The Unfiltered Life of a Social Worker

The Unfiltered Life of a Social Worker No filters, just heart and the hustle of helping.

πŸ’•πŸ«°
21/09/2026

πŸ’•πŸ«°

π‚πˆπ‚π‹ 𝐍𝐎𝐎𝐍, π‘π„π†πˆπ’π“π„π‘π„πƒ π’πŽπ‚πˆπ€π‹ π–πŽπ‘πŠπ„π‘ 𝐍𝐀 ππ†π€π˜πŽπ: 𝐀𝐍𝐆 πŠπ–π„ππ“πŽ 𝐍𝐆 ππ€π†ππ€ππ†πŽπ 𝐀𝐓 π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐈 π‰πŽπ‡π πŒπ€π‘πŠ 𝐃𝐀𝐑𝐀𝐃𝐀𝐋

β€œEverything happens for a reason.”

Ito ang naging sandigan ni John Mark Daradal, 25, simula noong siya ay ma-admit sa DSWD Field Office VIII Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY) sa edad na 16.

Mahigit apat na taon siyang nanatili sa center hanggang sa siya ay makalabas noong taong 2021. Sa panahong iyon, natutunan niyang hindi lamang ang magbago, kundi ang maniwala na may kinabukasang naghihintay sa kanya.

Sa pamamagitan ng holistic na mga programa at serbisyo ng RRCYβ€”mula sa physical, social, emotional, at spiritual development hanggang sa education at life skillsβ€”unti-unting nabuo ang panibago niyang pananaw sa buhay.

Nang malaman niyang may Alternative Learning System (ALS) sa loob ng center, agad niyang niyakap at hindi pinalagpas ang pagkakataong makapag-aral muli.

β€œMali, pero hindi pa katapusan. Meron pa akong pag-asa.”

Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral, hanggang sa nakapag-mainstream siya sa high school sa pamamagitan ng partnership ng center at Tanauan School of Arts and Trade (TSAT).

Para kay John Mark, ang RRCY ay naging kaniyang β€œtraining ground”—isang lugar kung saan inihanda niya ang sarili para sa muling pagbabalik sa komunidad.

Paglabas ng center, hindi natapos ang kanyang paglalakbay. Pinili niyang kumuha ng Bachelor of Science in Social Work sa Leyte Normal University.

Sa kabila ng pangamba at takot na baka tingnan siya ng iba ayon sa kanyang nakaraan, nagpatuloy siya. Sa bawat hakbang, dala niya ang isang paniniwalang natutunan niya sa kanyang paglalakbay: β€œMan has the capacity to change.”

At ngayon, mula sa pagiging isang Child in Conflict with the Law (CICL), isa na siyang Registered Social Worker (RSW).

Para kay John Mark, hindi pa ito ang katapusan. Isa pa lamang itong panibagong simulaβ€”at pangarap niyang balang araw, makapaglingkod sa mga kabataang dumaraan sa parehong landas na minsan niyang tinahak.

β€œKung kaya ko, kaya ninyo rin.”

Ito ang mensaheng nais niyang iparating sa kanyang mga kapwa kabataan sa center: huwag mawalan ng pag-asa. Ang nakaraan ay hindi kailangang maging hangganan ng iyong kinabukasan. Dahil minsan, ang isang pagkakataon, tamang paggabay, at taong handang maniwala sa iyo ay sapat upang makita mong may pag-asa pa.

At sa bawat batang binibigyan ng pagkakataong magbago, may isang kinabukasang muling nabubuo.

πŸ’•πŸ«°
21/09/2026

πŸ’•πŸ«°

Welcome to the profession, colleagues! πŸ₯ΉπŸ’•JOB DUST for everyone prepping for oath-taking and career hunting! May your dre...
17/09/2026

Welcome to the profession, colleagues! πŸ₯ΉπŸ’•

JOB DUST for everyone prepping for oath-taking and career hunting! May your dream agencies open their doors and your job offers come in fast!


YOUR HARD WORK HAS PAID OFF!Congratulations to all 8,383 passers of the September 2026 Social Work Licensure Examination...
16/09/2026

YOUR HARD WORK HAS PAID OFF!

Congratulations to all 8,383 passers of the September 2026 Social Work Licensure Examination!πŸ’•πŸ‘


πŸ‘€: First Public Appearance ni Former President Rodrigo Roa Duterte after 18 months sa  ICC sa The Hague.
16/09/2026

πŸ‘€: First Public Appearance ni Former President Rodrigo Roa Duterte after 18 months sa ICC sa The Hague.

16/09/2026

Mag bigay ng scenario na makakapag init ng ulo ng Social Worker?

Ayaw po kasi magreply nung SW sa akinπŸ˜€

15/09/2026

Simula bukas, hindi na ako sasakay pauwi. Maglalakad na ako baka sakaling makasalubong ko si NEVER GROW OLD.πŸ˜€

15/09/2026

Legit yung Agony of waiting sa result ng Board exam, gigising at tutulog kang kinakabahan πŸ₯Ί
pero Tiwala lang, PAPASA KA!

13/09/2026

πŸ™πŸ»βœ¨

11/09/2026

IT'S A MIRACLE! NAKALAKAD NA SI BONOANπŸ˜€ WALA NG WHEELCHAIR πŸ‘πŸ‘

Address

Ormoc City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Unfiltered Life of a Social Worker posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share