09/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ, ๐๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐.๐. ๐๐๐๐โ๐๐๐๐
Pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), sa pamumuno ng kanilang pangulo na si Lyxene Mari B. Romero, ang unang pagpupulong ng Ormoc City Senior High School (OCSHS) Coordinating Council noong Huwebes, Agosto 6, 2026.
Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga pangulo mula sa ibaโt ibang club at organisasyon ng paaralan, kung saan tinalakay ang mga mahahalagang usapin kaugnay ng mga nakatakdang aktibidad ng paaralan, kabilang ang mga alituntunin para sa Academic Excellence at Outstanding Club Award, bilang paghahanda sa maayos na pagpapatupad ng mga programa at gawain ng bawat organisasyon.
Sa pamamagitan ng pagpupulong, layunin ng OCSHS Coordinating Council na mapagtibay ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga organisasyon tungo sa mas organisado, episyente, at matagumpay na pagsasakatuparan ng mga gawain para sa S.Y. 2026โ2027.