ni Jesus. Amen.
GINAGAMIT NG DIYOS ANG MGA PAGSUBOK PARA TUMATAG TAYO.
PURIHIN ANG DIYOS AT MAPAGPALANG ARAW SA'YO!